CHAPTER 1

4.7K 91 3
                                        

“Keisha, ‘yung boyfriend mo nasa cafeteria nakikipag-away!”
 
Abala ako noon sa cell phone pero nang marinig iyon galing sa kaklase ko ay agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko upang tunguhin ang cafeteria. Madali ko lang na nahanap ang kaguluhan dahil pinagkukumpulan ito ng mga estudyante. Marahas kong hinawi ang bawat naroroon kaya’t nakarating ako sa gitna. Ang dami na talagang tsismoso’t tsimosa sa mundo. Nang masilayan ay napatakip ako sa aking bibig.
 
Gulong-gulo ang buhok ni Xyth. May sugat sa gilid ng labi ngunit masasabi kong mas malala pa rin ang sinapit ng kaaway nitong may pasa sa pisngi at dumudugo pa ang ilong. Pumagitna ako sa kanilang dalawa kaya’t bahagyang tumigil ang gulo.
 
“Ano’ng ginagawa mo? Bakit nakikipag-away ka na naman?” salubong ang mga kilay kong tanong sa boyfriend ko. Lapitin kasi siya ng gulo dahil sa mga mata niya na natural lang naman pero para sa iba ay masama kung makatingin.
 
“Maghiwalay na tayo, Keisha.”
 
Ang mga nakaharang kong kamay sa dibdib niya'y unti-unting bumaba. Nagsimula akong kabahan at hindi ako makabuo ng sasabihin. Hindi ko gusto ang naririnig mula sa kanya kaya ngumiti ako kahit pilit lang.
 
“Stop joking, Xyth. Tara na, gamutin na natin ang sugat mo.”
 
Ngunit sa halip na hawakan niya ang kamay ko hinawi niya pa iyon at doon ako nasaktan. Hindi ko gustong malaman na seryoso siya sa sinabi niya. Hindi naman niya ‘yon gagawin sa’kin. He loves me and I love him, too. I did not give him reasons for us to come this far.
 
“Hindi ako nagbibiro. Kayo ng lalaking ‘yan ‘di ba? Magsama kayo.” Tinalikuran niya ako. Marahas pa niyang inayos ang polo niyang nagusot.
 
Tiningnan ko ng masama si Dennis. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sa boyfriend ko pero sa ngayon, hindi muna siya ang dapat kong kausapin. Sinundan ko agad si Xyth at naabutan ko siya sa hallway papalabas na nang building. Hinablot ko ang braso niya para paharapin sa’kin pero nanlamig ako sa paraan ng pagtitig niya sa'kin.
 
It was so unreal.
 
“P-Pwede ba tayong mag-usap? Nang maayos? P-Please.”
 
Nanunubig na ang mga mata ko habang sinasabi iyon sa kanya. Bahagya kong iniiwas ang mukha ko sa mga taong napapadaan at pinagtitinginan kami. Kanina pa ako nakakarinig sa cafeteria ng mga bulung-bulungan kaya ayaw ko sanang dito pa kami mag-usap.
 
“Wala na tayong pag-uusapan, Keisha. Sinabi ko na lahat ng sasabihin ko sa’yo,” malamig na sabi niya sa’kin at ang masakit pa’y hindi man lang niya ako matingnan.
 
Mas pinaniniwalaan niya pa ang mga tsismis na iyon kaysa sa’kin? I can’t believe this. Katatapos lang ng 2nd anniversary namin kahapon tapos nagkakaganito na naman siya.
 
“Ang alin? Hindi sapat sa’kin ang sabihin mong wala na tayo. Kailangan ko ng rason! Hindi mo ba ‘yon maibigay sa’kin? Mas naniniwala ka pa sa iba kaysa sa’kin na girlfriend mo?! You are so unbelievable, Xodriga!”
 
Umalis na naman siya at tinungo ang kotse niyang nasa labas. Akmang bubuksan niya na iyon nang pigilan ko ulit siya. Sa ngayon, I just don’t care kung pag-usapan kami ng mga tao. I only want to hear his side.
 
“Xyth, ano ba?!”
 
Kinabig ko siya pero dahil mas malakas siya sa’kin nawala ako sa balanse ng hawiin niya ang kamay ko. Kasabay ng pagbagsak ko sa semento ay ang pagtulo ng mga luha ko. Natabunan ng mga buhok ko ang aking mukha.
 
Xyth tried to get me up but I shoved his hand away. I looked up to him with full of anger and hatred, this is why I hate being disregarded, my emotions are easily changed into ones that I don’t like having with. Tumayo ako ng walang tulong na nanggagaling sa kanya.
 
“Kesh, hon—
 
My tears fell again. How can he still call me with our endearment…
 
“Alam mo namang ayaw ko ng binabalewala ako ‘di ba? Bakit mo ‘to ginagawa?”
 
Kung kanina walang emosyon ang mga mata niya ngayon naman ay parang sising-sisi siya sa ginawa.
 
“I’m sorry—
 
“Kung ‘yan ang gusto mo, ang maghiwalay tayo… sige. Kahit sobrang hirap tanggapin susubukan kong intindihin dahil hindi ko gustong itali ka sa buhay ko kung wala ka nang nararamdaman sa’kin.” I wiped my tears away. He was supposed to come near me but I stepped back and turned to leave.
 
“Kesh! Fuck.” I heard him cussing so many times but I did not face him again.
 
 
Sa gabi ring iyon nagpakalasing ako sa bahay. I am not usually like this. I don't drink but here, I just did. Gusto kong kalimutan lahat-lahat ng nangyari ngayon. To remember him is a torture. I cried all night in my room and I ignored every messages coming from my friends.
 
He’s so cruel for leaving me like this. I hate him.
 
 
 
 
***
 
“Lasing na ‘yan, iuuwi ko lang.”
 
Kahit na lasing ako hindi ko pa rin nakakalimutan kung nasaan ako pati na ang kaibigan kong nagsalita. Nakasandal lang ang ulo ko sa backrest ng sofa habang nakapikit ang mga matang inaantok na dahil sa alak. Alexus tried to grab my arm but I pushed him.
 
“Hindi ako lasing, tangina.”
 
“Bakit mo pa kasi hiniwalayan kung magkakaganyan ka ngayon?”
 
A question coming from Yuan.
 
Umayos ako ng upo saka muling kumuha ng baso ng alak saka nilagok iyon.
 
“I can’t keep her while I am growing myself. Aalis ako at maiiwan siya rito. She deserves happiness. That’s what important to me.”
“Pwede naman kayong hindi mag-break kahit nasa Amerika ka ‘di ba? Long distance relationship sabi nga nila. Marami na ang sumusubok niyan ngayon kaya dapat hindi ka basta-bastang nagdedesisyon.” Yuan
 
I groaned out of frustration. I kept messing up with my hair and I looked down placing my hands at the back of my head.
 
“It won’t work. I will be busy there. I will not have enough time with her and I know she will not be happy with that. It is best to let go of her now.”
 
I heard them put their glasses down.
 
“Pero pareho lang kayong dalawa nasasaktan. And worst bro, you broke up with her in front of everyone. It’s like you humiliated her in front of everybody.” Alexus
 
“I know. I fucked up.” I don’t know either why I did that. Nandamay pa ako ng tao.
 
“What about Dennis? Siguradong galit na galit din sa kanya si Keisha. You told her that he spread a rumor where Keisha is cheating with him.” Yuan
 
Nanahimik nalang ako dahil baka magkasagutan pa kami ni Yuan. Dennis is someone I know in high school and I made a condition with him. I know that he likes my girlfriend that’s why I chose him to play the game. We acted like I was fooled and broke up with my girlfriend, and fuck, it truly happened!
 
Alexus sighed. “Kailan ka aalis?”
 
“This Friday.” And I drank the last glass on my hand.
 
“Alam mong pagsisisihan mo ‘to balang araw ‘di ba?” Alexus
 
I looked at him like a lifeless.
 
“I-I know.”
 
They shook their heads and tsked.
 
“Sana lang mapatawad ka niya pagdating ng araw na ‘yon.”
 
I fell into silence again.
 
“So, papasok ka pa bukas?”
 
Ginulo kong muli ang buhok ko. “Yeah. I want to see her for the last time.”
 
 
 
 
***
Keisha’s POV
 
 
Kinaumagahan ramdam ko ang sakit ng ulo ko nang magising ako. Pikit pa ang mga mata ko nang kapain ko ang alarm clock kong nasa katabing lamesa ng aking kama. Nakita ko roon ang oras na malapit nang mag-alas otso. Kanina pa nagsimula ang klase namin kaya napagdesiyunan kong hindi nalang pumasok. Wala rin naman akong gana at ayaw ko siyang makita, baka magmakaawa lang ulit ako.
 
I closed my eyes again but then, I remember what happened yesterday causing my tears to fall again. Argh! Early this morning I am crying, I really hate this.
 
“Ma’am Keisha, pinapagising na po kayo ng Mommy ninyo. Late kana raw po sa klase.”
 
I tried to take a nap again but I just kept hearing yaya.
 
“Hindi po ako papasok, ya. Masama po kasi ang pakiramdam ko.”
 
Masaya na sana akong wala nang narinig na katok pero bumukas naman ang pinto.
 
Nakahiga pa rin ako sa kama at natatabunan ng kumot ang kalahati ng katawan ko, sa ibabaw naman ay yakap-yakap ko ang aking unan. Lumingon ako para makita kung sino ang pumasok at agad akong bumalik sa dating posisyon nang makitang si Mommy iyon.
 
“Kesh, anak. Okay ka lang ba?” She caressed my back
 
I tried to hide my face on my huge soft pillow because I feel like I have puffy and my eyes might be swelling considering that I cried so hard last night.
 
“Yes, Mom. I just want to sleep.”
 
I felt guilty for not even facing my mother but I don’t want her either to see my face like this. She’ll just worry and I don’t want that to happen.
 
“Sige, padadalhan nalang kita rito ng sopas at gamot. Make sure to drink it and rest. I have to go to work pa, Kesh. Kaya mo bang alagaan ang sarili mo?”
 
As always, my mom is so soft-hearted. She’s so composed, very modest and simple, the reasons why my Dad loved her so much but sad to say, my father has passed away when I was in second year high school.
 
“Okay lang ako, Mom. Tsaka hindi naman po ako rito mag-iisa kasi nandyan naman si yaya. Pahinga lang po ang kailangan ko kasi nainitan po yata ako ng sobra kahapon sa field.” Sana bumenta
 
Unti-unti’y gumaan ang kama ko senyales na tumayo na siya.
 
“I don’t know why you’re not looking at me but I will let this slide since you’re not in condition. Later in the evening, I want to clear things with you, alright?”
 
Mabait si Mommy pero sa lahat ng bagay hindi ko talaga siya natatakasan. She is really my mother.
 
“Yes, Mom.”
 
Ilang sandali pa’y tunog na lamang nang pagsara ng pintuan ang aking narinig.
 
 
 
 
After the day, I decided to go back at school again. Siya ang may kasalanan sa’kin kaya hindi dapat ako ang umiiwas sa kanya. Sinubukan kong maging okay kahit na pinagtitinginan ako ng ilang estudyante dahil sa nangyari noong isang araw. Ngumiti ako nang makitang kumaway sa’kin si Ayen, one of my friends. I was about to lift my hand and wave but then a man suddenly came from the other side of the hallway. Tinabunan niya ang pigura ni Ayen.
 
Nagtama ang paningin namin pero una siyang umiwas. Tinuloy ko lang ang aking paglalakad hanggang sa matigil ako malapit sa kanya. Napataas talaga ang kilay ko nang hindi niya masalubong ang mga tinging ibinibigay ko sa kanya.
 
“Pwede ba tayong mag-usap, Dennis?”
 
He gulped. “Busy ako, Kesh. Sa ibang ara—
 
“Don’t call me Kesh. Hindi tayo close sa pagkakaalam ko. Siniraan mo nga ako sa boyfriend ko ‘di ba? Do you even know that we broke up because of you? Hindi ko na nga alam kung bakit ikaw pa ang mas pinagkatiwalaan niya kaysa sa’kin.” Tinapangan ko ang boses ko kahit alam kong anytime ay maiiyak na ako.
 
Umiwas na naman siya ng tingin.
 
“Siya nalang ang tanungin mo, Keisha. Sorry, nagawa ko lang naman ‘yon dahil matagal na kitang gusto. Hin—
 
PAK!
 
I slapped him hard causing for people to stop and attend to us. They started to gossip again. Hindi na siguro sila matatapos sa kakaganyan.
 
“My boyfriend broke up with me! He ended our two years relationship because of your damn mouth.” I calmed myself when I noticed I was breathing heavily again
 
“Sorry—
 
Hahawakan niya sana ako pero hinawi ko ang kamay niya.
 
“Huwag na huwag ka nang magpapakita o lalapit sa’kin. I thought you’re a good person but it turns out I was wrong. Xyth is your friend, how could you do this to him? Did you even try to explain to him?”
 
He ran his fingers on his hair. “He’s gone.”
 
Parang may sariling buhay ang mga paa kong umatras. “W-What gone?”
 
Ano’ng sinasabi niyang wala na si Xyth? Mali naman ang iniisip ko ‘di ba? Nagsimula na namang manubig ang mga mata ko. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang presensya ni Ayen sa tabi ko. Hinawakan niya ang braso ko pero hindi ko na siya nagawang tingnan.
 
“Umalis na siya papuntang Amerika.”
 
Nanlumo ako sa narinig mula kay Dennis. Pinanlambutan ako ng mga tuhod, para akong namatayan. Ang kaninang mga nagbabadya kong luha ay nahulog na nga.
 
“K-Kailan p-pa?”
 
He licked his lips and gulped. Halatang hindi siya komportable at parang nagmamadali pa.
 
“Ngayon ang alis niya at nasa airport na sila, Kesh.”
 
“Huwag mo kasi akong tawaging Kesh! Saang airport?” Tuluyan ko na siyang nilapitan saka hinawakan ang dalawang braso niya. Niyugyog ko siya. “Saan?!”
 
“N-NAIA.”
 
Mabilis ko siyang tinalikuran at kahit tinawag pa ako ni Ayen hindi na ako bumalik sa kanila.
 
Iiwan niya akong ganito? Bakit hindi man lang niya sinabing aalis siya nang bansa? He’s really cruel. Itatapon niya ang dalawang taong relasyon namin dahil lang doon? Kaya ko naman, kaya naman namin mag-survive kahit magkalayo kaming dalawa. Aalis ba siya dahil nagbreak kami?
 
Hindi ko na alam ang rason. I drove fast to the airport kahit malayo sa school namin but then I was stuck at the traffic. Sa kotse palang ay iyak na ako nang iyak. I tried to dial his number but his phone was off.
 
Siguro nga, ayaw niya na talaga sa’kin.
 
Ang sakit-sakit lang malaman na ganoon niya lang ako kadaling iwanan. Hindi man lang niya ako tinext o tinawagan.
 
 

 
One day, you’re going to regret this, Xodriga.
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon