Days have passed, Keisha remained distant from him. Matapos ang nangyari sa loob ng kwartong iyon hindi na siya nagtangka pang pumasok o lumapit doon. Tapos na rin ang parusang ipinataw sa kanila kaya ngayon isa na ulit siyang customer sa kanilang canteen.
“Narinig niyo na ba ang balita?”
“Ang dami mong naririnig Lisel,” puna sa kaniya ni Vanessa.
Napanguso naman ang babae. “Ayaw ninyo? Bahala kayo.”
Magkakasama sila ngayong kumakain at panay usap lang sila saka tawanan. Nakikipagsabayan din si Keisha para hindi mahalata ng mga ito na problemado siya.
Bakit nga ba siya problemado?
“Ikaw, Keisha? Lalabas ka ba?”
Napalingon siya kay Hydie. “Ha? Bakit ano’ng meron?”
Kumunot ang noo ng mga kaibigan niya at ang iba’y nagtaas kilay pa.
“Ano ba’ng nangyayari sa’yo ngayon at parang lutang na lutang ka?” Lisel
Umiwas siya ng tingin sa mga ito. “W-Wala naman. Hindi ko lang talaga kayo narinig.”
“Tss. Palusot pa.” Hydie
Hindi nalang siya umimik.
“Anyways, uulitin ko na para sa’yo. Papayagan daw tayong lumabas ng dalawang araw ngayon. Hindi pa ni-release ang official statement ni General pero mukhang mangyayari nga.” Paliwanag ni Lisel
Vanessa flipped her hair. “And that only means… shopping!”
“Shopping!” sabay na sabi nila ni Rachel.
Natuon sa kanila ang ilang atensyon ng mga kumakain doon.
“Tone down your voice,” ani Arcie.
“Yes, lola.”
“Hindi ako lola!” tumaas ang boses nito kaya napatingin na naman sa kanila ang mga kasundaluhan.
The girls laughed.
“Tone down your voice,” panggagaya ni Rachel sa sinabi niya. Napairap na lamang si Arcie sa mga ito.
“Tumigil na nga kayo. Saan ba ninyo balak pumunta kung makakalabas nga tayo ng dalawang araw?” tanong ni Hydie na nagpahupa sa tawanan nila.
“I will visit my boyfriend.” Arcie
“Weh? May boyfriend ka?” dudang tanong naman sa kaniya ni Rachel.
“Aba meron, bakit?” ganti nito. “Ikaw meron?”
“I will visit my grandma. Sa kaniya ako lumaki,” pagsingit ni Lisel sa kanila.
“I will buy new clothes, shoes, and bags.” Sagot naman ni Vanessa
Hydie sighed. “Hindi ko alam kung bakit nakapasok ka rito. Lalambot-lambot ka kaya and you’re so girly, Van. No one would dare imagine that you’re working out to be a soldier.”
The woman rolled her eyes. “Duh. Sabi nga nila looks can be deceiving. And if you’re deceived by my looks, then you lose.” Dumila pa ito sa kaibigan.
“Ako naman ipapasyal ko ang mga kapatid at pinsan ko.” Rachel
“Wow! Batang ina?” komento na naman ni Hydie.
Inirapan lang siya ni Rachel. “Agad-agad? Hindi ba pwedeng mabait lang ako?”
“Mabait? Baka nga may sweldo ka riyan e,” ganti ni Hydie.
“Gaga, ano’ng akala mo sa’kin bayad bawat kilos? Baka gusto mong makarate.”
“Sige nga.”
Vanessa tapped the table. “Stop! Ikaw naman Hydie, ano’ng gagawin mo ngayon? Puro ka riyan satsat wala ka namang sinasabi tungkol sa'yo.”
Sumang-ayon sa kaniya ang mga kaibigan.
“Bakit? Ako lang ba? Si Berrenzana nga rin, e.”
Nakatanggap siya ng masamang tingin sa mga ito.
“Tsk! Syempre family time at bibisitahin ko rin ang mga kaibigan kong nasa selda na.”
“What?!”
“Seryoso?!” the girls exclaimed.
“Joke lang!” dadgdag niya. “Quality time with my family and I will also visit my friends. Baka napariwara na ang mga buhay no’n ngayong hindi na nila ako nakakasama,” seryosong sabi niya.
Ngunit biglang sumabat si Rachel. “Ano ka? Principal?”
Sabay na nagtaas ang dalawang kilay ni Hydie.

BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
ActieThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...