CHAPTER 31

2.2K 56 2
                                    

"Captain Xodriga."



Sabay silang sumaludo ng kanilang Brigadier General.



"Sir."



"Nabalitaan ko ang pag-alis mo kagabi."



"Yes, Sir. Personal akong pinuntahan ni Captain Pzarova kaya sinamahan ko siya patungo doon."



Tumango-tango ito sa kaniya. "Pasalama't ka't binasura na ang kaso sa kanya kun'di baka ikaw maparusahan sa ginawa mong pagtulong sa kanya."



"Pasensya na po, Sir."



"Palalampasin koi to ngayon, pero huwag na sanang mauulit."



Xyth saluted again. "Yes, Sir!"



"Kung gano'n, alam mo na rin ang lugar. Ikaw na ang mamuno sa paghatid ng ilang relief goods sa pansamantalang kampong itinayo roon. At kakailanganin mo ring sumama ng ilan pa dahil kukuhanin ninyo roon ang mga sugatang sundalo."



"Copy, Sir." Sumaludo ulit si Xyth sa mataas na opisyales.



The man tapped his shoulder before leaving. Umalis na rin siya upang hanapin si Keisha na hindi niya naabutan kanina pagdating niya. Malapit nang magliwanag nang makarating siya at ilang oras lang din ang naging tulog niya. Maya-maya'y aalis na naman siya para sa panibagong misyon.



Xyth decided to visit her in their quarter.





***


"Ano nga ang pinag-usapan ninyo kagabi ni Sir Latorilla? Bakit ayaw mong sabihin?" pangungulit ni Rachel kay Keisha.



Kanina pa naiinis si Keisha dahil hindi siya tinitigilan ng mga kasama. Wala silang pagsasanay ngayon dahil may mahalagang inaasikaso ang kanilang Kapitan. Kung kaya't naiintindihan niya rin ngayon kung bakit wala ang lalaki.



"Wala nga."



Nakahiga siya sa kaniyang kama at ang mga babae naman ay nakaupo rin doon na hindi siya tinatantanan sa pangungulit.



"Wala? Eh ang tagal-tagal mo kayang bumalik dito tapos sasabihin mong wala siyang sinabi sa'yo?!"



Sinamaan niya ito ng tingin. "Bakit ba?! It was just about work."



Natahimik naman ang mga babae at ipinagpapasalamat iyon ni Keisha subalit nagulantang ang buong pagkatao niya nang magsalita si Hydie na siyang tahimik simula pa kanina.




"Eh, si Captain? Ano'ng sinabi niya sa'yo?"



All of the girls' eyes transferred to Hydie. Then they looked back again to Keisha who was not returning their gazes.



"Keisha Berrenzana..." Arcie.



"S-si Captain... ano-



"Ano ba 'yan!"



Napatayo sila sa kama matapos marinig na may kumakatok na naman sa pinto.



"Bibigwasan ko na talaga kung sino man ang kumakatok na 'yan. Laking istorbo," asar na wika ni Lisel bago nagmartsa upang buksan ang pinto.



Keisha heaved a sigh. Hinihiniling niya na sana matuloy nalang ang kanilang pagsasanay para maiwasan niya ang mga babaeng ito.



"Oh, ano? Akala ko ba bibigwasan mo?!" pasigaw na tanong ni Hydie.



Samantala, natulos naman si Lisel sa kaniyang kinatatayuan. Bukas na ang pinto at malinaw niyang nakikita kung sino ang kaharap ngayon.



"Pwede ba akong pumasok Ms. Argonte?"



Walang imik na tumabi si Lisel na hanggang ngayo'y parang nakakita pa rin ng multo.



Xyth stepped into their room and the ladies inside stood still as soon as they saw the figure approaching. They lifted their hands to salute to their Captain including Keisha who was not looking directly to him.



"Have you received the announcement?"



"Yes, Captain," sabay-sabay na sagot ng mga babae.



Sumaglit ang mga mata ni Xyth kay Keisha na hanggang ngayo'y hindi pa rin tumitingin sa kaniya.



"Alright, take a rest for the day. We'll resume tomorrow."



"Yes, Captain."



Namutawi ang katahimikan sa kanilang paligid. Pinagmasdan naman ni Xyth ang kwarto ng mga kababaihan at habang wala sa kanila ang atensyon ng Captain nila, nagkatanginan sila maliban kay Keisha.



"I want to talk to Ms. Berrenzana alone. Can you lend me few minutes for privacy?"



Naalerto ang mga ito. "Y-Yes, Captain."



Walang tanong-tanong na lumabas ang mga babae kaya naiwan si Keisha roon kasama ang lalaki.



"Why did you do that? Things around will go suspicious."



"I don't care."



"But I do!"



Sandaling natigilan si Xyth nang tumaas ang boses ni Keisha. Napagtanto rin iyon ni Keisha kaya malalim itong huminga saka hinawakan ang kamay ng lalaki.



"I don't want us to go public for now. Magiging magulo lang ang lahat. Magiging usap-usapan lang tayo. Ayaw ko ng issue."



"Isa bang isyu ang pakikipagrelasyon sa akin, Keisha?" Xyth pulled his hands away.



"No, it's not like that. I'm doing that for us. You have a reputation to hold and I do also have."



"Wala akong pakialam sa reputasyon ko. One thing, having a relationship with my trainee will not ruin my reputation."



Hindi nakapagsalita si Keisha. Humakbang siya palapit sa lalaki.



"Fine, pero hindi muna ngayon. Let me tell it to my friends first."



Unti-unti namang huminahon ang mukha ni Xyth.



"New found friends? Dapat ba akong maging mabait sa kanila?"

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon