CHAPTER 11

2.7K 65 3
                                        

Umalis siya sa kwarto namin at naiwan akong naguguluhan sa mga sinabi niya. Naupo ulit ako sa kama at ilang saglit pa'y bumukas ang pinto. Napatayo ako sa pag-aakalang siya iyon ngunit nakita ko ang mga kasamahan kong mga pagod na pagod na. Sumulpot naman si Hydie sa likod nila na mapanuri ang tingin sa'kin kaya iniwasan kong tumingin sa kanya.



"Ano'ng nangyari sa inyo?"



Lumapit ako sa kanila at inalalayan ang ilan sa kanila na umupo.



"Eh di ano pa, pinailang ikot lang naman kami ng pagtakbo," sagot sa'kin ni Vanessa. Nakita ko ang pag-irap niya pero binalewala ko nalang iyon dahil alam kong pagod lang sila.



"Iyon ba ang pinagawa ni Captain sa mga natalo kanina?"



Tumango sa'kin si Lisel. "Pero mabuti nalang 'yon lang ang pinagawa sa'min. Sa mga lalaki kasi pinagpush-up pa sila pero alam mo 'yung lalaking palagi mong kasama?"



Kumunot ang noo ko. Sino naman? Si Dennis kaya?



"Basta, kaibigan mo yata 'yon. Iyong nakalaban mo kanina."



Nagulat ako. "Si Dennis?"



"Oo, 'yon yata ang pangalan niya. Aguilar basta ang apelyido. Mukhang doble ang pinaggawa sa kanya ni Captain. Paalis palang kami kanina ng open ground pero nando'n pa siya tumatakbo."



Napatayo ako. "Nando'n pa siya?"



"Paulit-ulit? Puntahan mo na kaya."



Lahat kami natuon ang atensyon kay Vanessa. Hindi ko alam kung ano'ng problema niya sa'kin pero hindi dapat siya ang alalahanin ko ngayon.



Umalis ako ng quarter namin saka tumatakbong tinungo ang open ground na sinasabi nila. Medyo may kalayuan kaya hinihingal akong dumating doon. Tumayo lang ako ng maayos nang makitang paparating ang aming First Lieutenant. Bahagya pa itong nagulat nang makita ako. Sumaludo ako sa kanya.



"Ano'ng ginagawa mo rito, Ms. Berrenzana?"



I was amazed that he can still remember my name though we only had few interactions.



"Good afternoon, Sir. Hinahanap ko lang po si Dennis Jon Aguilar. Narinig ko kasi na narito siya kanina tumatakbo bilang kaparusahan sa pagkatalo niya kanina."



Napangiti siya sa hindi ko malamang dahilan.



"Narinig nga namin ang tungkol sa isang trainee ni Captain. She did very well. At ngayon siya ang laman ng ilang usap-usapan."



My heart raced as I heard him. Sino ba ang tinutukoy niya?



"Nasa klinik na si Mr. Aguilar at huwag kang mag-alala, maayos naman ang kalagayan niya. Maaari mo siyang bisitahin kung gusto mo."



Tila nabunutan naman ng tinik ang kalooban ko nang malamang okay naman si Dennis. Nginitian ko rin ang aming First Lieutenant na sa tingin ko'y kaedad lang din ni Captain o kung hindi man, baka mas matanda lang ng ilang taon.



"Salamat po."



Tinanguan niya ako saka nilingon ang dalawang sundalo pa na nasa magkabilang gilid niya. Nilagpasan na nila ako at ako nama'y tumalikod na.



"I can accompany you if you want."



Nagliwanag ang mukha ko na nilingon ulit siya. He's smiling again. Para siyang lalaking version ni Ms. Chavez. That woman is so modest and this guy seems to be a gentle man. They fit each other very well.



"Okay lang po?"



He nodded at me and I think it would be rude if I'll ask questions again. Sumama ako sa kanila at halos pagtinginan kami ng karamihan kaya pumalikod ako ng kaunti.



"Bakit nandiyan ka?" tanong niya.

Nahihiya akong sumabay sa kanya sa totoo lang. Baka mamaya ako na ang headline sa buong kampo.



"Mauuna na po kami, Lieutenant," pagpapaalam ng dalawang lalaki sa kanya na tinanguan lamang niya.



Kaming dalawa nalang ni Sir Enrico ang natira at mas lalo tuloy akong nailang dahil pinagtitinginan na talaga kami ngayon ng mga tao. Tumabi ako sa kanya at bahagya ko lang na niyuko ang aking ulo saka hinarang ang iilang takas na buhok sa aking mukha.



I heard the man chuckled.



"You're funny."



Umangat ang tingin ko sa kanya pero sa unahan pa rin siya nakatingin habang naglalakad kami.



"B-Bakit po?"



He shook his head. "Do you know my name?" he glanced at me and I moved my head sideways. "Yeah, funny. Nakalimutan kong sabihin noon ang pangalan ko."



"Uh, sorry po. Hindi rin yata ako nakapagpakilala ng maayos noon."






Tumigil kami sa tapat ng isang pinto saka hinarap niya ako. "No need to say sorry. I am your First Lieutenant, Enrico Latorilla. Nice meeting you, Ms. Keisha Berrenzana."



Gulat na gulat talaga akong marinig na alam niya ang buong pangalan ko. Isang beses lang niya akong natawag noon para sana sumalang na sa pagsasanay pero pinatabi niya muna ako at doon naman dumating ang lalaking sana hindi nalang dumating.



"Thank you, Sir. I didn't expect you'd know my name."



He smiled again and it's melting my heart. Damn. Hindi ko naman siguro siya crush ano?



"I don't usually remember people's name, but yours is interesting just like how you are."



Bumilis ang tibok ng puso ko. He complimented me, right? He said I'm interesting. Nakakahiyang hindi ako agad makasagot.



"Nandito na tayo. See you around, Ms. Keisha."



And he called me my first name.


I just realized that he's now gone. I shook my head. No, it can't be.



I opened the door of the clinic and my eyes roamed around. I saw Dennis on the last part on the second row of beds.



Naupo siya sa kama nang papalapit na ako.



"Ano'ng ginagawa mo rito? Shit." Ginalaw niya ang isang braso na para bang kumirot iyon.



"Ano'ng nangyari sa'yo? Pinadugo ko lang naman 'yung ilong mo, hindi naman kita binaldado pero bakit parang hindi kana makagalaw diyan?"



Sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit parang ang saya mo pang pinadugo ang ilong ko?"



Tinawanan ko siya. "Kasalanan mo, kung binitawan mo nalang kasi ako eh di maayos ang lagay mo ngayon."



Umirap siya.



"Ang saya palang matalo ka 'no?" nanunuya kong sabi.



"Hindi rin."



"Bakit naman?"



"Natalo ako, wala na rin 'yong deal."



Bigla akong natahimik. Alam kong gusto niya iyong mangyari pero hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang sumang-ayon ako sa deal niya.



"Kahit naman manalo ka, hindi pa rin ako papayag."



Umiba ang timpla ng mukha niya. "Sinungaling ka, sabi mo oo!" napalingon sa amin ang ilang pasyente na naroon kaya pinatahimik ko siya.



"Bakit? Ano bang meron sa deal na 'yon? Bakit gusto mong maging boyfriend kita?"



Napabuntong hininga siya saka inabot ang kamay ko at hinawakan iyon. "Gusto kitang iiwas kay Xodriga dahil alam kong patuloy ka niyang guguluhin kung mananatili kang malaya. Kapag naging boyfriend mo ako, pwede kitang matulungang palayuin siya. Hindi kana niya guguluhin at hahayaan niya na tayo. Nakalimutan mo na ba ang nangyari noon? Nang malaman niyang niloloko mo siya agad kana niyang pinakawalan. Ni hindi ka niya hinintay-



"Hindi ko siya niloko," malamig na sabi ko sa kanya. Binawi ko ang aking kamay.



"I know, I'm sorry. Sorry kung pinaalala ko pa pero ang sinasabi ko ngayon ay totoo at gusto kitang tulungan sa kahit na anong paraan. Kahit ako pa ang masaktan okay lang basta huwag kanang babalik ulit sa kanya."



Pakiramdam ko nanlambot ako sa narinig ko mula sa kanya. Kahit ilang taon na ang lumipas, nanatiling kaibigan lang ang tingin ko sa kanya kaya mahirap gawin ang gusto niya ngayon.



"Bakit mo ginagawa 'to?" bumaba ang boses ko.



Umiwas siya ng tingin. "K-Kasi gusto kong bumawi. Alam kong kahit na kinakausap mo na ako ngayon, may natitira ka pa ring galit sa'kin at alam kong kahit papaano, sinisisi mo pa rin ako sa nangyari."



"Nakabawi kana."



Muli siyang tumingin sa'kin halatang gulat siya.



Tipid ko siyang nginitian. "Bawing-bawi kana kaya hindi mo kailangang gawin iyon. Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa kaya mas mabuting naghiwalay na rin kami ng maaga. Baka kung nagtagal pa kami, baka sobrang nahirapan akong kalimutan siya."



"Kung makapagpasalamat ka ngayon parang hindi ka nasaktan noon, ha?"



Mahina ko siyang tinampal. "Malamang, ikaw kaya makipag-break sa boyfriend mo!"



"Hindi ko sasaktan ang girlfriend ko."



Inirapan ko siya. "Huwag kang magsalita ng patapos. Sinabi niya rin 'yan dati sa'kin pero sa huli, nagawa niya pa rin."



"Iba ako sa kanya."



Napanguso naman ako. "Manahimik ka nalang kung ayaw mong lumala 'yang lagay mo."



"So, ayaw mo na talaga do'n sa deal ko?"



"Ayoko," diretsong sagot ko sa kanya.



Hinila niya ang kamay ko para yakapin ako pero napadaing ako nang tamaan niya ang pasa ko sa braso. Agad kaming naghiwalay. Napatingin siya roon sa braso ko at gulat niya akong tiningnan.



"Shit. Sorry, sorry. 'Yan ba ang natamaan ko kanina?"



Inalis ko ang kamay niya. "Okay na, okay na. Gagaling din 'yan."



Naningkit ang mga mata niya. "Anong gagaling din? Sensitive ang balat mo kaya nga ayaw kitang labanan e pero niprovoke mo ako kaya 'yon."



Natawa ako sa sinabi niya. "Kaysa namang magmukha akong tanga roon kakasugod sa'yo tapos hindi ka naman lumalaban? Eh di sana pinagpraktisan ko nalang 'yung punching bag."



"'Di mas okay, hindi rin sana dumugo 'yung ilong ko."



Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi niya. Hinanaing pa rin niya ang kanyang ilong.





Naglalakad na ako sa hallway pabalik sa quarter namin. Iniwan ko si Dennis sa clinic dahil gusto niya raw doon matulog kaysa sa kwarto niyang sobrang ingay. Binigyan naman kami ng pahinga bukas dahil linggo kaya okay lang iyon. Habang naglalakad, may humarang sa'king dalawang sundalo.



"Ikaw ba si Ms. Keisha Berrenzana?"



Kinakabahan akong tumango.



"Sumunod ka sa amin. May gustong kumausap sa'yo."



Wala sa sariling sumama ako sa kanila. Sumakay kami nang elevator at hindi nagtagal dumating kami sa isang palapag. Bumukas ang elevator, may mga dumaraang sundalo na napapatingin sa amin. Kumpara sa labas at mabababang palapag ng building na ito, mas kakaunti ang tao rito.


Ang mga sundalo rito'y kulay itim ang uniporme hindi iyon tulad ng ordinaryo naming kasuotan. Tumapat kami sa isang pinto at hindi pa man ako nakapagsasalita, iniwan na nila akong dalawa. Huminga ako nang malalim bago kumatok. Walang sumagot kaya unti-unti ko iyong binuksan saka pumasok.



Walang tao. Maliban sa isang pahabang sofa, mesa, TV at malaking kabinet na may mga displays na eroplano, wala na akong ibang nakita. Mayroon pang pinto sa kaliwang bahagi. Humawi naman ang kurtina sa may bandang gulo at nakita kong salamin na iyon at kita na ang labas. Bakit walang kama rito? Hindi naman masikip pero hindi rin kalawakan ang buong kwarto. Parang nakatalaga lang siya sa isang tao.



Naglakad-lakad ako at namangha ako sa mga naka-display na iba't ibang klase ng eroplano. Gusto ko rin magkaroon ng mga ganitong koleksyon pero hindi pa ako nakakakuha ng tamang pagkakataon. Siguro kapag nakapasok na talaga ako rito, doon ako magsisimula. Gusto kong magkaroon ng display nito sa bahay.



Napalingon ako nang bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang lalaking lumabas doon. Nakabihis na siya ng sweat pants at T-shirt, pinupunasan naman niya ng towel ang basa niyang buhok.



Inikot ko ulit ang paningin ko sa buong kwarto at doon ko lang napagtanto kung nasaan ako. Sa dingding ay may mga nakasabit na certificates and medals and there's one here in the table, his picture.



"Maupo ka."



Tiningnan ko ulit siya. "Ano'ng ginagawa ko rito? Pwede mo naman akong kausapin sa labas. Ano nalang ang iisipin ng mga tao kung makita nila akong lumabas ng kwarto mo? Ayaw kong mapag-usapan dito."



Ngumisi siya saka tumungo sa parte ng isang dingding. May picture frame na nakasabit doon, hinawi niya iyon saka parang may pinipindot na hindi ko alam kung ano.



Unti-unti akong nakaramdam ng pagkamangha matapos makita ang hinay-hinay na pagbaba ng isang bagay. "Kanina ka pa laman ng usapan. Hindi mo na kailangang mangamba."



Nang matapos, nasilayan kong isang kama iyon at doon siya naupo.



What? There are hidden things like that in his room? Ang sosyal naman.



"Bakit naman ako pag-uusapan?" tanong ko nang makabawi sa pagkamangha.



Tumayo siya at naglakad papunta sa drawer. "Tanong mo sa presidente."


Nanggigil ako sa sagot niya kaya mabilis kong kinuha ang unan sa sofa saka binato sa kanya. Salubong ang kilay na hinarap niya ako. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na compressor. Pumunta siya sa likod ng cabinet na kinatatayuan ko kanina. Hindi nagtagal, bumalik siya kasama ang maliit na palangganang may laman na yelo.



Umurong ako nang umupo siya sa sofa.


"Lapit," maikling sabi niya.



Nanatili akong nakatingin sa kanya. I don't exactly know what he's up to. Until I remembered what Dennis said to me. I stood up.



"Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko rito kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na nang makaalis na ako."



"Huwag mong hintayin na hilahin kita paupo rito."


His voice is full of authority that I sat down out of nervousness of what he can possibly do.



I remained distant from him so he got up and sat nearer to me. He took my left arm and gently dabbed the cold-compress on my contusion.



"Kaya ko naman 'yang ipagamot sa clinic o ng sarili ko."



"Pero hindi mo ginawa kahit galing kana roon."



For countless times I was stunned again. Alam niyang galing ako sa clinic?



"I have eyes around. What were you doing with Lieutenant Latorilla?"



My heart thumped fast. He also knew that I was with First Lieutenant. "Sinamahan niya lang ako." Binawi ko ang braso ko mula sa kanya. "Pinapasundan mo ba ako?"



He chuckled. "Men here are just loyal to me. And my trainees are my responsibility, not others." He took my hand and my heart pulsed like crazy again. He's only holding my hand but my system has gone wild already.



Hindi ako magiging apektado sa mga simpleng kilos niya. Pero... ang hirap maging marupok.



"Pumayag akong bigyan kayo ng pahinga bukas-



"Ano nga palang ginawa mo kay Dennis? Bakit mo ginawa sa kanya 'yon?" pag-iiba ko sa usapan nang maalala si Dennis.



He licked his lips and looked away.



"Kinakausap kita."



He then stared at me again. "I hate the way you talk to me."



"I hate people commanding me." I directly told him



We gazed at each other and no one wants to pull their eyes off.



"I am your Captain."



"So? I'm your ex."



Huli na para mapaghulo ko ang aking sinabi. Did I just say that? Damn it.



Hindi ko masisisi kung bakit nakangisi na siya sa akin ngayon. Binaba niya ang kanyang kamay kasabay niyong compressor and I felt better than before.




"Alam ko."




And my heart thumped rapidly again and again.

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon