CHAPTER 26

2.4K 70 3
                                        

Their dinner went well. They finished eating and Keisha volunteered to help but Xyth's mother refused her offer.
 
 
 
 
“Bilin sa’kin ni Xyth na pumunta ka sa kwarto niya. May kailangan daw kayong pag-usapan kaya sige na.” Ngumiti sa kaniya ang ginang.
 
 
 
 
“H-Hindi po ako matutulog sa kwarto niya,” kinakabahan niyang sabi kaya naman natawa ang ginang sa kanya.
 
 
 
“Of course, I know that. Hindi mo naman kailangang matulog doon. Kapag hindi ka pinalabas ng anak ko, tawagin mo ako.”
 
 
 
Keisha lowered her head and bit her lip. “S-sige po.”
 
 
 
 
Umalis si Keisha at sakto naman na nakasalubong niya ang isang kasambahay.
 
 
 
“Ma’am Keisha, pinapatawag po kayo ni Manang. Nakahanda na raw po ang kwarto ninyo.”
 
 
 
“Sige.”
 
 
 
Umakyat sila sa second floor. Bumungad sa kaniya ang ilang paintings sa dingding at mga halaman sa paso na naroon sa gilid ng pasilyo. Akala niya’y puro lang kwarto ang makikita niya dahil ikalawang palapag na iyon ngunit namangha siya nang makakita pa ng sala pero hindi na kalakihan tulad ng nasa ibaba. Sa bandang unahan sa dulo, mayroon pang maliit na pasilyo patungong kaliwa ngunit sa kanan sila lumiko.
 
 
 
In front of the door, an old woman is waiting for her. Magkasiklop ang mga kamay nito sa unahan habang nakangiti sa kaniya.
 
 
 
“Ito na ang kwarto mo. Naayos na namin ‘yan tulad ng sabi ni Xyth. Nga pala, ang daan pakaliwa sa may bandang sala, patungo iyon sa kwarto niya. Nakita ko siya kaninang dumaan kaya marahil nandoon na siya ngayon. Gusto mo bang tawagin ko siya?”
 
 
 
She opened the door half and peaked inside. It was designed white and a lighter paint of gray. The floor covering the area of the bed is carpeted and there’s also a mini sofa on the lower part. Sa tapat ng kama naman naroon ang maliit na mesang may mga nakalagay na ilang cosmetics at sa harap nito’y may parisukat na salaming may mga ilaw sa paligid. The room has a small terrace too with bamboo plants on both sides.
 
 
 
“Kanino pong room ‘to? Ang ganda naman nito kung guest room lang.”
 
 
 
“Bagong gawa lang iyan, pinasabay lang ni Xyth noong pina-renovate niya ito. At mukhang hindi ko na kailangan pang magtanong kung para kanino ‘yan dahil nandito na sa harap ko ang sagot,” makahulugang sabi ng matandang kasambahay. Ito rin ang namumuno sa iba pang mga nagtatrabaho sa bahay nina Xyth.
 
 
 
“A-Ano’ng sinabi mo manang?”
 
 
 
Gustong paniwalaan ni Keisha kung ano ang nasa isip niya ngayon ngunit nag-aalangan siya dahil mahirap ng maging asumera, aniya.
 
 
 
Ngumiti ang matanda saka mahinang tinapik-tapik ang balikat niya. “Sige na, tingnan mo muna ang kwarto mo. Papupuntahin ko na rito si X.”
 
 
 
Tumalikod na ito sa kaniya ngunit muli niya itong tinawag.
 
 
 
“Diyan nalang po kami sa may sala.”
 
 
 
“Okay, sige.”
 
 
 
Tuluyan nang nakaalis ang matanda samantalang siya’y naglakad-lakad muna. Nilibot niya ang paningin sa buong palapag. Pumaroon na rin siya sa sala na may pakurbang sofa. Sa gitna nito ang mesang bilog at hindi kalayuan sa gilid may pang-isahan ding sofa.
 
 
 
She looked at the painting again and how she wishes she knows how.
 
 
 
“May mga kwarto pa kayang iba rito?” tanong niya sa sarili nang tinangkang silipin ang ilang pasilyo.
 
 
 
“My room and yours are the only room here.”
 
 
 
Napaigtad siya sa gulat. Pumihit siya sa kaniyang likod at nakita niya ang pangahas na bigla na lamang nagsasalita.
 
 
 
“Bakit ganiyan ka makatingin?” tanong ng lalaki sa kaniya.
 
 
 
“Ba’t ka kasi nanggugulat?”
 
 
 
Xyth laughed. “Hindi ako nanggugulat. Ano’ng iniisip mo?”
 
 
 
Ano ba’ng iniisip niya? Kung para kanino iyong kwarto o kung ano’ng gagawin nila rito?
 
 
 
“W-Wala.”
 
 
 
Xyth nodded, “I thought we’re going to talk in your room.”
 
 
 
Keisha raised an eyebrow, “Sino’ng nagsabi?”
 
 
 
“Si Manang.”
 
 
 
Lumapit siya sa lalaki at nginisian ito. “Nabudol ka yata.”
 
 
 
Naupo siya sa pakurbang sofa at hindi nagtagal tinabihan naman siya ng lalaki. Tumaas na naman ang kilay niya nang maramdamang sobrang lapit nito sa kaniya.
 
 
 
“Can you move? We’re going to talk not cuddle.”
 
 
 
Xyth sneered. “You’re so blunt. Pero dahil sinabi mo na, I think I just want to cuddle than talk.” Umusog ng kaunti si Xyth saka hinarap ang babae. Sandali rin silang natahimik at nagkatitigan lang.
 
 
 
Tumayo naman bigla si Keisha "I'd better go."
 
 
 
Xyth snatched her arm and pulled her to the seat again. "I'm kidding. I seriously want to talk."
 
 
 
Keisha stared at him for a while. She's lost in his eyes again.
 
 
 
Xyth leaned his head on his palm which is also rested on the backrest of the sofa. "Would you like some wine?”
 
 
 
“You’d let me drink?”
 
 
 
He nodded.
 
 
 
“Wala ka naman sigurong balak lasingin ako ‘di ba?”
 
 
 
Tumawa si Xyth. “I’ll just get a drink and a sleeping pill,” saad nito saka lumakad paalis.
 
 
 
"Subukan mo! Mawawalan ka ng kinabukasan!”
 
 
 
He snickered before vanishing from Keisha’s eyes.
 
 
 
Habang wala ito inabala naman ni Keisha ang sarili sa cell phone niya. Nagbukas siya ng mga accounts niya. Napairap nalang siya sa hangin nang mabasa ang mga mensahe ng naging ex niya. Sa mga texts na nakapaloob doon tanging kay Dennis lamang ang pinansin niya.
 
 
 
*Nasaan ka? Hindi mo ako hinintay lumabas?
 
 
 
Sa tabi niyon ay may nakalagay pang emoji na parang nagpapaawa. She was about to reply when a notification popped on her screen.
 
 
 
There’s a memory of you to look back today!
 
 
 
Binuksan niya iyon at unti-unting nanginig ang mga kamay niya nang makita ang larawan. Hinay-hinay niyang nilapag ang cell phone sa tabi niya saka napayuko.
 
 
 
“Why do you have to keep coming back?” she whisphered.
 
 
 
Everything went back to her. All of those memories haunted her again. Napukaw lamang ang atensyon niya nang marinig si Xyth na naroon na pala sa tapat niya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang masilayang hawak nito ang kaniyang cell phone.
 
 
 
Nakita niyang natulos din ito sa kinatatayuan ngunit marahas itong bumuntong-hininga saka binaba ang cell phone niya.
 
 
 
“What’s this shit?”
 
 
 
Kinuha niya ang cell phone saka nilapag iyon sa lamesa kung saan naroon na rin ang kanilang inumin na hindi man lamang niya namalayang lumapag.
 
 
 
“W-Wala…”
 
 
 
 
“Tinatanong kita, Keisha.”
 
 
 
Nakatayo pa rin ito sa harap niya samantalang siya’y nakaupo. Tumingala siya rito na may masasamang tingin.
 
 
 
“Do you really have to ask that question when you knew what happened? It was a damn picture where you pushed me when we broke up.”
 
 
 
Sariwa pa rin iyon sa isip ni Keisha. Of all things, she hated being ignored and pushed away. But Xyth can't also blame her is she's acting like this after seeing again a piece of their memories.
 
 
 
Nakapamaywang si Xyth nang umiwas ng tingin. “I did not push you. I just pulled my arm back and you lost balance. But that's not important now, who took the picture?”
 
 
 
“I—I don’t know.”
 
 
 
Naguguluhang naupo si Xyth sa kaniyang tabi.
 
 
 
“Were you bullied?” tanong nito.
 
 
 
Hindi sigurado ni Keisha sa kung ano’ng sasabihin niya dahil ayaw na niyang lumaki pa ang gulo at gusto na rin naman niyang kalimutan ang lahat ngayong maayos na muli ang sitwasyon.
 
 
 
“N-No.”
 
 
 
Humarap sa kaniya ang lalaki. “Please tell me honestly. I want to sort things out this night. Gusto kong malaman lahat ng nangyari sa’yo noon dahil alam kong hindi sa’kin sinabi lahat ni Dennis. At kung hindi mo rin sasabihin sa'kin ngayon, ako ang gagawa ng paraan para malaman lahat.”
 
 
 
 
Umangat ang tingin niya kay Xyth habang namumula ang mga mata niyang nagbabadya nang umiyak.
 
 
 
"What are you trying to say?"
 
 
 
"I will hunt them. I will make them pay for everything."
 
 
 
"No! Hindi mo 'yan gagawin."
 
 
 
"You're wrong about that."
 
 
 
Keisha looked away biting her lips. Her eyes are about to drop her tears again.
 
 
 
“Y-Yes… I was b-bullied. Someone took that picture and I thought people would forget what happened but since you left, everything was under control. Kumalat ang larawan natin sa buong school. Ginawa nilang katatawanan iyon kaya wala akong ibang kinaibigan noon kun’di si Ayen. At hindi rin ako iniwan ni Dennis hanggang ngayon. Girls bullied me and boys insulted me. I have nowhere to go that time but to my family. I planned to stop schooling because I’m not happy there either. I was so weak that time.”
 
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon