“Berrenzana, Keisha. Your opponent will be…
Aguilar, Dennis Jon.”
Gulat na tumingin sa akin si Dennis at maging ako. Pinagtinginan siya ng mga kasamahan niya at pinapatayo na siya ng mga ito.
“Aguilar, Dennis Jon. Stand up.”
Napatingin ako sa mga kasamahan ko partikular sa mga roommates ko sa likod. They all look worried. I just smiled at them and gawked at Dennis again. He’s shaking his head telling me that he doesn’t want to fight.
I stared at him coldly and went in the middle of the mat.
“Aguilar, tayo na!” sigaw ng mga kasama niya
“Tangina.”
Inis siyang tumayo saka pumagitna. Subalit imbes na manatili sa kinatatayuan, lumapit siya sa akin kaya lumikha na naman ng ingay ang mga kasamahan namin.
“Ayokong labanan ka,” sabi niya.
“Hindi pwedeng hindi mo ako lalabanan, Dennis.”
“But—
“Kung aatras ka, iisipin kong minamaliit mo rin ako. Kung matalo mo ako wala akong pakialam, just do this.”
Iritadong ginulo niya ang kanyang buhok. “Damn it! That’s not it. Ayaw ko lang na—
“Ready, fight!”
Pareho kaming nagulat sa signal na ibinigay ng sundalo, hudyat na kailangan na naming magsimula. Hindi siya gumalaw kaya’t mabilis ko siyang pinitik sa tiyan gamit ang aking kamay. Hindi niya iyon napaghandaan kaya dumaing at napahawak siya sa tiyan niya.
“Aww.”
I distanced myself from him and prepared. I positioned myself and he also did but without sincerity at all.
Nakarehistro sa mukha ni Dennis ang pag-aalala habang nakatingin sa akin. Hindi niya alam na nag-aral ako ng martial arts kaya wala rin siyang ideya na may alam ako sa pakikipaglaban. I can’t blame him if he’s worried about me. Matangkad si Dennis at may kalakihan din ang pangangatawan ngunit kung ikukumpura siya kay Captain, mas matangkad iyon at matipuno ang katawan. Siguro dahil matagal na siyang nagsasanay ng mga ganito.
Una akong sumugod sa kanya pero iniwasan niya nang iniwasan ang mga suntok ko. Tinulak niya ako para magkaroon kami ng distansya. Napaupo ako sa mat, pumalakpak ang mga kasamahan niya. Akmang lalapit na siya sa’kin para tulungan ako pero mabilis kong sinipa ang kamay niya. Ang mga kamay ko’y nakatukod sa sahig habang ang isa kong paa’y nakataas na ginamit pang’sipa sa kanya, nakatalikod ako mula sa kanya. Umikot ako’t tumayo.
I followed it with consecutive kicks but he’s just blocking it. Nagmumukha akong tanga na nilalabanan siya tapos hindi naman siya gumaganti.
“Woah.”
Malapit na sa dulo si Dennis dahil sa kakaatras niya at alam kong plano na niyang magpatalo kaya sa panghuli, sinikwat ko ang leeg niya, inikot pabalik sa mat. Napahiga siya at mabilis ko siyang pinatungan. Ang isa kong tuhod ay nakasakal sa leeg niya. Pwede niya akong atakihin kung gugustuhin niya dahil hindi ko nilock ang kanyang mga kamay at paa pero hindi niya pa rin ginawa.
Unti-unti siyang namula dahil nanggigigil ko siyang sinasakal.
“Flip her!” dinig kong sigaw ng kasama niya pero inignora lang niya.
“If you win this match, I’ll agree to your deal.”
Nanlaki ang mga mata ni Dennis sa gulat nang marinig niya ang kapalit. Wala na akong ibang maisip para magawang lumaban din siya sa’kin. Kahit ayaw ko, ginawa ko iyon at alam kung kukunin niya ang pagkakataong ‘to.
Hirap siyang tumango kaya ngumisi ako saka pinakawalan siya. I stood up and breathe. I saw my teammates flicked their fingers saying that it was a wrong move, letting him go is a wrong move. I decided to offer my hand to him. Ngumisi siya kaya alam ko na ang gagawin niya ngunit huli na para sa akin na iiwas ang aking kamay.
Nakuha niya iyon at ako naman ang pinailaliman niya sa mat. He pinned my two hands and locked my feet with his legs.
“Oww!” They reacted
Dennis grinned again. “It has begun. You’ll be my girlfriend soon.”
Ngumisi rin ako sa kanya. “Of course.”
Bahagya siyang nagulat sa sagot ko kaya naluwagan niya ang pagkakahawak sa aking mga kamay. I smiled and headbut him.
“Woah!”
“Go, Berrenzana!” It was my team.
He stood up. Hawak niya ang kanyang ilong dahil doon ko siya sinadyang tamaan. Masasaktan din ako ng todo kung sa noo ko talaga siya sinalubong. When he removed his hand, I saw his nose bleeding. My eyes widened. Muling nag-ingay ang mga manonood sa’min.
“Fuck.”
Unexpectedly, my eyes met Captain’s. His hands were crossed across his chest and he’s just watching us. Binalik ko ang tingin ko kay Dennis, tumigil sa pagdugo ang ilong niya. Pumosisyon ulit siya at ako rin. I gave him a high kick but he took my other foot and pulled it. I split onto the floor dahil mahihirapan ako kung ilalakad ko rin gamit lang ang isang paa. Kung iikot naman ako para sipain siya, mabilis niyang masasalo ang isa ko pang paa at baka tuluyan na nga akong matalo.
“Ohh!”
Dahil naka-split pa rin ako, hinawi ko ang isa kong paa na hindi niya hawak. Inikot ko iyon sa mat saka mabilis na pinatamaan ang dalawa niyang paa. Napaupo siya sa mat at nakawala ako mula sa kanya. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makabawi, tumakbo ako saka pinatong ang dalawang kamay sa balikat niya at ginawa na parang tumambling. Sumagway ang buhok ko sa mukha niya at plano niya sana iyong hilahin ngunit ang pantali lang ang nakuha niya.
Nakatayo akong bumagsak sa mat kasabay ng paglugay ng aking buhok.
“Woah!”
“Wooh!” they cheered
Tumayo ulit si Dennis saka sinuot sa kamay niya ang pantali sa buhok ko. Akala ko itatapon niya.
“Hindi ka talaga magpapatalo, ano?” nagsasalitang lumapit siya sa akin.
Ako nama’y umatras. Umiling ako sa kanya bilang kasagutan.
“I don’t really want to hurt you but I want the deal done.”
Nagsimulang magbulungan ang mga nanonood sa’min dahil sa narinig nila mula kay Dennis. Hindi ko siya pinansin. Paikot-ikot na kami sa mat hanggang sa sumugod siya. Mabilis ang galaw ng mga kamay niya kaya may mga hindi ako naiiwasan. Mabuti nalang natamaan niya ako sa braso dahil nasalag ko siya.
Hawak ko ang braso ko, feeling ko magkakapasa ako mamaya. I pulled my hair back. Hinihingal na ako, kami na yata ang pinakamatagal na naglaban.
“Just flip her, Aguilar!” sigaw ng isa sa mga kasama niya pero hindi niya ito nilingon.
“Let’s end this,” he uttered.
Sinugod ko siya ng mga suntok ngunit nakuha niya ang isa kong kamay. Pinatalikod niya ako habang hawak iyon kaya’t nakaramdam agad ako ng sakit. I felt his breath on my ear.
“Talo ka na.”
Matapang ko pa rin siyang sinagot. “Asa.”
Iniwas ko ang aking ulo saka inangat ang aking paa para sipain siya. My feet are flexible and I just made a 180 degree kick. Tinamaan siya sa ulo, nabitawan niya ako saka napaatras siya.
“Wew!”
I turned to see him again. Ipinilig niya ang kanyang ulo at nakita kong namumula naman ang noo niya.
Akmang gagalaw na siya nang pumito ang lalaki. Napatingin kaming lahat sa kanya.
“You’re taking too much time. I will change the mechanics for the both of you.”
Naghintay kami sa sasabihin niya habang pareho kami ni Dennis na humihingal-hingal pa. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya, tinuro ko sa kanya ang pantali sa buhok ko. Inalis naman niya iyon sa kanyang kamay saka hinagis sa’kin. Nasalo ko iyon kaya tinali ko ulit ang aking buhok ng mababa nalang.
“Kung sino ang unang bumagsak, siya ang ituturing na talo.” Then he whistled again.
Pareho kaming nagkatinginan ni Dennis. Ibig sabihin lang niyon ay hindi na ako pwedeng matumba dahil matatalo na ako kung sakali man.
Una ulit akong sumugod. Pinagsisipa at suntok ko siya at atras naman siya ng atras habang sinasalag niya ang mga ito.Sa huli, akmang sisipain ko siya nang lumiyad siya. Dahil hindi ko siya tinamaan, sinundan ko agad iyon ng ikot pero ngayon sa ibabang bahagi na kung saan pinadaanan ko ang mga paa niya. Nakaliyad siya kanina ngunit dahil sinipa ko rin siya sa paa, diretso na siyang napahiga sa sahig.
Humihingal akong tumayo, tumayo rin ang mga kasamahan ko sa team namin at pinalakpakan ako. After a long match, I won against him.
Dennis punched the mat as he stood up. He lost the game and that only means one thing, he also loses the deal.
Nag-bow kami sa isa’t isa saka bumalik sa aming mga team. Pawisan ako na lumapit sa kanila at nagpapasalamat akong hinagisan ako ni Hydie ng towel.
“Salamat.”
“Congrats,” nakangiting bati sa’kin ng ilan. May mga kumuha pa ng kamay ko bigla para makipagkamay lang.
“Salamat.”
I lied on the mat again and the man beside me got called for the next match. He stood up and unintentionally hit my left arm. I squeaked when I felt the pain. Sabi na nga ba, magpapasa ‘to mamaya. Napalingon tuloy sa’kin iyong lalaki.
“Okay ka lang?” hahawakan sana niya ako pero iniwas ko na ang aking braso.
“Yeah, okay lang.”
Tumango naman siya saka tumungo sa gitna. Hindi sinasadyang nagtama ang paningin namin ni Captain at nakita kong umiling-iling siya. Inirapan ko lang siya bilang sagot.
The match continued until it ended. Kung kanina lamang na lamang ang kabilang team sa amin ngayon nama’y pumantay na ngunit sa bandang huli, tinanghal silang panalo sa isang lamang. Hindi naman ako nag-aalala roon kasi individual naman ang titingnan.
Nang sumapit ang gabi, halos lahat kami’y napagod at masakit ang katawan. Kami palang ni Hydie ang narito dahil iyong iba’y nasa open ground pa dahil pinatawag ni Captain. Hindi ko alam kung anong gagawin nila roon pero iyong natalo sa laban ang mga tinawag.
“Hoy, hindi ka bababa?”
Nakahiga ako sa kama subalit lumingon ako kay Hydie na nakatayo sa tapat ng kama niya at inuunat-unat ang katawan. Siguro masakit din ang katawan niya.
“Hindi. Magpapahinga na ako.”
Tumawa siya. “’Yan kasi, ang tagal ng pagtutuos ninyo ng Aguilar na ‘yon.”
Napairap naman ako sa hangin. “Ayaw kasi magpatalo ng mokong.”
Lumapit siya patungo sa kama ko. “Ano nga pala iyong deal na sinasabi niya?”
She sat down on my bed.
“Wala.” Hindi ko na siya tiningnan pagkatapos niyon ngunit hinarap niya ako sa kanya.
“Hmm? Fishy.” Naningkit ang mga mata niya na para bang may sinusubukang alamin. And then her eyes became round. “Hindi mo naman siguro ipagpapalit ‘yang…” tumigil siya saglit saka tumingin sa baba ko.
Nanlaki agad ang mga mata ko nang makuha ang gusto niyang sabihin. Tinulak ko siya paalis sa kama ko at nakatayo na siya habang gulat na gulat pa rin.
“Baliw ka ba?! Bakit ko naman gagawin ‘yang iniisip mo?”
“Eh ka—
She was cut off when the door opened and a man came. His cold eyes are looking at us. Hydie saluted as soon as he saw him.
“Captain—
“Can you leave us?” mahinahon na tanong niya.
Tumingin sa’kin si Hydie at pasimple akong umiling para sabihin na huwag siyang aalis. Ayaw kong maiwan dito kasama ang lalaking ‘to dahil siguradong mag-aaway lang kami.
“Ms. Cabahit, I’m telling you to leave us.”
Walang nagawa si Hydie nang magsimula ulit siyang magsalita.
“Yes, Captain. Masusunod po.”
Hydie glanced at me for the last time before opening the door and heading out. I irritatedly turned to the man who just barged into our room. Ilang beses niya na ‘tong ginagawa at hindi na nakakatuwa.
“Bakit mo siya pinaalis? Kita mo nang nag-uusap kami.”
“Dahil gusto ko.”
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sagot niya.
“Hindi dahil gusto mo, dapat mo nang gawin. Have you thought of considering people’s feeling when you’re making decisions just because you want it?
Nagsukatan kami ng tingin.
“Are we still in the same thoughts? Or is it just me assuming you’re talking about the past?”
I was a bit surprised. Hindi ako makapagsalita. Naaalala niya pa pala iyon? Akala ko kasi nakalimutan na niya dahil sa paraan kung paano niya ako lapitan o kausapin ngayon, parang wala lang nangyari noon sa amin.
“Stop dwelling in the past, Berrenzana. You’ll just hurt yourself,” he added.
Sarkastiko akong tumawa. “Ang lakas ng loob mong sabihin ‘yan at naaalala mo pa pala ang nangyari noon? Ako kasi oo.”
“Then you’re hurting yourself.”
Umiling ako. “Hindi rin. Matagal ng nangyari ‘yon at hindi ko ‘yon makakalimutan.” Lumapit ako sa kanya saka nilapat ang hintuturo sa gilid ng kanyang ulo. “I forgive.” Then pointed to his heart. “But I don't forget.”
“Talaga? Nakalimutan mo rin ba na may kasalanan sa’yo si Aguilar? Then why are you still with him? Tell me, siya na ba ang pinalit mo sa’kin?”
“Because he was there all the time at ‘wag kang mag-alala dahil marami na rin akong pinalit sa’yo. Pinag-iisipan ko pa kay Dennis.” I smirked and I know he did not liked it.
Humakbang siya sa’kin at sobrang lapit na namin sa isa’t isa hanggang sa mapaupo na mismo ako sa kama.
He bent down and and spread his arms to both of my sides, locking me in the center. Then, he lowered his head.
“Hindi mo ‘yan gagawin,” puno ng kasiguraduhang sabi niya.
“Bakit? Pipigilan mo ako? Huwag kang umasang makikinig pa ako sa’yo, Xodriga. Mataas lang ang ranggo mo ngayon pero mas mababa na ang tingin ko sa’yo kumpara sa kanya.”
His jaw hardened. The darkness on his face makes me want to move away from him.
“I will dismiss him right away from this training. Huwag mo akong susubukan.”
Tinulak ko agad siya. Galit na galit akong tumingin sa kanya. Tumayo ako saka sinampal siya. Humapdi ang palad ko dahil doon at namula din ang pisngi niya.
“Stop being infuriating! Huwag mo ng dagdagan ang galit ko sa’yo. You’re a Captain now, so be professional.”
Muli niyang sinalubong ang tingin ko.
“I can’t.”
Humakbang ulit siya palapit sa’kin. “Hindi ako magiging propesyonal kung patuloy mong gagawin ang mga bagay na ayaw ko.”

BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
AkcjaThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...