CHAPTER 47

2K 47 0
                                        

“Okay na po ba, General?” tanong pa ng sundalo.
 
 
 
Nagtataka namang tumingin si Ayana sa kaniyang ama.
 
 
 
“Yes. Get her.”
 
 
 
Muling napalingon si Ayana sa may pinto nang may pumasok na mga sundalo. Mabilis siya nitong hinawakan sa magkabila niyang braso.
 
 
 
“Dad! What is this?! Get off!” She tried to escape from their grip but she was unsuccessful.
 
 
 
“Kunin niyo na siya,” sugo pa ng matandang General.
 
 
 
“Tayo na, Ms. Chavez. Huwag na po kayong maglaban para hindi kayo masaktan.”
 
 
 
Ayana unbelievably laughed. “See that, Dad?! Sasaktan nila ako. Huwag niyo namang gawin sa’kin ‘to!”
 
 
 
Tumayo naman ang matanda saka lumapit sa kinatatayuan niya.
 
 

“Walang mananakit sa'yo rito, Ayana Maurice. Kailangan mong magtanda sa mga pinaggagawa mo.” The General’s eyes landed on the soldiers. “Get her out of my sight.”
 
 
 
“Dad!!” Ayana freaked out.
 
 
 
 
 
The old man left taking the way to the office where Xyth rested and has woken up.
 
 
 
“General.”
 
 
 
Sumaludo sa kaniya ang Brigad saka ang Colonel na nasa loob din ng kwartong iyon.
 
 
 
“Hindi niya tayo maalala.”
 
 
 
Dumako ang tingin ng matanda sa lalaking inaasikaso ng ilang nurse nila.
 
 
 
“At narinig ko rin hong nasa isang silid si Ms. Berrenzana. She passed out in the middle of the rain,” the Colonel added.
 
 
 
“How is she?”
 
 
 
“Nagising na po yata.”
 
 
 
Hindi na sumagot ang Heneral. Naglakad ito upang tuluyang makalapit kay Captain Xodriga. Mas lalong naging malamig ang awra ng lalaki. Hindi rin ito nag-abalang tumingin sa kaniya.
 
 
 
“Kamusta na ang pakiramdam mo, Captain?”
 
 
 
Hinintay lamang nilang bumuka ang bibig nito. Akala nila'y hindi na ito sasagot nang magsalita ang binata.
 
 
 
“Fine.”
 
 
 
The General looked behind and motioned the Brigadier to come.
 
 
 
“Get our doctors. Call them by tomorrow, including her mother.”
 
 
 
Bahagya pang natigilan ang Colonel subalit agad din naman itong sumang-ayon.
 
 
 
“Copy, Sir.”
 
 
 
The General came to the nurses. “Throw away all his medicines and prescribe him new ones.”
 
 
 
 
 
“Yes, General.”
 
 
 
 
“Where is she?”
 
 
 
Muling bumalik ang mga tingin nila sa binatang nasa kama lamang nakaupo. They weren't able to answer him.
 
 
 
“Where is that woman?” Xyth asked again.
 
 
 
“Sino'ng tinutukoy mo, Captain?” tanong ng Brigad.
 
 
 
Nagtama ang mga mata nila.
 
 
“The woman outside. Why was she crying? Is she connected to me?”
 
 
 
“She's your—
 
 
 
“Put your concerns aside, Captain. You need to recover fast for you to remember it all.” The General continued.
 
 
 
“I am not disabled.”
 
 
 
“Yes, we understand, Captain. We're trying to say that your memory should be back.”
 
 
 
“My memory is fine,” Xyth answered.
 
 
 
Sasagot pa sana ang Brigadier nang pigilan na ito ng matandang Heneral.
 
 
 
“You can rest now, Captain. Darating bukas ang mga doktor na ipinatawag ko para tingnan ka.”
 
 
 
Aalis na sana ang matanda nang magsalita ulit ang binata.
 
 
 
“Maraming salamat, General.”
 
 
 
Gulat man, hinayaan na muna nila iyon. Tumango lang sila saka nagtuloy-tuloy na sa paglabas.
 
 
 
 
 

***
 
“Goodness! Salamat naman at gising ka na.”
 
 
 
Keisha opened her eyes and watched the white ceiling. She knew she's in a hospital again. Dahan-dahan siyang umupo at agad naman siyang inalalayan ni Lisel.
 
 
 
“Maayos na ba ang pakiramdam mo?”
 
 
 
Napahawak siya sa kaniyang ulo saka tumango lang sa kaibigan.
 
 
 
“Kumuha lang si Dennis ng pagkain mo.”
 
 
 
“S-Salamat,” maiksing sagot niya.
 
 
 
“Narinig namin ang nangyari.” Bumuntong-hininga si Hydie. “Kung kailangan mo ng maiiyakan nandito naman kami, huwag sa gitna ng ulan. Ipapahamak mo pa ang sarili mo, e. Paano kung ikaw naman ang magkasakit? Gayong nandito na siya dapat kuhanin mo na iyong pagkakataon. Agawin mo siya kay Ms. Chavez. Magnanakaw na babaeng 'yon,” bulong ni Hydie sa kaniya sa mga huling salita nito.
 
 
 
“Gusto ko siyang makausap,” saad ni Keisha.
 
 
 
“I heard nagpapahinga pa siya sa isang private room. Bawal siyang puntahan doon kaya baka hindi mo pa siya malapitan,” Lisel stated.
 
 
 
“Paano mo naman kakausapin ang taong nawalan ng alaala?” Biglang sumulpot si Dennis. Hinawi nito ang kurtina bitbit ang isang tray ng pagkain.
 
 
 
“Kesh!”
 
 
Dumating naman si Vanessa na mataas pa ang boses.
 
 
 
“Berrenzana.” Rachel
 
 
 
“Ano’ng nangyari?” Arcie
 
 
 
“Shush.” They were silenced by a nurse.
 
 
 
“Patahimikin niyo nga 'yang mga bibig niyo,” masungit na turan ni Hydie.
 
 
 
“Sorry po, manang,” pang-iinis ni Vanessa.
 
 
 
“Kumain ka na muna, Keisha. You need to fill your stomach.”
 
 
 
Umangat ang tingin ni Keisha sa bitbit na pagkain ni Dennis pero wala naman siyang gana.
 
 
 
“I need to talk to him.” Instead, she answered.
 
 
 
Dennis sighed. “Sasaktan mo lang ang sarili mo kung kakausapin mo ang isang taong walang natira na alaala sa'yo. Kumain ka na.”
 
 
 
“Kami ang bahala sa part na 'yan, Berrenzana. Tutulungan ka naming makausap siya,” sabat ni Vanessa dahilan upang mapalingon sa kaniya si Dennis habang nakataas ang mga kilay ito.
 
 
 
“Narinig mo ba ang sinabi ko? Sabi ko, hindi niya pa pwedeng kausapin ang lalaking 'yon.”
 
 
 
Ngunit tila walang narinig ang babae.
 
 
 
“Hahanapin namin ang private room niya. Confront him as soon as possible. You don't have to waste so much time. Paano kung ikaw lang pala ang makakatulong sa kaniya?”
 
 
 
Lumipat na naman ang mga mata ni Keisha kay Vanessa.
 
 
 
“Hindi agad bumabalik ang memorya ng isang taong nagka-amnesia kaya huwag kang ilusyonada na babalik iyon agad-agad. Nag-aral ka ba?”
 
 
 
Sa pagkakataong ito nilingon na ni Vanessa ang lalaki. Tinaasan niya pa ito ng kilay.
 
 
 
“Ano’ng karapatan mong maliitin ang pinag-aralan ko, ha? Sino ka ba?”
 
 
 
“Tsk!” Dennis attended again to Keisha. “Seriously, you have to listen to me. Hindi sa mga tao riyan sa tabi-tabing walang ibang alam kung hindi mag-inarte.”
 
 
 
Umusok ang mga tainga ni Vanessa nang marinig iyon mula kay Dennis. Her mouth parted and stared at him with disbelief.
 
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon