They arrived at the headquarters and Keisha was directed to the clinic with Xyth. Xyth laid her on the bed and then a nurse came and approached them.
"Ano po ang nangyari sa kanya, Captain?" Isang lalaking nurse ang dumating.
"I want Ms. Sophia to treat her. Kindly call her."
"Yes, Captain." Umalis ang lalaki upang tawagin ang head nurse sa clinic.
"You could have let him. Nurse naman siya rito."
Dumako ang tingin ni Xyth sa kanya. "It'll be uncomfortable to watch you too. Isa pa, mas magaling si Sophia sa bagay na ito. Bakit ba tinututulan mo ang gusto ko?"
"Masama ba'ng magsabi ng opinyon?" balik ni Keisha sa lalaki.
"Can you do something about your attitude? Mamaya ka na makipagtalo kapag okay ka na."
Her mouth automatically bolted. Maya-maya lang dumating na rin ang babaeng nurse na medyo nagmamadali pa. Nginitian sila nito pareho pero masama ang tingin na ipinupukol niya kay Xyth.
"Nabigyan ko na siya ng first aid kahapon pero dahil matigas ang ulo niya, dumugo ulit ngayon. Make sure that she's fine and inject her with anti-tetano. Nasagi siya sa bakal, pakisiguradong hindi na ulit dudugo ang sugat niya. Let her rest too. I'll be right back after I check things."
Hindi makapagsalita si Keisha. Sa araw na ito iyon na ang pinakamahabang nasabi ng lalaki. Hindi man lang ito nag-alangan kanina na buhatin siya kaya ngayon sigurado siyang paglabas niya ng pintuang iyan, siya ang magiging laman ng usapan.
"Sure, Captain."
Tumango lang ang ito sa nurse saka muling tumingin sa kanya habang nakapamulsa ang isang kamay.
"How are you feeling?"
Keisha can't help but admire him. He look so cool whenever he act serious. Hangga't maaari ayaw niyang magpaapekto sa presensya ng lalaki dahil kapag ginawa niya iyon, siya na naman ang talo.
"I don't know."
"You should know your feelings."
Her eyes glared at him again. "Kapag sinabi ko bang naiinis ako may sasabihin ka pa?"
Tahimik lang ang nurse na nakikinig sa kanila habang ginagamot ang sugat ni Keisha.
"Nakakainis ba ang mukha ko?" tanong ulit ni Xyth
"Captain, pwede bang iiwan mo muna kami ni Ms. Berrenzana? Baka kasi magupit ko kayong pareho kapag nagtalo pa kayo sa harap ko," wika ng nurse.
Xyth just laughed and shrugged her shoulders.
"Easy, Sophia. That's my woman, remember. Treat her well. Babalik nalang ako."
Nangangamatis naman ang mukha ni Keisha. Wala siyang maibato sa mga sinabi ng lalaki hanggang sa dumukwang ito at halikan siya sa tuktok ng kanyang noo."Rest, I'll pick you up here."
Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Keisha. Awtomatikong pumikit ang mga mata niya nang dumampi ang labi ng lalaki sa kanyang noo. Ano ba itong ginagawa ni Xyth sa kanya? Bakit parang bumabalik na naman sila sa dati? Kung gaano ito kalambing noon, nararamdaman niyang gano'n pa rin ito ngayon.
Nag-aalala siya.
Nag-aalala siya para sa kanyang sarili.
Iwinaglit niya sa isipan ang mga bagay na nagpapagulo lamang sa kanyang utak at sa kanyang sarili. Pinagmasdan na lamang niya ang babaeng nurse na patuloy pa ring ginagamot ang sugat niya.
"Boyfriend mo ba si Captain? O nililigawan ka niya?" tanong nito
"Uh, wala po. Kakilala ko lang siya noon tapos nagkita lang ulit kami ngayon," paliwanag ni Keisha.
"I see. One-sided love ang Captain ninyo ha. Kawawa naman."
"Uhh...
"Matagal ko nang kilala 'yan si Captain. Nagsisimula pa lang 'yan dito halos siya rin palagi ang laman ng clinic ko. Magkaibigan kami kaya huwag kang mahihiya sa'kin."
"S-Salamat."
Wala nang mahanap pa na sasabihin si Keisha. Hindi na ulit siya umimik hanggang matapos ang paglilinis at pagba-bandage sa sugat niya. Dahil medyo nakakaramdam siya ng kirot sa sugat, napagdesisyunan niyang matulog muna hanggang sa wala na nga siyang malay sa paligid. Lumalim ang kanyang pagkakaidlip marahil na rin sa pagod.
Nagising ang diwa ni Keisha at una niyang nagawa'y amuyin ang pabangong nanunuot sa kanyang ilong. Batid niyang nasa tabi lamang niya ang taong nagmamay-ari niyon kaya't dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa kanyang gilid.
There she saw a man who's intently staring at her. It made her a bit conscious of how she looks right now. She must have been a mess.
"Feeling better?" tanong nito sa kanya ngunit hindi agad siya nakasagot. "Hindi na dumudugo ang sugat mo kaya mag-ingat ka na sa susunod. And I hope you recover soon." Ipinatong ni Xyth ang mga braso sa kama ni Keisha nang hindi pinuputol ang koneksyon ng kanilang mga mata. "You have a punishment to take, Ms. Berrenzana."
His voice was so soft that melted her. Anumang oras alam niyang mauutal siya kung siya'y magsasalita ngunit tinapangan niya ang loob.
"What punishment? Can you exempt the run, I don't think I can do it."
Xyth's eyebrow raised. "Where are you concern at? Your life or the punishment?"
"Either way, it's still about my life."
He moved his head sideways disagreeing at Keisha's answer.
"It's a different punishment."
"Sa pagkakaalam ko ako ang nanalo sa pangalawang laban, bakit mapaparusahan ako? Hindi ba kayo marunong sumunod sa usapan? O baka naman biased kayo dahil officer na ang natalo ko? Ayana and I are even."
Nagtitigan sila na para bang may kuryente sa pagitan ng kanilang mga mata.
"First of all, we follow rules. Marunong kaming sumunod sa usapan o napagkasunduan. Tayong mga sundalo ang dapat na unang-unang sumusunod sa mga batas na ipinapatupad natin. Second, we're not biased. Pantay-pantay ang tingin namin sa lahat, beginners or not, experts or not, officers or not... we respect each other. At pangatlo, alam naming ikaw ang nanalo sa pangalawang pagsubok."
Keisha waited for him to speak again.
"Ano'ng mangyayari sa'min? We're even."
"Nalaman ni General ang ginawa ni Maurice. They're related pero hindi pinalagpas ng General ang ginawa niya. Maurice is a bit spoiled. Her attitude is a bit off sometimes but-
"What exact attitude are you referring? You mean, her bitchy-bitchy act-
"Stop talking that way. She's above you, an officer and-
Uminit bigla ang ulo ni Keisha dahil doon. Mukhang dinedepensahan na naman ni Xyth ang babaeng iyon.
"And what? A General's daughter? Well, hindi mo ba alam? Wala akong pakialam. Siya lang naman ang nagsimula nito, so if there's someone who'll be punished here, it must only be her. At hindi mo ba nahahalata, ha? She hates me because of you!"
Tumaas ang isang kilay ni Xyth. Naghintay siya sa susunod na sasabihin ng babae dahil wala rin siyang ideya. Iba ang pagkakakilala niya kay Maurice simula pa noong nasa America sila. Silang dalawa ang naging magkasangga sa lahat ng bagay. Siya ang palagi niyang kasama hanggang sa pareho silang umuwi sa Pilipinas nang piliing pagsilbihan ang sariling bansa.
"What are you trying to say? You're speculating too much."
Bumangon si Keisha sa kama saka galit na tiningnan ang lalaki.
"I am not speculating because what I said is right. Ayaw niya sa'kin dahil sa'yo. She likes you! Manhid ka ba para hindi mo maramdaman 'yon?"
"I don't-
"Excuse me-
"Ano?!" bigla na lamang nasigawan ni Keisha ang nurse na lumapit sa kanila.
"Berrenzana." A warning tone escaped from Xyth's mouth.
Keisha felt guilty. Hindi niya dapat pinang-iinitan ng ulo ang kung sino-sino lang.
"I'm sorry, hindi ko sinadaya. Sorry." Hingi niya ng paumanhin sa nurse na alanganing ngumiti.
"Okay lang po ma'am. Sasabihin ko lang po kay Captain na maaari niya na kayong ilabas ayon na rin sa utos ni Ms. Sophia. Hindi naman malala ang lagay ninyo kaya pwede ka rin pong magpahinga sa inyong kwarto."
"Pwede bang-
"Salamat, pwede mo na kaming iwan," pagpuputol ng lalaki sa kanyang sasabihin.
Nang makaalis ang nurse lumanding ang nanlilisik niyang mga mata kay Xyth.
"Don't give me that look. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo." Tumayo si Xyth.
"Hindi ako sasama sa'yo. Please, people! Stop deciding for my life! This is mine so stop telling me what to do! Pwede ba 'yon?! You're not a part of my life anymore."

BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
AksiThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...