CHAPTER 17

2.3K 55 1
                                        

Kumalat sa kanilang kampo ang nasabing pagtutuos ng dalawang babae. Naging usap-usapan ito makaraan ang ilang araw at ngayon ngang dumating na ang araw na iyon, makikitang inabangan ng karamihan ang kanilang gagawin.
 
 
 
They travelled for an hour to reach the vast green field where they will do the test. Nasa paanan sila ng isang malaking bundok. Kasama ang lahat ng trainees dahil magsisimula na silang magsanay samantalang ilan lamang ang nakasama sa mga kasundaluhan ng air force dahil hindi na ito pinahintulutan. Tanging ang mga may katungkulan lamang sa pag-eensayo ang nakabilang.
 
 
 
Unang sumalang ang mga indibidwal na magpapalipad ng helicopter hanggang sa unti-unting nauubos na.
 
 
 
“Sigurado ka bang kakalabanin mo si Ms. Chavez?”
 
 
 
Hindi na nilingon pa ni Keisha ang lalaking tumabi sa kanya. Tumingala rin ito sa kalangitan kung saan nag-eensayo ang iba sa pagpapalipad ng helicopter.
 
 
“Siya ang naghamon, pinapaunlakan ko lang ang kagustuhan niya.”
 
 
 
“Lalim no’n ha,” pagbibiro ni Dennis kaya pinukolan niya ito ng masamang tingin.
 
 
 
“’Di seryoso, unang beses mo magpalipad mamaya ng helicopter at may mga target pa kayong kailangan tamaan. Sigurado ka bang kakayanin mo? Hindi ka pa sanay sa sasakyang ‘yan.”
 
 
 
“Na-demonstrate na sa’tin. May assessment na rin tayo nung nakaraan. Na-lecture na tayo. I think sapat na ang mga bagay na iyon para sabihing natuto na ako kahit papaano. Kung matalo edi…” Nagkibit-balikat siya. “Edi talo. Gano’n naman talaga ang buhay. Sanay na ako riyan.”
 
 
 
Dennis rolled his eyes. “Tsk. Pero—
 
 
 
Tinakpan niya ang bibig ng lalaki. “Huwag kang mag-alala, magaling si Ms. Chavez kaya hindi siya mapapahamak.”
 
 
 
Kumunot ang noo ni Dennis. “Oh, tapos?”
 
 
 
Ngumiti si Keisha ng nakakapanloko.
 
 
 
“Hindi ba nag-aalala ka sa kanya?” mas lumawak ang ngiti ni Keisha nang makitang napipikon na ito.
 
 
 
“Wala akong gusto sa kanya, isaksak mo ‘yan sa kokote mo.”
 
 
 
“Wala naman akong sinabi na may gusto ka sa kanya, sinasabi ko lang na baka nag-aalala ka.” Hindi pa rin mawala ang mga ngiti ni Keisha sa kanyang mukha.
 
 
 
“Ewan ko sa’yo, hindi na kita itsi-cheer.”
 
 
 
Nagpatuloy lang sila sa asaran ngunit pareho silang natigil nang may tumapat na matipunong katawan sa harap nilang dalawa. Hindi alam ni Kesiha kung ang mabilis na pagtibok ng puso niya’y dahil sa kaba o dahil sa presensya ng lalaking nasa harap niya ngayon bitbit ang kanyang helmet.
 
 
 
“You’re next,” Xyth handed the helmet to her.
 
 
 
Inabot niya ang helmet saka nag-iwas ng tingin dito. Humarap din siya kay Dennis para tuluyang maiwasan ang presensya ng lalaki. Hindi niya pa rin magawang kalimutan ang pagod at sakit sa katawan na tinamo niya nang araw na iyon na binigyan sila ng parusa. Tumakbo sila nang tumakbo at tila may bumabang anghel sa kalangitan dahil hindi na nito pinatapos ang dalawampu’t na ikot nila sa oval. Pero hanggang ngayo’y hindi niya pa rin kinikibo si Xyth.
 
 
 
“Are you ready, Ms. Berrenzana?”
 
 
 
 
Napatingin naman siya sa babaeng bigla na lamang sumulpot sa kawalan. Tulad ng palaging awra nito, nakangiti na naman ito sa kanya niya na para bang hindi siya nito sinugod noon.
 
 
 
“Yes, Ms. Chavez,” she smiled back.
 
 
 
“Captain, handa na po ang gagamitin nila. Kailangan ba nating i-clear ang malalapit na area?” tanong naman ng isa pang sundalong dumating.
 
 
 
“Of course. Go back to the tent with the other trainees. Ang kailangan ko lang makita mamaya ay ang dalawang helicopters, targets, and the drones.”
 
 
 
Sumaludo ang lalaki sa kanya. “Masusunod, Captain. Kadarating lang din po ni Colonel at nasa tent na siya ngayon.”
 
 
Tumango lang si Xyth sa lalaki. Keisha was admiring him lately for his seriousness and excellency in work. The man is committed in everything about the airforce. He has so much passion on this. Nakatadhana nga ito para kay Xyth at masaya si Keisha para rito kahit na hindi na sila. Muling nagtama ang kanilang mga tingin ngunit tulad ng palagi na niyang ginagawa, iniwasan niya lang ito.
 
 
 
“Let’s go, Captain.” Ikinawit ni Ms. Chavez ang kamay sa braso ng lalaki saka hinatak na ito paalis.
 
 
 
Umalis ng tuluyan ang dalawa ngunit mabilis na lumihis ng direksyon ang babae habang nakangiti pa rin ito sa lalaki. Keisha rolled her eyes.
 
 
 
“Tsk! Punta kana sa helicopter mo, baka saan pa mapadpad ‘yang mga mata mo,” saad naman ni Dennis.
 
 
 
She eyed him. “Namumuro kana, bubugnutin ko talaga ‘yang dila mo.” Keisha left Dennis after even mumbling some things she could not understand.
 
 
 
They were assisted by some soldiers.
 
 
 
Keisha started to turn the engine on kaya naman unti-unting umikot ang elisi ng helicopter niya. Sumasayaw-sayaw ang mga dahon dahil sa malakas na hanging hatid ng kanilang sinasakyan.
 
 
 
She operated the cockpit and wore the headset. “Keisha Berrenzana, on air.”
 
 
 
[“Ms. Berrenzana, on the line, clear.”]
 
 
 
Somebody will monitor them again. The two helicopters began to rise from the ground. They made separate ways until they fled higher. Ginawa ni Keisha ang mga basic lifts ng pagpapalipad nito. Gumawa rin siya ng isang roundtrip saka nag-lift.
 
 
 
“You’re a fast learner, huh?” dinig niya sa kabilang linya. Nang lumingon siya’y katabi na pala niya nag helicopter ng babae at nakangisi ito sa kanya.
 
 
 
“Thank you for the compliment, Ms. Chavez.” Matamis niya rin itong nginitian ngunit inirapan siya nito saka inunahan na siya.
 
 
 
“Pikon,” bulong niya.
 
 
 
“I can hear you.”
 
 
 
Hindi na siya sumagot pa.
 
 
 
[“Get ready, malapit na kayo sa mga targets.”]
 
 
 
Nakasilip si Keisha sa labas at kitang-kita niya ang mga puting marka na siyang kailangan tamaan ng mga ipapaulan nilang bala. Kailangan lang naman niyang maungusan ang bilang ng mga matatamaang target ni Ayana para maideklarang panalo siya. Pero kung mas marami ang matamaan ni Ms. Chavez, siya’y ituturing na talo.
 
 
 
“There’s additional tricks, Captain. I’m sorry, nakalimutan kong sabihin kanina.” Ms. Chavez announced through her device.
 
 
 
Dahil doon, nawala sa pokus si Keisha. Napatingin siya sa helicopter ng babae na nangunguna pa rin sa kanya. Minumura niya na ito sa kanyang isipan. Masyado naman yata itong seryoso para dagdagan pa ang animo’y paligasahan na nilang dalawa.
 
 
 
[“What is that? Hindi ka na dapat dumagdag pa. Your opponent is not knowledgeable yet.”]
 
 
 
Halata sa boses ng lalaki na umiinit na ang ulo nito bagamat nakaramdam din ng inis at lungkot si Keisha dahil parang minamaliit na naman siya nito.
 
 
 
“Madali lang naman iyon and you don’t have to worry, she’s a fast learner naman. I know she’ll do fine.”
 
 
 
Napairap si Keisha. Sinusubukan talaga siya ng babaeng ito.
 
 
 
[“I won’t—
 
 
 
“Handa ako sa anumang gusto mo, Ms. Chavez,” pagpuputol niya sa dapat na sasabihin pa ng lalaki.
 
 
 
“See?” Ms. Chavez
 
 
 
 
Seryosong nakatuon ang atensyon ni Xyth sa dalawang helicopter sa himpapawid. Katabi nito ang Colonel na hindi rin maibitiw ang tingin sa mga ito. Dahil mainit, naroon sila sa itim na tent nakasilong habang sa harap naman nila’y ang monitor kung saan mas napapanood nang malapitan ang dalawa.
 
 
 
Hindi naman maiwasan ng ilang kasamahan nina Keisha na mamangha sa kanilang dalawa.
 
 
 
“Sino kaya ang nasa unahan?”
 
 
 
“Si Ms. Chavez, sigurado. Nakita naman natin siya ‘di ba nung una tsaka nagsisimula palang si Berrenzana kaya malabong siya iyong nangunguna.”
 
 
 
“May point ka pero hindi porke trainee palang si Berrenzana, hindi na niya kayang tapatan iyon.”
 
 
 
“Sus! Pinaglalaban talaga palibhasa crush na crush si Berrenzana, e.”
 
 
 
“Tarantado. Ang ingay mo kahit kailan.”
 
 
 
Humaba ang usapan at biruan ng mga lalaki na nagpainis sa isa. Pumihit ang ulo ni Xyth para tingnan ang mga ito at nang mahalata ng kalalakihan ay napatigil sila.
 
 
 
Bumalik ang atensyon ni Xyth sa dalawang babae.
 
 
 
 
“May mga nakaabang na baril sa’min sa baba—
 
 
 
[“What are you thinking—
 
 
 
“Hey, chill Captain! They are real guns but they’re gonna use rubber bullets. There’s a small target under our helicopter that they must hit. Kapag natamaan nila, we’re out that instant. Simple as that.”
 
 
Walang ibang binabanggit ang isipan ni Keisha kundi masasamang salita laban sa babae. Kung anu-ano pang nalalaman nito. Simple lang naman ang gusto nitong mangyari, ang mapahiya siya. Bagay na hindi naman niya hahayaan.
 
 
 
[“Tapusin niyo na ‘yan. Babalik na tayo.”]
 
 
 
Ayana and Keisha started to hit the targets on the ground. Xyth closed up the monitor. Dumaan na ang isang helicopter at ang isa naman ngayon ang nagpapaulan ng bala sa baba gamit din ang rubber bullets. As soon as they were gone, soldiers went to the field. It was their turn, they shot the helicopters and no one was able to hit the targets.
 
 
 
“Woah!”
 
 
 
Napayuko ang ilan sa magkasunod na pagdaan ng mga ito.
 
 
 
“They’ll be a good tandem,” ani ng Colonel na nagpatango sa ilang sundalong katabi nito. Wala namang imik si Xyth.
 
 
 
“You have 59 seconds left. Kung wala pa ring matamaan sa inyo, ang may pinakamaraming nabaril ang siyang mananalo,” anunsyo ni Xyth sa radyo.
 
 
 
“Copy that.” Ms. Chavez
 
 
 
Walang imik pa rin si Keisha na kinakabahan. Gusto lang niyang matapos na ang oras para makababa na siya. Sigurado naman siyang marami ang nabaril niya kanina kaya may posibilidad na siya ang manalo.
 
 
 
“30 seconds.”
 
 
 
“Shit.”
 
 
 
“Oh my!”
 
 
 
Naghalo ang reaksyon ng mga babae at lalaki nang makitang may tinamaang isang helicopter sa ilalim na bahagi nito. The helicopter released a pink-colored smoke indicating that the target was hit and that, she lost the challenge.
 
 
 
“Sino kaya ‘yon?”
 
 
 
“Malas naman niya.”
 
 
 
“Takte, parang si Berrenzana.”
 
 
 
“Hintayin nalang natin na makababa, wala na namang oras.”
 
 
 
Sinang-ayunan iyon ng karamihan. Unti-unting lumapag ang dalawang helicopters. Nang matigil na ang pag-ikot ng elisi nito, saka lamang bumaba sina Keisha.
 
 
 
"Argh! D-Damn." She groaned as she felt pain on her leg.
 
 
Sinalubong naman agad siya ni Dennis. Sinikap niyang tumayo ng normal.
 
 
 
“Okay lang ‘yan.” Tinapik-tapik nito ang balikat niya. “Panalo ka naman sa’kin.”
 
 
 
“Tsk.” Inirapan ito ni Keisha saka tinanggal ang kamay sa balikat niya.
 
 
 
“I’m sure makakabawi ka pa naman.”
 
 
 
Kagat-labing nakatingin si Keisha sa lalaki.
 
 
“Fuck,” she mumbled. Naramdaman na naman niya ang pagkirot ng sugat niya sa hita at kailangan niya nang matingnan iyon.
 
 
 
 
 
 
“Bakit?” tanong ni Dennis sa kanya. “May masakit ba sa’yo?”
 
 
 
 
 
“Wala. Tara na.”
 
 
 
 
 
 
Pinagtipon-tipon na sila habang inanunsyo na kung sino ang panalo. Hindi mapawi ang ngiti sa mukha ng babaeng si Ms. Chavez.
 
 
 
“Congratulations, Lieutenant Colonel. Hindi ko inakalang makikipagpaligsahan ka sa isang trainee natin.” She was congratulated by their Colonel
 
 
 
“Salamat, Colonel,” she gave a sweet smile again.
 
 
 
Lumipat naman ang atensyon ng Colonel kay Keisha. “You did well, Ms. Berrenzana. You really pilot well.”
 
 
 
“Thanks, Colonel.”
 
 
 
Hahakbang pa sana si Keisha upang umalis na sa harap ng mga ito subalit kumirot na naman ang hita niya. Hindi niya pinahalata sa kanyang mukha na nasaktan siya.
 
 
 
 
 
“Okay ka lang ba talaga?” Dennis
 
 
 
 
 
 
“Oo nga.”
 
 
 
 
 
 
 
Maging sa pagdating nila sa headquarter binati sila ng mga kasundaluhan. Tuwang-tuwa naman ang mga nanalo sa pustahan.
 
 
“Bukas ulit, Ms. Berrenzana.” Nginitian siya ng babae bago tuluyang umalis kasama si Xyth.
 
 
 
Hindi niya ito inirapan ngunit hindi niya rin nginitian. Nagpatuloy nalang siya sa paglalakad at tinabihan na naman siya ng makulit na si Dennis.
 
 
 
“Sigurado ka bang ayos ka lang? Huwag kang malungkot dahil may bukas pa naman, siguradong makakabawi ka.”
 
 
 
Lumambot ang puso niya sa pagpapalakas nito sa kanyang loob. Kailanma’y hindi siya nito pinagdudahan sa mga bagay na ginagawa niya. Palagi itong may tiwala sa kanya at sinusuportahan nito ang mga gusto niya.
 
 
 
“I’m fine. I just need to rest.”
 
 
 
“Sa—
 
 
 
“Hoy, Aguilar! Halika rito! Puro ka porma.”
 
 
 
Lumingon si Dennis sa mga kaibigang tumatawag sa kanya.
 
 
 
“Sige na, babalik na ako sa quarter namin.”
 
 
 
“Sure—
 
 
 
“Dennis,” banggit ni Keisha sa pangalan ng lalaki ng hihirit pa sana ito sa pagtanong sa kanya.
 
 
 
“Aish! Sige na nga. Ingat ka ha. Kung may masakit sa’yo, tawagan mo lang ako. I’m one call away, baby.” And he winked at her.
 
 
 
Napailing nalang si Keisha habang sinubukang maglakad ng maayos. Ayaw niyang may makahalata sa kanya. Kanina lang pagbaba niya hindi pa ito gaanong masakit. Nasagi siya kanina sa isang bakal na nakausli habang papaalis siya sa kanyang kinauupuan. May maliit na punit ang itim niyang pantalon. Bagamat hindi gaanong malalim ang sugat, sumasakit pa rin iyon gawa ng hiwa.
 
 
 
 
“Fuck.” She stopped walking again. Napahawak siya roon sa sugat at nang tingnan na niya ang kamay, marami na ang dugo nito.
 
 
 
“What happened?”
 
 
 
Agad na tinago ni Keisha ang mga kamay niya sa kanyang likod. Alam na alam niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon at batid niyang hindi siya nito titigilan kapag nalaman nito ang kanyang sitwasyon.
 
 
 
Sinikap niyang tumayo ng maayos.
 
 
 
“Wala.”
 
 
 
 
Akala niya’y hahayaan na siya nito dahil sa ilang segundong pananahimik ng lalaki.
 
 
 
“Akin na ang kamay mo.”
 
 
 
Her heart begun to race again especially when Xyth stepped forward and took her hand. Nanginginig na inagaw niya ang kamay mula rito.
 
 
 
“Sinasabi ko na nga ba. Saan mo nakuha ‘to?” nagpipigil ang galit na tanong nito.
 
 
 
“This is not your concern.”
 
 
 
“’Wag mo akong susubukan ngayon.” May banta sa boses ng lalaki. “Saan nanggaling ‘yan?”
 
 
 
Hindi matukoy ni Keisha ang dahilan kung bakit kinakabahan siya.
 
 
 
“N-Nasabit lang ako kanina sa—
 
 
 
“Captain, pinapatawag po kayo ni Colonel.”
 
 
 
 
 
 
Naputol ang sinasabi ni Keisha nang dumating ang sundalo.
 
 
 
 
“Sabihin mong hahabol ako.”
 
 
 
Naiilang na tumango ang sundalo sa kanya saka ito sumaludo at umalis.
 
 
 
“Kaya mong maglakad?” tanong ni Xyth sa kanya na medyo huminahon ang boses.
 
 
 
Tumango si Keisha.
 
 
 
“You know my room. Pumunta ka ro’n at hintayin mo ako—
 
 
 
“Ayoko,” she interrupted.
 
 
 
His face wrinkled. “Now is not the time to disobey me, Berrenzana. Go to my room.” Xyth disclosed.
 
 
 
“Kapag sinabi kong ayoko, wala kang maga—ahhh!” napatili si Keisha nang buhatin siya nito na parang bagong kasal.
 
 
 
Sinubukan ni Keisha na kumawala ngunit hindi siya nagtagumpay. They walked corridors by corridors. She was thankful enough to have few audiences. Hanggang sa bumukas na lamang ang isang pinto saka sila tuloy-tuloy na pumasok. Inilapag siya nito sa mahabang sofa.
 
 
 
“What the fuck is your problem?!” inis na singhal niya sa lalaki.
 
 
 
“Hindi mo gugustuhing malaman.” Xyth meaningfully said before leaving her.
 
 
 
And here she is, left thinking again.

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon