"Y-You what?"
Hindi pa rin mairehistro ni Keisha sa utak niya ang sinabi ni Xyth. Gusto nitong bumalik siya sa kaniya at sa madaling salita, gusto ni Xyth na muli silang magkaroon ng relasyon. Bagay na hindi na niya naisip pang pasukin ngayon.
Bahagya siyang humiwalay dito kaya pareho nilang napagmasdan ng maayos ang bawat isa.
"A-Aalis na ako. Hindi na ako maniniwala sa'yo. Never again, Xyth." Pinunas niya ang panghuling butil ng luha niyang nanuyo na sa kanyang pisngi.
"Naiintindihan ko kung hindi mo ako paniniwalaan sa ngayon. Bibigyan kita ng oras-
A slap cut him off.
Hindi hinayaan ni Keisha na matapos pa ang sasabihin ng lalaki. Sinampal niya ito dahil sa nararamdaman niyang galit. Pakiramdam niya'y parang wala lang dito ang pinagdaanan niya, para bang wala lang ang nangyari noon.
"Bakit gano'n, ha?" Akala niya'y wala ng luhang tutulo pa ngunit nagkamali na naman siya. "B-Bakit napakadali lang sa'yong sabihin na gusto mo ulit ako? You want me back?! For good? Fuck you!" Dinuro niya ito sa may dibdib. "Bibigyan mo ako ng oras para ano? Para makapag-isip ako kung paano na naman ako magiging tanga sa'yo?! Once is enough. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo noon kaya huwag na huwag mong sasabihin 'yan."
"Kesh-
Tinulak niya ulit ito nang magtangkang lumapit sa kaniya.
"Don't call me, Kesh. Nakakalimutan mo na ba? Only people who know my worth can call me with that name and you're gone, long time ago."
"Tangina," the man cursed.
Sa buong buhay ni Keisha ngayon niya lang nakita ang kaharap na tila ba hinang-hina nito. Sa labas, kakikitaan ito ng kakisigan na walang sinuman ang mag-iisip na kaya rin pala nitong maging mahina tulad ng iba. Subalit naisip niya, lahat ng tao'y nagiging mahina dahil sa isang bagay. Pero siya? Ano ang dahilan niya?
Imposible.
"Aalis na ako."
Hinakbang ni Keisha ang mga paa niya upang sana'y umalis na pero humarang si Xyth sa daraanan niya. Namumula pa rin ang mga mata nito at gano'n na lamang ang paglukso ng kaniyang puso nang umiwas ito ng tingin sa kaniya.
"I'm serious, Keisha. Give me another chance. Babawi ako, papatunayan ko ulit ang sarili ko sa'yo. Kung kailangan kong magsimula sa pinakaumpisa, gagawin ko. Just... just give me one more chance."
Naghari ang katahimikan sa pagitan nila. Ilang saglit pa, natuklasan ni Keisha ang pagpunas ng luha nito sabay iwas ulit ng tingin sa kaniya. Saglit itong tumalikod sa kanya bago humarap ulit.
Xyth talked again.
"Hindi ko kailanman naisip na naging madali para sa'yo ang lahat. Alam kong mahirap dahil gano'n din ang naramdaman ko. I know you cried every night, you got bullied, and all that I could not imagine. Yes... pinagdaanan mo lahat ng iyon nang wala ako pero hindi mo rin alam kung gaano ako uwing-uwi dahil sa'yo. I already felt it. Noon palang ramdam ko na na ikaw ang babaeng gusto ko makasama hanggang sa pagtanda. I was not able to monitor you thoroughly pero kinakapalan ko ang mukha ko para kausapin si Tita, your mother, Keisha. She was mad at me pero siya nalang ang tanging tao na mapagtatanungan ko sa'yo."
Biglang hindi nakapagsalita si Keisha. Totoo ba itong naririnig niya?
"Sa tingin mo m-maniniwala ako?" tila bulong nalang ang lumabas sa bibig ni Keisha. Gusto niyang paniwalaan ang binate ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili.
"Hindi kita pipilitin. Tinaboy din ako ni Tita at tanggap ko 'yon. Wala akong magawa. Wala na akong karapatan sa'yo. May sarili ka nang buhay kaya hinayaan ko nalang na ang panahon na ang bahalang magtagpo ulit sa ating dalawa, kung tayo talaga. At heto ka ngayon sa harap ko, nayayakap at nahahawakan ko. Sa tingin mo ba pakakawalan pa kita? I caused you so much pain and believe me or not, I was hurt too."Keisha wiped her tears. They were into the conversation. They felt every word spoken. Subalit sa gitna nang palalim nilang pag-uusap isang katok naman sa pinto ang pumaroon sa kanila. Pareho silang napalingon sa direksyong iyon at hindi man lang kumilos si Xyth sa kinatatayuan niya.
"Xyth! Open the damn door!"
Kilalang-kilala ni Keisha ang boses na iyon. Bumalik sa kanya ang mga senaryo kung saan magkasama sina Xyth at Ayana sa Amerika. Kasama ito ni Ayana na dapat ay siya. Her hatred went back.
"May bisita ka. Aalis na ako."

BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
AcciónThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...