“Mommy.”
Iyon ang naging bungad ni Keisha sa kaniyang ina. Sinalubong siya nito sa pinto ng kwarto ng lola niyang nakalagak pa rin sa hospital. Mga hikbi ang tanging naipakita niya rito at mas lalo lamang na lumakas iyon nang yakapin siya ng kaniyang nanay. Matagal na niyang hinintay na mangyari iyong muli.
“M-Mommy…” Keisha mumbled again.
Wala na siyang lakas upang magsalita pa. Unti-unti na siyang nilalamon ng kahinaan.
“Tahan na anak, nandito si Mommy.”
Keisha nodded as she sobbed harder. “Si X-Xyth...”
Marahan siyang iniharap ng kaniyang ina. “Bakit? Ano’ng nangyari sa kaniya? Niloko ka na naman ba niya, ha?”
Umiling siya. “He’s missing. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pilit nilang sinasabi na wala na siya pero hindi ako naniniwala. That’s impossible, hindi pa siya patay.”
Her mother’s hands trembled as the woman covered her mouth. Gulat na gulat ang kaniyang ina na pati pagsalita’y hindi nito magawa.
“He’s not dead. Wala—
“O-Oh my... Come here.”
Keisha was pulled again for a hug. After all, her mother is still there. Akala niya’y tuluyan na itong nawala sa kaniya subalit kahit papaano’y gumaan ang kaniyang loob. Kapalit ba ito ng pagkawala ni Xyth? Pero bakit siya? Sandali pa lang ang panahon na muli na naman silang nagtagpo pero ngayon pinaghihiwalay na ulit sila.
Nakatitig lamang si Keisha sa kaniyang lola na mahimbing pa ring natutulog. Her mother and grandfather left to buy their foods. They will be sleeping at the hospital and she neither want to go home. Malulungkot lamang siya roon at mag-iisip ng kung anu-ano.
A person’s mind is very powerful to ruin your whole being.
Mahirap labanan ang utak lalo na kung kasabay nitong isinasampal sa’yo ang katotohanan. Keisha caressed her grandmother’s hair. Puti na nga ang mga buhok nito. Dati’y madalas niya iyong kulayan ng itim dahil ayaw ng lola niyang nakikita na ang mga puting buhok. Keisha often laughed that time, of course that is one of the signs that her grandmother is aging fine but the old woman won’t accept it. Kung kumilos nga ito minsa’y daig pa siya.
“Lola naman, bakit sabay pa kayo? Pwede bang gumising ka na? Kailangan ko nang kausap. Nawawala na siya pati ba naman ikaw?” Nagsimula na namang manubig ang mga mata niya. She continued caressing the top of her grandmother’s head. “Bakit ba ninyo ako iniiwan? Am I deserving to be left alone? Wala bang tao na deserving akong makasama? Am I that bad?”
Kung kailan siya bumabangon ng paunti-unti doon naman siya biglang lumubog. Ni hindi niya pa nga naaabot ng tuluyan ang kaniyang pangarap.
“Nahihirapan na akong intindihin ang lahat. Paano kung hindi na siya mahanap? Lola, ano’ng gagawin ko?” she sobbed. “Xyth is my everything. Nawala na siya sa’kin noong una tapos ngayon mangyayari na naman? Kung hindi naman pala kami para sa isa’t isa bakit pilit pa rin kaming pinagtatagpo? I shouldn’t have pursued being a pilot. Hindi ko sana siya makikita. Hindi na naman sana ako masasaktan ng ganito.”
Iyak lang nang iyak si Keisha hanggang sa tumunog ang kaniyang cell phone. Agad niya itong inabot nang makitang si Dennis ang tumatawag.
[“Keisha—
“Dennis, nakita na ba siya?”
Pinunas niya ang luha saka bahagyang lumayo sa lola niya. Dumako siya sa may bintana, nakatayo sa harap niyon habang malayang pinagmamasdan ang malawak na syudad.
[“How are you doing?”]
BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
ActionThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...