CHAPTER 50

2.4K 58 5
                                        

"Kanina mo pa 'yan tinititigan ha."



Hindi na nagulat pa si Keisha sa pagsulpot ni Dennis. Nakatutok kasi siya sa imbitasyong ibinigay noon ni Jared sa kaniya. Siya raw ang kapareha nito at may damit na rin siya. Paano niya matatanggihan 'yong tao?



"Pupunta ka?" tanong niya rito.

Malayo ang tingin ni Dennis. Naroon sila sa labas habang pinagmamasdan ang mga kasundaluhang tumatakbo sa oval.



"Kung pupunta ka."



"Sa'kin nakasalalay?"



Tumawa si Dennis. "Oo."



"Tsk. Hindi ko alam kung dapat ba akong um-attend. Wala naman akong gagawin doon at iniiwasan ko rin si Sir Jared, 'di ba? Pwedeng gumawa ka ng paraan?"



Napatingin si Dennis sa kaniya. "Ano namang paraan 'yan? Tingin ko rin naman hindi mo maiiwasan ang lalaking iyon at hindi mo ba naiisip?" Dennis smiled cunningly.



"I don't like your idea."



"Hindi ko pa nga sinasabi."



"Kahit na, alam kong hindi maganda 'yan."



"Tss. I'm just going to say that maybe this is the time for you to make him jealous. We never know, baka doon bumalik ang alaala niya."



Inipit ni Keisha ang mga labi saka umiwas ng tingin. Parang nawawalan siya ng pasensya sa lalaking kaharap niya.



"Una sa lahat, Dionisio kilala ko ang tinutukoy mo. Pangalawa, hindi ako ganoon kababaw na tao. Pangatlo, hindi nakakapagpagaling sa may amnesia ang pagpapaselos sa kaniya. Pang-apat, hindi ako manggagamit ng tao at panglima, iniiwasan ko rin siya."



Tumango naman si Dennis. "Gano'n ba?"



Inirapan lang ni Keisha ang lalaki dahil naiinis na naman siya rito.



"Oo, kaya sarilinin mo nalang 'yang plano mo."



"So, tuloy-tuloy na nga ang pag-iwas mo sa kaniya?"


Bigla ulit na nagseryoso si Keisha. Tinanaw niya ang isang bulto na lumapit sa mga sundalong nagsitigil tumakbo.



"Siguro. Lumipas na naman ang isang buwan, wala pa rin siyang naaalala."



"Paano 'yan? Balita ko palagi kang hanap-hanap ni Captain. Hindi kaya bumalik na ang memorya niya?"



Tutok ang atensyon nila sa malayo. Kahit na tirik ang araw hindi na nila iyon ininda sapagkat sanay na sila sa ganoong sitwasyon.



"Sigurado akong hindi pa."



Nagkibit-balikat lamang si Dennis.



"Nakita ko nga pala kanina si Ms. Chavez. Dinala yata siya sa disciplinary office. Ano kaya'ng ginawa niya?"



Umusbong ang galit sa damdamin ni Keisha ngunit hindi niya iyon pinahalata sa kaibigan.



"She's the person who took Xyth away from us."



Dennis looked at her shocked. "Fuck. Are you serious?"



"Yeah. I haven't confirmed it yet but I'm sure."



"It's your instinct again?"



Keisha nodded. "This is not just what I assume because it's true. Can you think of it? Umuwi siya ritong kasama si Xyth at hanggang ngayon wala pa rin itong alaala. Remember her suspension? Hindi ba bigla nalang siyang nawala rito at pagkatapos din ng dalawang taon bumalik siya? I don't even want to think about it pero baka siya pa nga ang nagplano ng lahat."



Awtomatikong tinakpan ni Dennis ang bibig niya kaya tiningnan niya ito ng masama.



"Stop saying random things especially if you don't have an evidence yet. Pwede kang mapahamak sa ginagawa mo."



"Because it's true!" Tumaas ang boses ni Keisha kaya naman may mga napalingon sa kanila.

"Tsk. Babaan mo ang boses mo, Berrenzana," Dennis warned.



"Huwag lang siyang magpapakita sa'kin dahil kakalimutan kong nasa kampo kami."



"Hayan ka na naman. Bakit ba gustong-gusto mong pinapahamak ang sarili mo? Paano kung mawalan ka ng trabaho dahil sa mga pinaggagawa mo? Are you even thinking?"



"I am."



Dennis wet his lips and looked away. He took a deep breathe calming himself.



"Stop acting like this, Keisha. Hayaan mong ang mga nararapat na tao ang magbigay ng kaparasuhan sa kaniya kung sakali man ngang totoo ang mga pinagdududahan mo."



Keisha diverted her eyes to another direction and she saw the man promenading to their place. Her heart thumped fast again.



"Umalis na tayo."

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon