CHAPTER 40

1.9K 37 1
                                        

“What about, Ms. Berrenzana? What are we going to say about it?”
 
 

 
Tandang-tanda pa ni Keisha ang mga huling salita na iyon bago siya tuluyang lumabas ng command center. Hindi na niya nakayanan pa kahapong tuklasin ang mga pangyayari. Malinaw na hindi maganda ang nangyari kay Xyth at anumang masamang balita ang nabuo, hindi niya iyon kakayaning pakinggan.
 
 
 
 
 
Nagising siyang namumugto ang mga mata. Dumiretso siya sa banyo, naligo saka nagbihis. Pati pagkilos ay nawawalan siya ng gana. Nang paggising niya kanina rinig niya ang pagsialisan ng mga eroplano at batid niya kung para saan iyon.
 
 
 
 
Until now, Xyth is not found. And there's no way she would believe that Captain is dead, unless a body is shown. Her tears fell again and she saw how it ran down on her face while looking at herself in front of the mirror. Her puffy eyes were visible.
 
 
 
 
 
Walang ingay ang loob ng kanilang kwarto nang lumabas siya sa banyo. Pinusod lang ulit niya ang kaniyang buhok at nang matapos agad niyang tinahak ang daan palabas subalit natigilan din siya nang magsalita si Lisel.
 
 
 
 
“Saan ka pupunta?”
 
 
 
 
 
“Kailangan kong makausap si General o kung hindi man, kahit sino basta makapagbibigay sa'kin ng impormasyon.”
 

 
 
 
“Sigurado ka?”
 
 
 

 
Tumango lang si Keisha saka tumuloy sa pag-alis.
 
 
 

 
“We need to follow Berrenzana, hindi natin siya pwedeng pabayaan,” wika ni Hydie nang maiwan sila sa loob. Sumang-ayon naman sa kaniya ang mga kaibigan.
 
 

 
Keisha wandered around the field and command center but she found no one. Nasaan ang mga iyon? Bakit kung kailan namang kailangan niyang makausap ang mga ito'y saka naman nawawala? During her search, she saw nothing but Ayana eating silently and alone in the cafeteria. Tulala rin ito at para bang pinaglalaruan nalang ang pagkain. Hindi siya nag-atubiling lapitan ito.
                                                            
 

 
“Ms. Chavez.” Saglit na umangat ang tingin nito sa kaniya. “Where's your father? The General?" tanong pa ni Keisha. Hindi ito sumagot sa kaniya kaya naman nainis siya. “Tinatanong kita.”
 
 
 
 
 
“Leave me alone,” mahinahon nitong turan sa kanya.
 
 
 
 
 
“Xyth is missing and I need to ask him about it.”
 
 
 
 
 
“Missing? Are you crazy? He's dead!”
 
 
 
 
Nag-uumapaw ang galit sa dibdib ni Keisha. Wala itong pinanghahawakan at mas lalong hindi totoo ang sinasabi sa kaniya ng babae.
 
 
 
 
“Shut up,” mariing sabi niya.
 
 
 
 
 
“Xyth is dead! Have you ever seen someone lived after a plance crash?! Wala ‘di ba?!”
 
 
 
 
 
Keisha slapped Ayana. Marinig palang niya ang salitang patay hindi na kinakaya ng damdamin niya. Naiwang nakabuka ang bibig ni Ayana matapos siya masampal nang hindi inaasahan.
 
 
 
 
 
“What the fuck did you do?!”
 
 
 
 
“Waking you up? Hindi siya patay. Say that word again—”
 
 
 
 
Taas-baba ang dibdib ni Ayana at kuyom din ang mga kamay niya na para bang gustong gumanti sa pagkakasampal sa kanya.
 
 

 
“Or else what? Hindi mo ba alam na nahanap na ang eroplano niya at siya hindi pa?! What do you want me to believe?! That he's alive while his aircraft is heavily crashed?! You're stupid!”
 
 

 
 
Nagsiunahan magbaba ang mga luha ni Keisha pero mabilis niya iyong pinunas.
 
 
 
 
 
“No, he's not dead.”
 
 
 
 
 
Lumuluha na rin si Ayana. “Alam mo ba ang sinabi niya bago siya maputol, h-ha?” Hindi nakasagot si Keisha. Nanginginig ang mga labi niya. “You're one hell of a lucky bitch.” Ayana pushed her and went off.
 
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon