"Where's my son?"
Nagmamadali si Eliza na pumasok sa headquarters matapos maipaabot ang balita sa kanila na bumalik na ang nawawala nilang anak. Abala siya sa trabaho ngunit nang makatanggap siya ng tawag kagabi agad na nilinis niya ang schedule. Pansamantala nagpapalit din muna siya sa ibang doktor sa hospital na pinagtatrabahuhan niya.
"This is his private room, Mrs. Xodriga. Some doctors checked him up already." The Brigadier guided them inside.
"Kumusta ang anak ko, Sir? Does he suffer from too much headache?" the woman asked.
Diretsong nabaling ang atensyon ng ginang sa anak niyang kinakausap ng isang doktor. Binigyan niya ito ng pribadong oras para matapos ang pinag-uusapan kahit pa sabik na sabik na siyang yakapin ito.
Habang pinagmamasdan ang anak, hindi niya maiwasang mapaluha. Pinunas niya ang mga butil na ito at sakto namang napalingon sa kaniya ang binata. Nakaramdam agad siya ng pangamba."Lapitan mo na siya," sabi ng asawa niyang nasa tabi lamang niya.
"Natatakot ako."
Her husband held her hand. "It'll gonna be okay. Anak natin siya. He came back. Mamaya ko na siya kakausapin, pupuntahan ko lang si Jason," turan nito na tinutukoy ang matandang Heneral.
Tumango naman ang ginang. Naglakad siya patungo sa kama ng binate. Nakasalubong niya ang lalaking doktor na tumingin dito.
"Thank you. How's my son doing?"
"Finally, nice meeting you, Dra. Xodriga. Based from the test we ran, your son might have a fast recovery. He's having these visions already but they are still all blurry for him but you don't have to worry so much. He's doing his best and your son is cooperating well," nakangiting paliwanag ng doktor."Thank you so much, doc."
The doctor patted her shoulder. "You are welcome, doktora. Mauuna na po muna ako sa inyo, kailangan din ako sa hospital."
Muling nagpasalamat si Eliza dito. Nakaalis na ang lalaking doktor kaya binalik niya ang atensyon sa kaniyang anak na tila malalim ang iniisip.
"Son..."
Xyth averted to her mother's direction. Matagal bago siya nagsalita sapagkat pinipilit niyang alalahanin ang mukha nito. Napansin niyang nakabihis ito ng malaking puti na roba kaya marahil katulad din ito sa mga bumisita sa kaniya.
"I was checked already."Ngumiti ang ginang nang hindi umaabot sa kaniyang mga mata at tainga.
"I know. I'm here to see if my son is doing good." Mas lumapit pa siya kay Xyth. "Look how you are right now. You have a scar. You look cold. You forgot us."
Umiwas ng tingin ang lalaki. "I'm sorry."
"No, you don't have to be sorry. Wala kang kasalanan. Nagpapasalamat ako dahil bumalik ka ulit sa amin. Many speculated that you're dead pero hindi namin iyon pinaniwalaan. You know the reason why?" Xyth remained quiet on her question. "Mother instinct. Malakas ang pakiramdam kong buhay ka pa and they're right, a mother never went wrong. How are you feeling?"
"I'm fine."
"Don't get me wrong, Xyth but how did you went home?"
Isa iyong katanungan sa isip ng ginang. Bagamat nagtataka man, lubos pa rin niyang ipinagpapasalamat at ikinasisiya ang pagbabalik ng kaniyang anak. Akala nila'y hindi na ito babalik dahil dalawang taon na rin ang lumilipas.
"It's okay if you'll not answer. Pwede ba kitang hawakan?" Nakita niya ang paghinga nito ng malalim. "Hindi bale na-
"Go on."The woman wiped her tears again. She slowly lifted her hand and held his son's face.
"The key to bring your memories back is nothing but our love. Mahal na mahal ka namin, anak kaya magpagaling ka na. I'm not pressuring you, take your time to get better dahil hindi ka namin iiwan. Kung maaari nga lang gusto kong sa bahay ka muna. Have time to rest."
"I've been doing nothing for two years. I won't leave my job if this talk would lead there."
Tumango si Eliza. "Naiintindihan ko, anak. Ang sa akin lang, magpagaling ka muna ng tuluyan. Hindi naman mawawala itong trabaho mo, e pero 'yang buhay mo isa lang. Paano kapag napahamak ka ulit? Paano na kami? Ano na'ng gagawin namin? Pati ni Keisha."
Umangat ang tingin ni Xyth sa ginang matapos banggitin nito ang panghuling sinabi.
"Keisha?"
BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
ActionThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...