CHAPTER 35

2.3K 55 9
                                        

Pabalik na si Keisha nang matulos ang mga paa niya dahil sa taong nakatayo sa harapan niya. It was Xyth who was staring intently at her.
 
 
 
 
“A-Alam mo na ang lahat.”
 
 

 
 
Umiiyak na umiling si Keisha. “Hindi ko na alam ang gagawin ko, Xyth. Pinaglaruan ninyo ang damdamin ko. Gusto ko nang kalimutan ang lahat pero nasasaktan ako.”
 

 
 
 
Lumapit si Xyth saka niyakap siya. “Patawad, Keisha. Napakasama kong tao. Hindi ko dapat ginawa ‘yon dahil masasaktan kita. Hindi ko rin talaga alam ang gagawin noon.”
 
 
 
 
 
“Gusto ko nang kalimutan ang lahat, Xyth.”
 
 
 
 
“Shh,” Xyth hushed her. “Babawi ako sa lahat-lahat, Keisha. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong binigay mo sa’kin.”
 
 
 
 
Kumalas si Keisha sa pagkakayakap ng lalaki. Tiningnan niya ito.
 
 
 
 
“Paano ako makakasiguro na hindi kana ulit magsisinungaling sa’kin? Kayo ni Dennis.”
 
 
 
 
“Trust me again, Keisha. Alam kong mahirap na pero ‘yon lang ulit ang hihingiin ko sa’yo,” Xyth paused to breathe. “Nagkausap na kami ni Dennis. Galit siya sa’kin at gano’n din ako sa kanya. He had so many chances to tell you the truth but he did not do it. Pero hindi ko rin siya masisisi.”
 
 
 
 
 
“I just want to move on.”
 
 
 
 
Xyth nodded before encircling his arms again unto her.
 
 
 
 
 
 

 
 
***
 
 
Tinatahak ngayon ni Xyth ang daan pabalik sa kaniyang kwarto. Dumidilim na ang kapaligiran sapagkat papalubog na ang araw. Ilang linggo na ang nakakalipas simula nang malaman ng lahat ang namamagitan sa kanila ni Keisha. Mas naging maayos na rin ang relasyon nila ni Keisha sa isa’t isa. He’s glad that the days went normal. Naging abala rin ang kampo nila sa kaliwa’t kanang suliranin. Ipinagkatiwala rin ni Xyth ang tungkulin sa mga trainees sa iba niyang sundalo dahil sa imbestigasyon na isinasagawa ng kanilang kampo. Kinailangan niyang mamuno sa ibang misyon.
 
 
 

At isa pa sa pinagkaabalahan ni Xyth ay ang pagpapahanap niya sa mga taong muntik nang sumira sa buhay ni Keisha. His high school rivals.
 
 
 

 
Nang makarating sa kaniyang kwarto agad na natuon ang atensyon niya sa telepono na naroon sa ibabaw ng mesa. He went to the corner and answered the ringing telephone.
 
 
 
 
 
[“Captain.”]
 
 
 
 
The voice is familiar but not enough for him to recognize it. “And you are?”
 
 
 
 
 
[“Captain Pzarova. Our Brigad General wants to extend his invitation. He wants you here.”]
 
 

 
“Yeah, I heard it’s his birthday. Narinig na namin kay Colonel pero hindi ako makakapunta.”
 
 
 
 
[“Alright.”]
 
 
 
 
Ganoon lamang natapos ang pag-uusap nila. Napailing siya, hindi man lang nito tinanong kung bakit. Well, he’s not going for some reasons. He needs to leave the camp. The investigation he’s making almost a month ago has now ended and he has to face them. Nagbihis lang siya ng itim na pantalon saka mustard na knitted sweater. He needs to look like a common person.
 
 
 
 
Nagtungo siya sa bandang uluhan ng kaniyang kama saka hinawi ang isang frame doon. He grabbed his Mk 26 pistol and hid it at his back. Sakto ng matago niya iyon ay ang pagbukas ng pinto. He was a bit shocked while looking at her but he tried to pull his emotions back.
 
 
 

Hindi nakapagsalita si Keisha matapos makita ang lalaki na bihis na bihis. He’s too dashing with his knitted sweater paired with his black pants.
 
 

 
“Aalis ka?”
 

The man walked towards her and kissed her cheek. “I just need to go out for a few hours. Doon ka lang sa quarter ninyo kung wala na kayong gagawin sa labas.”
 
 
 
 
 
Keisha raised an eyebrow. “Why are so dressed up? May date ka?”
 
 
 
 
 
Xyth smiled. “My girlfriend is here, I have no one to date outside. I have to deal with an important matter.”
 
 
 
 
Napakunot ang noo ni Xyth nang makitang parang may tinatago sa likod ang babae. Naroon ang dalawang kamay nito na gumagalaw-galaw pa at tila nagdedesisyon kung ilalabas ba iyon o hindi.
 
 
 
 
“O-Okay…”
 
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon