Pinagtitinginan ng mga sundalo ang dalawang babae na siyang naghahain ngayon ng pagkain sa kanila. Bilang utos ng General naatasan sina Keisha at Ayana na magsilbi sa mga sundalong kumakain sa cafeteria nila. Maging na ibang bagay na kailangan ng sundalo ng tulong ay pinahintulutan ito.
“Ikaw naman ang magbigay nito doon.” Tinuro ni Ayana ang mga kalalakihang naghihintay sa kanilang pagkain.
Bumaba lamang ang tingin ni Keisha sa tray pero hindi niya ito kinuha.
“May kailangan pa po akong ibigay sa nahuling lamesa dahil may pinahabol pa sila. Naniniwala akong kaya mo ‘yan, Ms. Chavez.” She smiled and left the woman who’s clearly annoyed with the scene.
Nagpatuloy lamang sila sa kanilang ginagawa. Saglit na tumigil si Keisha sa may counter saka pinunasan ang kaniyang pawis. She exhaled and rolled her eyes out of nowhere.
“Mataray ka pala?”
Napatalon siya sa gulat at nang makita kung sino ang taong nasa harap na niya ngayon. Umayos siya ng tayo saka sumaludo rito.
“S-Sorry po, Sir Enrico. Hindi ko sinasadya…
Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang tumawa ang lalaki. Nakita ba nito ang pag-irap niya?
“It’s okay. I just find it cute.”
Muli na naman siyang natahimik. He said she’s cute. Umirap siya pero para sa First Lieutenant cute iyon?
What’s wrong with this man?
“Here.”
Bumaba ang tingin niya sa panyong inilahad nito sa kanya. Bumalik din agad ang tingin niya sa lalaki.
“Kunin mo at punasanan mo ang pawis mo.”
“P-Po?”
Binibigyan siya nito ng panyo para punasan ang pawis niya?
Hindi niya namalayang kinuha na pala ng kaniyang Sir Enrico ang kamay niya at doon inilagay ang panyo. Her heart was beating fast even after the man left. She looked down on the handkerchief on her hand.
What is that gesture? May gusto ba sa kaniya ang lalaking iyon? Keisha is not new to this scene. She clearly knows these moves.
Is he hitting on me?
She secretly smiled and was about to keep the towel. Ipapasok niya palang dapat iyon sa kaniyang bulsa ngunit bago pa man iyon makarating, may kamay ng pumigil dito. Inangat ulit nito ang kamay niya saka tiningnan ang panyo na hawak niya.
Namilog ang mga mata ni Keisha sa ginawa ni Xyth. From the corner of her eyes, she can see some people looking at them. Wala na ring nagtangka na lumapit sa kaniya sa may counter upang utusan siya na maghatid ng pagkain. Marahil na rin dulot sa naging presensya ng kanilang Captain.
Kinuha ni Xyth ang panyong hawak ni Keisha saka tinago sa bulsa niya.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Keisha.
“Kumain ka na?” bagkus tanong nito sa kaniya.
Sumama ang tingin ni Keisha sa lalaki. “Akin na ‘yung panyo.”
Imbes na magsalita pa, sumenyas ang lalaki at hindi nagtagal may lumapit pa sa kanilang isang lalaki na may suot na apron. He’s a cook.
“Give us two trays of food. Ipahatid niyo sa quarter ko. Salamat.”
Walang ano-ano’y hinila nito ang kamay niya at alam niya kung gaano sila ngayon nakakakuha ng atensyon mula sa mga sundalo. Hindi rin magawang lumingon ni Keisha sa kaniyang mga kaibigan lalo na kay Dennis.
Hanggang sa makalabas sila wala siyang naging imik.
“Ba’t hindi ka nagsasalita?” tanong sa kaniya ni Xyth nang makapasok sila sa elevator.
Nang sumara ito, marahas niyang binawi ang kaniyang kamay dahilan upang magkatinginan ulit sila.
“Ano ba’ng ginagawa mo?” But Xyth did not answer. “We already talked about this and I obviously told you, I need time to think. I need time to process everything. Hindi gano’n kadali ang gusto mong mangyari.”
“I’m giving you time—
“But that’s not enough! Ayaw ko nang ganito! Stop controlling me.”
“I am not controlling you! Gagawin ko. Maghihintay ako hanggang kailan mo na gusto. Alam kong hindi madali na sumang-ayon ka sa gusto ko at handa akong maghintay kahit gaano katagal. I just want you back and I’m giving you now the time and space because when you give me the answer, I will not hold back anymore. Gagawin ko lahat ng gusto kong gawin, and you can’t stop me for that.”
The elevator opened and the guy walked out.
“Xyth!”
Sasara na sana itong muli pero mabilis siyang lumabas saka hinabol ang lalaki. Hindi ito lumingon nang tawagin niya. Mabuti na lamang silang dalawa lang ang nasa lobby ngayon.
Dire-diretsong binuksan ni Xyth ang pinto ng kanyang silid saka pumasok doon. Iniwan niya lamang ito na nakabukas dahil alam niyang sumusunod sa kaniya si Keisha. At hindi nga siya nagkamali.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Hindi ba gusto mo ng panahon—
“Darating dito mamaya ang pagkain na pinadala mo. Makikikain lang ako dahil hindi pa ako kumakain, pwede ba ‘yon?” mabilis ang tibok ng puso ni Keisha. Inaabangan niya ang sagot ni Xyth na malamig ang mga tingin sa kanya.
Tinalikuran lamang siya nito saka nagdire-diretso na sa banyo. Pumasok lang siya saka umupo sa sofa. Ilang sandali lang, may kumatok sa pinto at nang buksan niya ito nagliwanag ang kaniyang mukha.
Pagkain.
“Thank you.” She smiled and thanked the man who was out of words upon seeing her.
Sinara na lamang niya muli ang pinto nang makaalis ang lalaki at saktong pagharap niya ang pagbungad naman ni Xyth.
“Uhm… nandito na ang pagkain.”
Nagtuloy siya sa sofa saka inilapag ang mga ito sa mesa. Akala niya’y sa sahig uupo ang lalaki ngunit tumabi ito sa kaniya sa upuan.
Tahimik lamang silang dalawa at pasulyap-sulyap siya rito. Hanggang sa matanaw niya ang isang itim na remote.
“Pwede manood habang kumakain?”
“Ayaw ko nang maingay,” diretsong sagot nito sa kaniya.
Napanguso siya sa kasungitan nito.
“How ‘bout music?” She waved her phone in front of him.
Umangat ang tingin nito sa kaniya ngunit agad ding bumalik sa pagkain. Keisha just continued eating and never talked again until they finished eating.
“I’ll bring the trays back.” She stood up and was about to get them.
“May kukuha niyan. Bitawan mo.” Tumayo ang lalaki saka tumuloy-tuloy sa kusina. Pagbalik nito may dala na itong dalawang baso ng tubig.
Hindi niya sana kukunin ang inabot nito pero nagsimula naman siyang suminok.
Xyth was biting his lip to control himself from smiling. While Keisha stared at the man.
Bakit ang gwapo?
“Drink this water. Just close the door after you leave.” Xyth went back to his kitchen.
Parang zombie si Keisha na naglalakad sa hallway. Magulo ang isipan niya ngayon at gusto niyang tuldukan ang mga bumabagyo sa kaniyang kalooban. May desisyon nang lumalabas sa kaniyang isip subalit hindi pa rin siya sigurado sa gagawin.
Nang makabalik siya sa canteen, nakita niyang abala pa rin ang ilang mga naroon at medyo marami pa ang kumakain. Bumalik siya sa kaniyang ginagawa. Hindi na rin niya napansin pa Si Ayana. Mukhang umalis na ito at naisip niyang mas makakabuti iyon sa kanilang dalawa.
“Pwede na po ba akong umalis?” paalam niya sa isang namamahala roon.
Tumingin ang lalaki sa relo nito saka tumango-tango. “Pwede ka nang umalis at tumuloy sa clinic.”
Napaayos siya ng tayo. “What?! Bakit?”
Ngumiti ang lalaki. “Naroon po ang susunod ninyong gagawin.”
Lihim na napamura si Keisha saka inis na hinubad ang kaniyang apron. Hindi na rin siya nag-aksaya pa ng oras. Tinungo niya ang malaking clinic ng kanilang headquarters na siya na ring nagsisilbing hospital para sa mga sundalo.
Pagbukas niya ng pinto agad niyang nakasalubong si Ayana na may alalay na dalawang nurse sa kaniyang likod.
“Oh, it’s you. Akala ko hindi ka na darating, Ms. Berrenzana. Bigyan ninyo siya ng gagawin.” Pinilig nito ang ulo sa kanang bahagi.
Nilagpasan siya ni Ayana at napataas ang kilay niya nang makitang lumabas na ito sa pinto. Hinarap niya ang dalawang nurse na naiwan sa harap niya.
“Saan iyon pupunta?”
“Hindi po namin alam. Sumunod po kayo sa’min para maibigay na namin ang task mo.”
Wala siyang nagawa kun’di sundan ang dalawa. Mas nadagdagan ang kanyang inis sapagkat alam niyang tinatakasan lang ng babae ang gawain nito.
“Peste.”
“Po?”
Bumalik ang tingin niya sa isang nurse saka pilit na ngumiti.
“Wala, sabi ko ready na po ako.”
Lumipas ang buong araw pagod na pagod si Keisha. Naroon siya sa may counter ngayon upang magpaalam sa nakabantay doon na nurse. Gusto na niyang umalis dahil mag-isa lang naman siyang gumawa ng parusa. Bagay na ikinakagalit niya sa mga oras na ito.
“Pero sabi mo ni Ms. Chavez na hintayin mo raw siya rito bago ka umalis.”
Tumaas ang isang kilay niya. Maghihintay pa siya sa babeng iyon gayong ngayon nga’y pinipilit niyang itago ang inis dito. Ayaw niyang pagbuntungan ang ibang nagtatrabaho roon na kasama niya kaya nanatili siyang tahimik sa buong gawain.
“Pakisabi sa kanya na hindi na ako makakapaghintay.”
Tinalikuran na niya ang mga ito subalit sa kanyang pagharap ang siya namang pagsulpot ng babae at nakangiti pa ito sa kanya.
“Hi, Ms. Berrenzana. How’s your day?”
“Productive,” she sarticaslly answered.
Mahinang tumawa ang babae. “I see, sorry hindi kita natulungan. I was with Captain Xodriga and we had some talks and may pinuntahan din kami. By the way, you can go now that I’m here. Thank you for doing your job.” Ayana smiled again.
Alam ni Keisha na hindi tunay ang mga ngiting iyon. Too bad, she can’t even smile right now. Matalim ang mga tinging ipinupukol niya sa babae. Walang imik na sinaluduhan niya ito saka nilagpasan. Mabuti na lamang hindi niya pa nakakalimutang mas mataas ang ranggo nito sa kaniya.
She was with him.
Marahas niyang binuksan ang quarter nila at kitang-kita niya ang pagkagulat ng mga kasamahan niya. Hindi niya na lamang pinansin ang mga ito. Wala ring nagtangka maliban kay Hydie.
“Saan—
Sinarado niya ang pinto ng banyo kaya hindi niya na narinig pa ang sumunod sa sinasabi ni Hydie. Malinaw niyang nakikita sa salamin ngayon ang mukha niyang halos hindi na maipinta. Kumuyom ang mga kamay niyang nakapatong sa lababo. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang sarili pero hindi siya nagtagumpay.
“Ahhhhhhh!” sumigaw siya nang sumigaw upang ilabas ang galit na kanina pa niya pinipigilan. “Ang kapal ng mukha ninyo!” she screamed again alerting her friends in their beds.
Sunud-sunod na katok ang narinig niya galing sa mga kaibigan niya ngunit hindi siya nag-abalang pagbuksan ang mga ito.
“I hate you! I hate you! Tangina mo, gago!!” paulit-ulit niyang pinalo ang sink kaya namula ang mga palad niya.
“Keisha! Ano ba’ng nangyayari?!”
“Buksan mo ang pinto!”
“Hoy! Huwag ka riyan magpakamatay!”
She ignored them again. Out of tiredness and frustration, Keisha slowly sat on the tiles. She covered her face and cried. Keisha released her anger by crying and screaming. That was her way of escaping madness ever since.
Gradually, she became better. She’s breathing normally and her mind is slowly healing as well as her emotion. Hindi siya maaapektuhan sa sinabi ni Ayana. Sinabi ni Xyth sa kanya na bibigyan siya ng oras pero ito naman pala ang may kalokohang ginagawa.
She clenched her fist.
“I’m not going to forget this day.”
BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
ActionThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...
