CHAPTER 12

2.6K 78 4
                                        

Parang hinahabol ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Hindi ko alam kung bakit iyon lang naman ang sinabi niya pero parang tanga na ako rito.
 
 
I can’t meet his eyes.
 
 
 
A knock from his door woke us up. Pareho kaming napalingon sa nakasarado pa rin niyang pinto. Naramdaman ko ang pagbaba ko sa upuan nang tumayo siya upang pagbuksan iyon. Sinilip muna niya ang monitor na malapit sa kanyang pinto saka siya napalingon sa’kin. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
 
 
 
“Pumunta ka muna sa kusina.”
 
 
 
Tumaas ang kilay ko. Ano naman ang gagawin ko roon?
 
 
 
“Just behind the wall. Go now. I just need to talk to her.”
 
 
 
Napalingon ako sa malaking divider na nasa likod ng telebisyon. Kahit ayaw ko’y pumunta ako roon saka lumiko. Bumungad agad sa akin ang simpleng kusina niya. Dito na ba siya tumitira? Pero hindi ba dapat quarter din ang kanya na may mga kasama pang iba? Maybe he got a special treatment here since he already has his rank.
 
 
 
Naupo ako sa isa sa mga upuan na naroon at naalala kong babae pala ang kumakatok sa pinto niya kanina. Meron na kayang pumasok na babae rito bukod sa’kin? However, wala naman akong pakialam. Hindi na dapat ako nangingialam pa.
 
 
 
“Ano’ng ginawa mo sa compressor? May pasa ka?”
 
 
 
Nabuhay ang loob ko nang marinig ang tanong na iyon mula sa isang pamilyar na boses. Tumayo ako nang walang ingay saka maingat na pumunta sa isang sulok na bahagi kung saan maaari kong silipin kung sino ang taong iyon.
 
 
 
Curiosity filled me when I saw Ms. Chavez. What is she doing here? Are they close? But my curiousity faded the time he answered.
 
 
 
“It’s nothing. Why are you here anyway?”
 
 
 
Something inside me was unhappy. Maybe this is the reason why he told me to hide. Something is going on between the two of them and I don’t wanna know it anymore. I decided to be back at my seat but then again, Ms. Chavez, talked.
 
 
 
“Aayain sana kitang mag-dinner. Can you accompany me? Alam mo naman ‘di ba? Hindi ako masyadong malapit sa mga tao rito dahil kay Dad. Ikaw lang talaga ang nalalapitan ko rito. Pwede mo ba akong samahan?”
 
 
 
I went again to my position a while ago and watched them secretly. I covertly rolled my eyes after seeing her making some cute faces. My eyes then shifted to him and he’s just looking at her. His other hand is on his waist and when he looked away, he accidentally gawked at my direction. I hid myself.
 
 
 
“Hindi kita masasamahan ngayon. Tapos na akong kumain at maaga pa ako bukas.”
 
 
 
Hindi umimik si Ms. Chavez. Sumilip ulit ako sa direksyon nila.
 
 
 
“Fine,” saka padabog itong umupo sa sofa.
 
 
 
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong sa kanya ni Captain.
 
 
 
“Umuupo, in fact nakaupo na nga ako. Tatambay lang ako saglit kasi masyadong maingay sa labas.” Inihilig niya ang kanyang ulo sa sofa. Samantala, nakatayo pa rin si Captain.
 
 
 
Aalis na sana ako para bumalik ulit sa silya ko ngunit hindi na naman ako natuloy nang marinig magsalita si Ms. Chavez.
 
 
 
“By the way, have you heard this trainee? She’s in your team and lately, she’s been the topic of our juniors.”
 
 
 
Kumunot ang noo ni Captain. “Who exactly are you referring to?”
 
 
 
She shrugged her shoulders. “She just excelled the recent training about ground defences. I heard she’s good and I think her name is Berrenzana. Do you know her?”
 
 
 
I don’t know but I stiffened from her question and I am feeling nervous too. My heart is beating fast as I waited for him to answer.
 
 
 
“Can we just talk the other day, Maurice? I really need to rest now.”
 
 
 
I am not hurt but I wasn’t also happy with his answer. He’s clearly trying to avoid it.
 
 
Bakit hindi nalang niya i-deny para hindi na siya mahirapang umiwas?
 
 
 
“Okay, aalis na ako para makapagpahinga kana pero bukas sasamahan mo ako? Okay?”
 
 
 
“Yeah, fine.”
 
 
 
Nilakad niya ito hanggang sa pinto at nang marinig ko naman ang pagsara niyon, bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. My mood is lost. Nakatitig lang ako sa mesa nang maramdaman ko siyang dumating.
 
 
 
Inangat ko ang aking ulo saka sinikap na ngitian siya. “Mukhang kailangan ko na ring mauna. Salamat dito.” Pinakita ko sa kanya ang aking braso.
 
 
 
Akala ko matagumpay akong makakalagpas sa kanya pero nagkamali ako.
 
 
 
“Why the sudden change of face?”
 
 
 
Tumaas ang kilay ko dahil doon. Mahinahon ko ring tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ng kamay ko.
 
 
 
“Ganito na talaga ako kanina pa, hindi mo lang nahalata.”
 
 
 
He sighed. “Okay, kumain nalang muna tayo bago ka umalis.”
 
 
 
“Sabi mo kumain kana? Kaya nga hindi mo sinamahan si Ms. Chavez ‘di ba?”
 
 
 
He bit his lip. “Nagsinungaling ako.”
 
 
 
Mahina akong tumawa. “Nagsinungaling? Tulad ng hindi mo pagsabi na kilala mo ako? Parang kanina lang sinabi mong ex mo ako tapos nang makaharap mo na siya, hindi mo na ako biglang naalala?”
 
 
 
I saw how his thick eyebrows furrowed. “Wala akong sinabing hindi kita kilala. Hindi ko siya sinagot.”
 
 
 
Hinarap ko naman siya nang maayos. “That’s the same, denying and saying nothing about me is the same. And why do I have to hide here if you can talk to her while I am there or you can also throw me away in front of Maurice?” I said the name he mentioned a while ago. So he’s calling Ms. Chavez with her second name? She might be special to him and the way she asked him with dinner, it’s not something ordinary people would do.
 
 
 
He licked his lips again, taking deeper breathes like he’s trying to calm himself.
 
 
 
“I did—
 
 
 
I lifted my hand and stopped him. “Nah, I don’t need your explanation. What I saw and heard is enough,” I said before passing by him.
 
 
 
Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako sa kwarto niya. Habang nasa elevator, napahawak ako sa aking dibdib. Ramdam na ramdam ko pa ang bilis ng tibok ng puso ko na parang galing ako sa isang karera.
 
 
 
Why the heck am I like this?
 
 
 
***
 
Linggo na, ibig sabihin pahinga namin kaya naman mas hinabaan ko pa ang oras na nakahiga ako sa kama gayon din ang mga kasamahan ko na masakit pa ang katawan. Inabot ko naman ang aking cell phone saka nag-sent ng messages kina Mommy at lola. Kahit naman na galit si Mommy sa akin hindi ko pa rin siya pwedeng hayaan na mag-alala sa’kin kaya kailangan, sa tuwing may oras ako, dapat nitext ko siya na okay lang ako.
 
 
 
The next person I wanted to talk is my friend. I called her, alas otso na rin naman ng umaga kaya sigurado akong gising na ‘yon.
 
 
 
After numerous rings, she finally answered the call.
 
 
[“Hmm? Who the heck is calling me early in this morning?”] Base from her voice I think I just woke her up.
 
 
 
“Imulat mo ‘yang mga mata mo para makita mo kung anong oras na. Nag-effort pa naman akong tawagan ka tapos—
 
 
 
[“Kesh?!!”]
 
 
 
Nailayo ko ang cell phone ko sa aking tainga nang sumigaw siya.
 
 
 
“Huwag kang sumigaw, hindi ako bingi at ako nga. You didn’t savemy number, right?” Nakarinig ako nang pag-agos ng tubig na wari ko’y galing sa gripo. Nasa banyo na siguro siya.
 
 
 
[“Gaga. Kakagising ko lang kasi at hindi ko na rin tiningnan kung sino’ng tumatawag. Teka, tootbrush lang ako pero ‘wag mo ng ibaba, magsalita ka lang diyan.”]
 
 
 
“Wala kami ngayong training. Gusto ko sanang lumabas kaso baka hindi pwede kaya ikaw nalang ang pumunta rito. Dalhan mo ako ng mga pagkain, pizza, donuts, tsaka malalaking junkfoods. Huwag kang pupunta dito ng walang dala sa mga sinasabi ko. I badly need to eat them.” Sa mahaba kong sinabi hindi pa rin siya umimik. “At marami rin akong sasabihin sa’yo. There are so much unexpected things that happened since after my graduation and ngayon pa lang, gusto ko nang sabihin na sorry.”
 
 
 
I heard a water running again.
 
 
 
[“You’re saying sorry, so I assumed this is a serious thing at ngayon mo palang sinasabi sa’kin. I want to hate you for this dahil naglilihim ka sa’kin pero gusto ko ring malaman kaya pupunta talaga ako riyan. So, ano nga ulit ang mga dadalhin ko?”]
 
 
 
Bumangon ako saka naupo sa aking kama. Napatingin ako sa mga kasama kong magugulong nakahiga sa kama. I sighed. “I want three boxes of pizza, donuts, and bunch of chips.”
 
 
 
Sa sulok ng aking mata, nakita ko ang paglingon ng aking mga kasamahan na para bang may nabuhay na kung ano sa kanila.
 
 
 
[“’Yun lang?”]
 
 
 
“Bakit? May gusto kang idagdag?”
 
 
 
[“Hmm. I can bring fruits I’m sure may fridge naman kayo riyan.”]
 
 
 
“Sadly, wala. Wala kami sa bakasyon kaya wala rito sa quarter namin ng ganyan. At isa pa, alam mo namang hindi ako gaanong mahilig sa mga prutas kaya huwag na. Iyon nalang siguro.”
 
 
 
[“Okay, sabi mo, e. Sige na, mamaya na ulit ako tatawag kapag papunta na ako riyan. Annyeong!”]
 
 
 
Pinutol niya ang pag-uusap namin. Nag-Koreana na naman siya. She’s a traveller and a fan too. She had been in Korea for so many times, attending concerts and fan meetings. I sometimes envy her for her freedom. Ako kasi, limited nalang kasi nga dahil dito sa career na tinatahak ko pero hindi naman ako nagsisisi dahil masaya ako sa ginagawa ko.
 
 
 
Tumayo ako saka tumungo sa banyo para maligo saka mag-ayos na. Nang matapos, nagbihis na ako suot ang Type B uniform naming which is the pants and fitted T-shirt na naka-tack in. Sinuot ko na rin ang black boots ko. Pagkalabas ko ng banyo, agad nila akong tinapunan ng mga tanong.
 
 
 
“Lalabas ka?” tanong sa’kin ni Lisel.
 
 
 
“Hindi, hindi naman yata pwede, e. Pupunta kasi ang kaibigan ko rito kaya kailangan ko na siyang hintayin doon sa tanggapan dahil hanggang doon lang naman siya makakapasok.”
 
 
Tumango-tango sila.
 
 
 
“Share your foods later, ah? Hindi na kami bababa kasi nawawalan talaga kami ng lakas. Ang tindi naman kasi ni Captain magbigay ng punishment e, pamatay.” Rachel
 
 
 
“Oo naman, hindi ko naman kakayaning kainin ‘yon lahat ng mag-isa. At kung hindi ko man kayang dalhin mamaya, tatawagan kita Hydie.”
 
 
 
Agad siyang ngumiti. “I’m one call away.” Ginawa niya pang parang telepono ang kamay niya.
 
 
 
“Okay, I’m going out now. Just rest here, I got your backs.” I winked and closed the door.
 
 
 
Bumaba ako sa pinakaunang palapag at habang naglalakad papunta sa tanggapan, nakasalubong ko ang aming First Lieutenant. Sumaludo agad ako sa kanya at ganoon din ang kanyang ginawa.
 
 
 
“Saan ka pupunta, Ms. Berrenzana?”
 
 
 
Maybe I will take this chance. “Ahmm. Pwede po ba akong magtanong?”
 
 
 
He smiled. Darn. Bakit ang cute niya?! “Sure.”
 
 
 
“Pwede bang may bumisita sa’kin dito, ngayon?” Inabangan ko talaga ang sagot niya.
 
 
 
Mahina siyang natawa marahil sa hitsura ko.
 
 
 
“Halika, sasamahan na kita roon.”
 
 
 
“Po? Baka nakakaabala ako, Sir. Tsaka alam ko na rin po kung saan ang tanggapan. Nagdadalawang =-isip lang ako na papuntahin ang kaibigan ko kasi baka hindi pwede sa aming mga trainess palang.”
 
 
 
Umiling siya. “Pwede kayong tumanggap ng bisita, dalawang beses sa isang buwan lang. Pero kapag regular na kayo rito, isang beses sa isang buwan nalang.”
 
 
 
Oh. Gano’n pala ‘yon?
 
 
 
Wala na akong nagawa pa nang samahan na naman niya ako. Pinapasok naman agad kami ng dalawang bantay.
 
 
 
Ngayon, nasa isang malawak na silid na kami na napupuno ng mga mesa at upuan. Marami-rami rin ang mga bumibisita ngayon. Naghahanap na ako ng mauupan nang mapansin ko ang pagtingin ng ilang mga nagbabantay doon na sundalo.
 
 
 
Naiilang akong humarap ulit sa kanya. “Maraming salamat po ulit, Lieutenant.”
 
 
 
“No, call me Sir Enrico. That would be finer. Take your time talking to your friend. I’ll be heading first. See you around, Ms. Keisha.” Then he left again.
 
 
 
Here he goes with Ms. Keisha again.
 
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon