Two years after...
“Ang sama na naman ng panahon. Paano tayo niyan lilipad bukas papuntang Catanduanes?”
Kanina pa nag-uusap sina Hydie at Rachel. Isa sila sa mga naatasan upang asikusuhin at ilagay sa mga karton ang relief goods na ipapamahagi sa mga nasalanta ng bagyo.
“Sasakay ng eroplano?” pilosopong sagot ni Hydie kay Rachel.
“Ewan ko sa'yo. Wala ka talagang kwentang kausap.”
Hindi na sila muling nag-imikan hanggang sa marinig nila ang maarteng tinig ni Vanessa na siyang paparating.
“Ano ba 'yan! Ang bigat-bigat naman nito.”
“Huwag ka nang magparinig dahil hindi kita tutulungan.”
Sumunod sa likod nito'y si Dennis. May bitbit itong checklist upang inspeksyunin ang mga dadalhin sa nasambit na lugar.
“Alam ko namang wala kang puso kaya manahimik ka riyan,” masungit na sagot ni Vanessa nang mailapag na niya ang dalawang karton. Selyado na iyon at may laman na kaya naman nabigatan talaga siya.
“Tsk. Kunin mo pa 'yong iba sa labas.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Vanessa. “Ano?! Bakit ako palagi? May galit ka ba sa'kin? Nandiyan naman si Hydie oh tsaka si Rachel.”
Tumigil si Dennis sa kaniyang ginagawa saka nilingon ang babae.
“Hindi mo ako susundin?”
Bahagya namang nahintulutan ng takot si Vanessa. Inis niya itong inirapan bago umalis. Bumalik naman si Dennis sa kaniyang ginagawa.
“Bakit ang harsh mo kay Zacarias?” tanong ni Rachel kay Dennis na puno ng pagtataka.
“Hindi ako harsh,” Dennis answered.
“So, ano ang tawag do'n? Gentle?”
“Huwag mo akong istorbohin.”
Nang bigla namang magsalita si Hydie. “Hayaan mo na 'yan. May nililihim lang silang pagtingin sa isa't isa. Tss.”
Dennis stopped writing and raised an eyebrow. “Manahimik ka, Cabahit.”
“Sus. Pakipot mo pa, sige ka maunahan ka ng iba diyan. Balita ko pa naman may nagkakagusto sa kaniyang Field officer.”
“Wala akong pakialam.”
“Argh! Ayoko na! Magre-retire na ako!” Pagod na ibinaba ni Vanessa ang dalawa pang karton na binuhat niya.
“Hoy, Zacarias! Kamusta na nga ulit 'yong mangliligaw mo rito?”
Vanessa wiped her sweat. Sa kabila ng pagod nagawa pa rin nitong ngumiti nang mabanggit iyon ni Hydie.
“May date kami mamaya.”
“Hoy! Labas na.”
Tinulak-tulak ni Dennis ang babaeng si Vanessa palabas kasabay niya kaya sinamaan na naman siya nito ng tingin.
“Alam mo ikaw namumuro ka na sa'kin. Ang sama ng ugali mo.”
Nilagpasan si Dennis ng babae.
“Zacarias!” Hindi lumingon si Vanessa sa pagtawag ni Dennis. “Zacarias, isa!”
“Kahit umabot 'yan ng sampo hindi ako lilingon!” Matigas na turan ni Vanessa.
***
“Pumayag ka na, come on. It's been two years hindi mo pa rin ako pinapansin.”
Lakad lang nang lakad si Keisha. Hindi niya na alam ang kaniyang patutunguhan. Sa katanuyan gusto niyang makasalubong kahit man lang si Dennis para tigilan na siya ng lalaking ito.
“Hindi po talaga, Sir.”
“Shit. Stop calling me Sir, will you?!”
Hinarang na siya nito sa paglalakad kaya pareho silang natigil.
“It would be improper for me to call you Jared. And I am not ready to date yet. I'm sorry.”
She passed by the man again who became silent.
“Why?”
Keisha halted again with the question thrown at her. Why? The answer is simple.
“I just don't want it, Sir.”
“You know I will not stop until I get you. Remember that, Keisha.”
BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
БоевикThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...