"Casa C-101."
"Wait."
Mabilis na dinalaw ng kaba ang puso ni Keisha nang marinig ang lalaki.
"S-Shit."
Nagsimulang manlamig ang mga kamay ni Keisha.
["W-What? Why?"] Namilog ang mga mata niyang napatingin sa kulay pulang umiilaw sa monitor ng cockpit niya.
"I need you to calm down, Keisha. I've paged the rescue team. They are on their way."
Napatayo si Xyth sa kanyang kinauupuan saka mabilis na pinindot ang isang button na nasa pader sa kaliwang bahagi niya. Hindi niya binitaw ang tingin sa monitor.
"Runway 8 on code red. Runway 8 on code red. This is Captain Xodriga, we have an emergency! Casa C-101 is fuming. APU exhaust is emitting unusual thick smoke. Urgent response is needed."
He pulled his headset off and run outside. The airforce is alerted and they went to the runway where their Captain mentioned.
"W-What the fuck." Keisha unbelievably whispered to herself.
Maayos na ang lahat pero hindi niya akalaing sasablay pa sa panghuli. Mabuti na lamang at nakalapag na siya. Binagalan na lamang niya ang pagpapatakbo sa eroplano upang anumang oras ay maitigil na niya ito.
Nag-aalala namang nakatingin sa malayo ang mga kasamahan niya habang si Dennis ay tumakbo na patungo sa kanya na sunud-sunod na mura ang pinapakawalan.
"Hala!" Hydie reacted as she saw Keisha's maneuvered aircraft.
"Sir, nasusunog yata ang eroplano. Nasa loob pa ang trainee na babae."
Tumayo ang Lieutenant mula sa pagkakaupo nito sa isang bangko. Kausap niya sa isang radyo ang sundalo na naroon sa command center.
Minaneho niya ang Kawasaki Teryx na gamit niya kanina. Tinungo niya ang nasabing lugar. Ang Kawasaki Teryx na iyon ay isang utility vehicle na pagmamay-ari pa nilang mga sundalo. Hindi kakayanin kung lalakarin lang niya patungo sa lugar dahil nga sa malawak ang paligid nila. Palagi nilang minamaneho ang ganitong uri ng sasakyan sa tuwing may pupuntahan silang malayo na parte ng kanilang Headquarter.
Bago pa man maitigil ni Keisha ang eroplano namataan na niya ang pamilyar na pigura sa unahan. Sa likod nito'y may mga sundalo na nag-aabang pati na rin ambulansya saka dalawang firetruck. Naiiyak siya sa takot subalit mas nilakasan niya ang kanyang loob. Labis ang takot na nararamdaman niya ngayon ngunit tila parang mas natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya mamaya. Pakiramdam niya'y binigo niya ang mga taong nasa ibaba kanina na nanonood sa kanya. Pumalya siya sa huling bahagi at batid niyang walang puwang ang pagkakamali sa lugar na ito.
Tumigil nga ang eroplano niya at bumukas ang bubong nito. Ramdam niya ang panlalamig at panginginig ng mga kamay niya habang tinatanggal niya ang seatbelt niya.
"Huwag mong tanggalin ang oxygen mask mo." Dinig niya sa device na nasa kanyang tainga.
Sinunod niya ang sinabi ng lalaki. Tumayo siya mula sa loob at may mga nagsilapit namang mga sundalo na kapwa may mask sa mukha. Subalit isang lalaki ang parang nangibabaw sa kanyang paningin at walang iba kun'di ang kanilang Kapitan na walang suot na mask. Ang mga braso lamang nito ang ginamit na pantakip sa ilong.
Hindi pa naman gaanong makapal ang usok sa unahan ngunit sa likod ay lumalaki na ito. Nang makababa sila ng tuluyan, agad namang binugahan ng tubig ang namumuong apoy bago pa man ito sumabog. Muli itong nagkawsa ng usok nang madampian na ng tubig.
Hawak siya sa baywang ng lalaki habang nilalayo sa eroplano. Pinangunahan na rin ng kanilang Lieutenant ang pagpatay sa apoy nito.
Nang maalis ang mask, namamasa ang mga pisngi niyang tumingin sa lalaking nasa harap niya. Buong akala niya'y hindi na siya magpapakitang umiiyak dito ngunit nagkamali na naman siya. She looks so vulnerable right now and Xyth is softly staring at her.
Gamit ang kamay ni Xyth, pinunas niya ang mga luha ni Keisha.
"You're safe now." Then unexpectedly, he pulled to hug her, caressing her back.
Keisha felt so secured with his arms surrounding her. Hindi niya mapigilang mapahikbi kaya mas inalo siya ng binate.
"Your flight was great. It was not your fault." Sa panghuli nitong sinabi'y naramdaman niya ang lamig ng boses nito.
Unti-unti siyang kumalma. Pinunas niya ang mga luha niya at doon rin siya nakaramdam ng hiya nang magtama ang mga mata nila. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito at napatingin siya sa humuhupa ng usok na galing sa kanyang eroplano.
"Maybe you're right... I'm such a disappointment," she mumbled while looking away. Mahina lamang ang boses niya nang banggitin ang mga salitang iyon.
Wala siyang narinig sa kaharap hanggang sa dumating ang kanilang Colonel. Xyth saluted on his senior.
"Dismiss the training for now until the third day. And as for you, Ms. Berrenzana, you have to be checked."
"Y-Yes, Sir."
Tumango lang ito saka nagpalipat-lipat na naman ang tingin sa kanilang dalawa bago umalis. Sunod naman na dumating si Dennis. Hingal na hingal pa itong humarap kay Keisha. Hindi nagtagal, kinabig siya nito upang yakapin at dahil nabigla siya, hindi agad siya nakagalaw.
"Damn. Akala ko kung ano na'ng nangyari sa'yo. Ayos ka lang ba?" tanong nito nang iharap siya sa kanya at ineksamina ang buong katawan niya.
Hindi nagtagal na gawin iyon ni Dennis nang hilahin ni Xyth ang babae mula sa kanya. Nagtagis ang kanyang bagang.
"Kapitan ka ba talaga rito? Bakit hindi man lang ninyo sinisugurado kung ligtas ba ang eroplanong ipapagamit ninyo sa amin? Paano kung sa taas palang umusok na ang eroplano niya, ano'ng gagawin mo? Hahayaan mong mamatay si Keisha, ha?"
Maagap na pumagitna si Keisha at kaharap niya ngayon si Dennis habang sa likod naman niya'y si Xyth. "Dennis, okay naman ako. Kasalanan ko siguro kaya nangyari 'yon-
"Hindi mo 'yon kasalanan, Kesh." Lumipat ang tingin ni Dennis sa lalaking nasa likod niya. "Sadyang may mga tao lang talagang iresponsable."
Nagsalubong ang mga kilay ni Xyth saka niya muling hinila si Keishapabalik sa kanyang tabi. "Nakakalimutan mo siguro kung sino ang kinakausap mo, Mr. Aguilar."
Subalit matapang iyon na sinalubong ni Dennis. "Hindi ko nakakalimutan. Ang sa akin lang naman, maging maingat kayo nang walang napapahamak, Captain."
"Tama na sabi, Dennis. Ayoko na ng atensyon pa kaya please... tumigil na kayo." Sinikap ni Keisha na hindi siya mainis sa pagsasagutan ng dalawa dahil mayroon na ring mga napapalingon sa kanila.
"Tara na, sasamahan na kita sa clinic. Narinig ko ang sinabi kanina ni Colonel bago pa siya makaalis."
Kukuhanin na sana ni Dennis ang kamay ni Keisha ngunit may humarang naman doon. Umisang hakbang si Xyth dahilan ng pagtatapat ng mga katawan nila.
"No one but except our medical team is escorting Ms. Berrenzana."
"Pero tungkulin ko ang pangalagaan siya-
"Hindi mo siya responsibilidad, Aguilar. Mas may nararapat na tao para sa tungkuling sinasabi mo. Pwede ka nang umalis."
Nagpupuyos ang damdamin ni Dennis. Hindi niya maisip na kailangan na naman niya itong sundin ngayon, tulad na lamang ng dati. Walang saya sa mukha na sumaludo siya sa Kapitan na nasa kanyang harap.
"Just like before, I have to follow you, Captain," he meaningfully said before leaving.
Nasa clinic na si Keisha at katatapos lamang siyang eksaminahin ng doktor. Malalim ang pag-iisip niya habang nakaupo sa kama. Wala naman siyang problema bukod sa stress na natamo niya dahil sa pangyayari. Hindi naman ganoon kalala iyon ngunit ngayon napapaisip siya sa kung ano ang mangyayari sa kanya lalo't hindi niya malimutan ang mukhang ipinakita sa kanya ni Xyth.
Earlier, he looked so worried. He got no protection from the thick smoke emitted by her aircraft but he was able to get her out of the plane. When their hands met, she felt the coldness, maybe he's also nervous of what happened. And the last thing, his embrace which sent security in her whole being. She's hugged before by her past boyfriends but his, is different above all. It was the most pleasing and comforting embrace among all she had experienced.
Ano ang lahat ng 'yon? Bakit parang bumabalik na naman ang nararamdaman niya katulad ng nakaraan?
"Ano'ng iniisip mo?"
Umangat ang tingin niya sa lalaking nagsalita. Kusang umurong ang katawan niya nang makita ang lalaking nakatayo ngayon sa harap niya.
"Sinabi na sa'kin ng hospital, wala silang nahanap na mali sa'yo kaya wala kang dapat na ipag-alala."
"B-Bakit mo 'to ginagawa?" tanong niya sa mahinang boses dahil na rin sa kinakabahan siya.
Hindi niya alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa kanyang bibig pero kanina niya pa gustong itanong iyon sa lalaki.
Umiwas ng tingin ang binata saka tumingin sa relo nito.
"Gusto kang makausap ng Brigadier General."
Mas lumala ang kaba niya nang malamang may kakausap sa kanya mula sa mas mataas pang ranggo. Siya naman ang yumuko ngayon.
"Ayoko."
Xyth raised an eyebrow when he heard her answer. He sighed. His eyes remained on the woman whose head is bowed.
"Come on." Akmang tatalikod na siya nang marinig na naman niyang sumagot ito.
"Ayoko nga," mababa pa rin ang tono ng boses nito.
Walang nagawa si Xyth kun'di kunin ang kamay ng babae at akayin ito palabas. Nanlalaki naman ang mga mata ni Keisha nang mapagtanto ang ginawa ng lalaki kaya hinampas niya ang kamay nitong hindi naman natitinag.
Binitawan siya ng lalaki saka hinarap. "Kahit ayaw mo wala kang magagawa."
"Ayoko pa rin, baka paalisin niya ako rito." Parang bulong na ang pangalawa niyang sinabi dahil sa sobrang hina nito.
"I doubt it."
She lifted her head and stared at the man. "Eh ikaw? 'Di ba gusto mo na akong umalis dito?"
They are intently gazing at each other. She's reading him through his eyes but something is so hard to understand. And if she'll assume again, she will only hurt herself.
"Alam mo ang sagot ko," tanging sagot nito ngunit sapat na para malaman niyang oo ang kahulugan niyon.
She shouldn't have asked if she'll be unhappy with his answer.
Hindi nalang siya umimik saka naglakad patungo sa ibang direksyon. Subalit tulad ng dati, hindi pa man siya nakakalayo'y kinuha na siya nito.
Hawak ang kamay niya naglakad sila patungo sa elevator kaya mas nakaagaw sila ng atensyon mula sa mga taong naglalakad. Bumukas ang elevator. Bumungad sa kanila ang tatlong lalaking nasa loob kabilang na ang kanilang Colonel kaya labis ang gulat ni Keisha nang makita ito. Sinubukan niyang tanggalin ang kamay ni Xyth ngunit sinama na siya nito sa loob.
Nang makapasok sila sa loob, doon lamang binitawan ng lalaki ang kanyang kamay. Hiyang-hiya siya ngayon na kasabay pa nila ang Colonel at may dalawa pang sundalo sa tabi nito. Nasa unahan siya at katabi naman niya ang binata na walang imik at nakapamulsa lamang.
"Maayos na ba ang lagay mo, Ms. Berrenzana?"
Nagulat man, hindi pinahalata iyon ni Keisha. Lumingon siya sa bahagi ng Colonel saka ngumiti.
"Opo, Sir. S-Sorry po kanina." She can feel the man beside her looking at her.
Sumilay ang sinserong ngiti sa mukha ng Colonel. "Wala kang pagkakamali, Ms. Berrenzana. It was a technical fault at inaalam pa namin ngayon ang sanhi ng pangyayari. Kami ang dapat na humingi ng paumanhin dahil muntik ka nang mapahamak."
Tila gumaan ang pakirmdam niya nang marinig iyon sa Colonel. Sinikap niyang ngumiti rito.
"S-Salamat po."
Hindi na umimik pa ang Colonel. Tinanguan lang siya nito kaya muli na siyang tumalikod.
"By the way, Captain. Gusto sana kitang makausap kaya puntahan mo ako sa opisina ko pagkatapos mong samahan si Ms. Berrenzana. Mukhang mahalaga siya sa'yo kaya hindi ko muna kayo gagambalain."
Dumagundong ang puso ni Keisha. Kinabahan siya sa katotohanang baka may alam ito sa pagitan nila ni Xyth and at the same time, she's also uncomfortable.
"Salamat, Colonel." Tanging narinig niyang sagot ng lalaki bago pa man bumukas ang elevator para lumabas sila.
Ngayon nama'y naglalakad na sila patungo sa opisina ng Brigadier General niya at habang palapit, palakas nang palakas ang tibok ng puso niya. Subalit bigla na lamang niya naalala ang mga matang palagi nalang nakamasid sa kanila sa tuwing magkasama sila. Kanina'y ang Colonel nila ang nakasalamuha at base sa sinabi nito, tila ba may nahihimigan na ito sa pagitan nila ni Xyth kaya naman walang emosyong hinarap niya ang lalaki na tumigil naman sa paglalakad.
"Sinabi ko na sa'yo dati, walang magandang idudulot ang paglapit mo sa'kin. Just look at Colonel, what if he's thinking something that is not even true? Rumors about me will spread in this camp and I hate so much attention." She saw how his jaw tightened. She shot her eyebrow up. "At ngayon binibigyan mo ako ng ganyang mukha? Ikaw pa ang magagalit ngayon?"
Kinalma ng lalaki ang sarili saka muli siyang tiningnan. "Hindi ka ganyan dati. Bakit ba ngayon apektadong-apektado ka sa mga sasabihin ng ibang tao? Natatakot ka sa kanila? Bakit?"
Waring nanigas si Keisha sa kinatatayuan niya. Ang mga tanong na iyon ang nagpatahimik sa kanya.
"Bakit ka nagpapaapekto ka sa kanila-
"Wala kang alam," mahina ngunit seryoso niyang sabi. Nanubig ang mga mata niya kaya't inunahan na niya itong umalis.
Wala itong alam sa nangyari sa kanya noon nang iwanan siya. Hindi lang pagkabigo sa pag-ibig ang dinanas niya noon kun'di marami pang iba na ayaw na niyang isalaysay. Ang ibaon iyon sa limot ay mas maigi pa kaysa muling alalahanin ito.
BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
ActionThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...