CHAPTER 33

2.2K 58 6
                                        

Kanina pa pabalik-balik ng lakad si Keisha. Naroon siya sa kanilang kwarto. Ang mga kamay niya’y nasa baywang. Hindi siya mapakali dahil sa nangyari kanina.
 
 
 
 
“Can you please stop pacing back and forth? Ang gulo mo sa mata.”
 
 
 
 
“He saw us. He saw us.” Keisha repeated ignoring Vanessa’s words.
 
 
 
 
“Nakita ka nino?” tanong ni Rachel.
 
 
 
 
“Nahuli kayo ni Captain?!” gulat na tanong ni Lisel na muli niyang inignora dahil sa pag-iisip.
 
 
 
 
“Sabi na nga ba, e. Captain went here looking for you but don’t worry dahil hindi ko naman sinabi na kasama mo si Sir Latorilla.”
 
 
 
Umangat ang tingin ni Keisha sa kaibigan. Tumigil din siya sa paglalakad. Hindi naman iyon ang inaalala niya ngunit nagpapasalamat pa rin siya sa mga kaibigan.
 
 
 
 
“Salam—
 
 
 
 
“Si Hydie kasi ang nagsabi. Hehe,” pagtutuloy ni Arcie.
 

 
 
Ang nakangiting mukha ni Keisha’y bigla na lamang sumeryoso. Dumako ang tingin niya kay Hydie na nag-peace sign sa kaniya. Kaya naman pala nananahimik ito ngayon. Subalit hindi iyon ang inaalala niya kun’di ang Colonel na naabutan sila ni Xyth na naghahalikan.
 
 
 
 
“Hindi ko naman sinasadya, ah! T-Tsaka ikaw ba naman ang tingnan ng gano’n ‘di ka magtatapat?!” panglalaban ni Hydie sa kanila.
 
 
 
 
“Yeah, that’s true. Bago pa man pumunta rito si Captain mukhang hindi na maganda ang mood niya kaya I assume na may naririnig na siyang kasama mo nga si Sir Latorilla bago niya pa malaman sa amin,” paliwanag ni Arcie. “Bakit? Hindi mo siya nitext?” dagdag pa na tanong nito.
 
 
 
 
Keisha shook her head. That was her mistake for not letting him know. But now, they are okay and tomorrow she’s also planning to talk to Dennis.
 
 
 
 
“Nagkita na kayo ni Captain?” tanong ni Lisel.
 
 
 
 
“Yeah, we’re okay.”
 
 
 
 
“’Yon naman pala. Huwag ka nang aligaga riyan.”
 

 
 
“Nag-aalala lang ako baka galit pa siya.”
 
 
 
 
“Tsk! Napagdaanan na namin ‘yan kaya kumalma ka na.” Rachel
 
 
 
 
“Buti naman okay na kayo. Akala namin mabubugbog mo na si Hydie.”
 
 
 
 
Keisha chuckled. “Muntik na.”
 
 
 
 
Kahit papaano, nakalimutan ni Keisha ang nangyari sa kanila sa rooftop. Labis na pagkahiya ang naramdaman niya nang mga oras na nahuli sila ng isang mataas na opisyales at mabuti na lamang wala itong ibang kasama.
 
 
 
 
“Colonel.” Xyth voiced, a smile plastered on his lips.
 
 
 
 
Keisha was dumbfounded while seeing their Colonel in front of them. She wanted to melt down with embarrassment. She kept on gripping on Xyth’s uniform at the back.
 
 

 
“Good evening, Captain… Ms. Berrenzana.” The Colonel stared at her and smiled.
 
 
 
“G-Good evening po, Sir.” Halos ayaw na niyang magsalita dahil sa kahihiyan.
 
 
 
 
“Maaari bang iiwan mo muna kami, Ms. Berrenza? May mahalaga lang kaming pag-uusapan ni Captain.”
 
 
 
 
“Yes, Sir.” Agad siyang umalis pagkatapos.
 
 

 
Palalim nang palalim ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Keisha. Akala niya’y nakalimutan na niya ang nangyari ngunit ngayong tahimik na naman, muli na naman niya itong naiisip. She slapped her face to awaken herself from her thoughts. Minutes passed and she can’t still sleep not until she remembers what her mother told her.
 
 
 
 
“Sing a lyric of a song until your voice slows down.”
 

 
 
She smiled bitterly. She misses her mother so much. Keisha closed her eyes. She begun singing a song on her mind. Gradually, she was eaten by the darkness not even finishing the verse of her chosen song.
 
 
 
 
The morning ascended again. Another day for everbody but Keisha stayed in front of the mirror staring at herself.
 
 
 
 
“Para akong zombie,” she mumbled to herself.
 
 
 
 
The door opened and revealed Lisel who was surprised for a while after seeing her state. Tumawa ito hindi nagtagal.
 
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon