Bumalik sila sa pagsasanay matapos ang ilang araw na pagpapasuspende nito dahil sa nangyari. Nagiging sariwa pa rin kay Keisha ang mga nangyari kaya ngayon parang natatakot na muli siyang sumubok. Ilang araw ding naging tahimik ang kanyang buhay dahil hindi na siya muling ginulo ni Xyth. Tanging pagbati na lamang ang nagiging interaksyon nilang dalawa kung magkakasalubong man. Hindi na rin siya nito tinitingnan tulad ng dati at hindi na siya nito sinusundan o kinukulit.
Gumaan ang mga araw na iyon para sa kanya subalit hindi niya pa rin maitangging may kulang, may kulang sa bawat araw na hindi sila nagkakausap. Kapalit naman niyon, naging malapit naman sila ng First Lieutenant. Madalas pa silang mapagkamalang may relasyon dahil na rin sa lalaki.
"Ano na naman 'yang pinag-iisip mo? Nasa harap mo lang ako, 'wag mo na akong isipin."
Napairap si Keisha sa lalaking kaharap niya sa lamesa. Kumakain sila ngayon ng pananghalian sa cafeteria. Hindi muna siya sumama sa mga kaibigang babae dahil sa pag-aya ni Dennis.
"Tumigil ka, Dionisio. Hindi kita type."
Dumulas ang pasta sa bibig ni Dennis kaya't muli itong nahulog sa pinggan niya.
"What the fuck? Anong Dionisio? Saan mo naman napulot ang mapanghing pangalan na 'yan?"
Tumawa si Keisha. Parang nang-aalat ang mukha ni Dennis dahil ayaw talaga nitong tinatawag ng kung ano-ano.
"Kapag patuloy mo akong ininis, mananatili kang Dionisio sa pagkakakilala ko. For sure, hindi ka lalapitan ng mga babae kasi pangalan mo palang mabantot na." Tumawa siya ng tumawa habang hindi naman maipinta ang mukha ng kanyang kasama.
Kumain na lamang muli si Dennis. Hindi talaga nauubusan ng pang-inis sa kanya ang kaibigan.
"Nga pala, pinalaya lang kita nitong nakaraan pero naririnig ko ng nagde-date na raw kayo ni First Lieutenant. What the heck, Kesh! Pinagpalit mo agad ako?"
Ngumiwi si Keisha, "Anong pinagpalit? Asyumero ka talaga, Dionisio."
"Stop calling me names."
She laughed. "Yeah, whatever. We're not dating, we're just good friends. Hindi na nakapagtataka ang mga tao ngayon baka nga bukas makalawa kumalat nang magpapakasal kami." She shrugged her shoulders.
"Sus! Eh, crush mo kung gano'n?"
Inirapan niya ito, "Duh! Mabait si Sir Enrico pero hindi ko siya crush... pero... baka malapit na."
Masama siyang tiningnan ni Dennis. "Hindi mo pa kilala ang taong 'yan kaya 'wag muna."
"Napapansin kong panay hadlang ka sa dating life ko ha, tatay ba kita?" pagsusungit ni Keisha.
"Ew. No," parang nandidiring sagot ni Dennis sa kanya. "Balita ko si Ms. Chavez mamaya ang magpapalipad ng eroplano. Magaling ba siya?"
"Ewan, hindi ako interesado sa kanya. Bakit mo tinatanong? Crush mo 'no?"
"No! What the- ano bang pumapasok diyan sa kokote mo? Parang nagtatanong lang, e. Sabi kasi nila magaling magpalipad ng eroplano si Ms. Chavez. Halos sabay silang nag-aral ni Captain noon sa U.S. kaya naman ang gagaling."
Biglang nawala sa mood si Keisha nang marinig ang pinagsasabi ng kaharap niya. Ngayon niya lang nalaman na magkasabay pala itong nag-aral sa America. Siguro ito ang naging kasa-kasama ng lalaki noon ng mga oras na wala na sila. Kung gano'n mas maraming oras ang pinagsaluhan nila kaysa sa kanila.
Nawalan siya bigla ng gana kaya uminom nalang siya ng tubig. Bakit gano'n? Bakit parang apektado pa rin siya kapag nasasali si Xyth sa mga usapan? Hindi naman na dapat ganoon. Matagal na dapat siyang walang pakialam dito pero ano itong nangyayari sa kanya ngayon?
Everything is being difficult to point out.
"Ilang years na silang magkasama?" hindi niya maiwasang tanong.
"Ewan, pero sabi ng mga seniors natin sabay lang silang dalawa. At alam mo ba?" nilapit ni Dennis ang mukha niya sa kanya. Humina rin ang boses nito. "Kaya pala parang spoiled brat 'yang si Ms. Chavez kasi anak ng General ng Philippine Air Force. Ibig sabihin, tatay niya ang may pinakamataas na ranggo rito."
Keisha was surprised knowing that the woman who she bumped the other day and even had an argument, is their General's daughter. Ang naging sagutan nila noon ay maaaring maging dahilan upang mapaalis siya rito ngunit walang nangyari. Bakit kaya? Pero isip niya'y hindi naman ito nagsumbong lalo na hindi naman siya ang nagsimula ng gulo.
Mapait na napangiti ang isipan niya. A high ranking man, a Captain to be exact plus the daughter of the General, they surely fit each other. While she?
A no one.
No one but a beginner.
"The hell. Why am I comparing myself to her?" bulong niya sa sarili.
"Ano? May sinasabi ka? Hindi ka naman nagseselos 'no?"
Umangat ang tingin niya kay Dennis saka siya napatayo at binato ito ng tissue. "Bakit naman ako magseselos?!"
Hindi niya alam kung bakit napatingin sa kanya ang mga tao sa loob at doon lamang niya napagtantong napalakas pala ang kanyang boses.
May mga sumipol at tumawa lalo na ng mag-landing ang mga mata niya sa First Lieutenant nila na kasalukuyang nakatayo at may kausap na babae. Maging ang mga ito'y napatingin sa kanya.
Her eyes widened when Enrico smiled at her. The man tapped the woman's arm and she left. Nakapamulsa siyang tiningnan ng lalaki. Namumula pa rin ang buong mukha niya dahil sa hiya.
"Wohh! Lagot ka Lieutenant!" sigaw ng isang lalaki dahilan upang mas mahiya siya.
Sa dami ng nanukso sa kanila, natuon ang atensyon niya sa isang lalaki na papalabas nang cafeteria. Sa palagay niya'y doon humupa ang pamumula ng mukha niya at napalitan naman iyon ng mabibilis na tibok ng kaniyang puso. Parang gusto niyang umalis sa kinatatayuan at tumakbo palabas ng lugar.
"Aish!"
"Ayan, eskandalosa ka kasi. Napapala mo," pang-iinis pa sa kanya ni Dennis
"Ikaw kasi!" inis niyang sabi bago tuloy-tuloy na umalis saka nagpunta sa banyo.
"All trainees, in the field. I'm giving you five minutes."
Lahat sila'y natigilan sa boses na nagsalita sa intercom na naririnig sa buong sulok ng headquarters. Akala nila'y uulitin pa ito ng lalaki ngunit wala na ulit silang narinig pa.
"Mukhang mainit ang ulo ni Captain."
"Mukha nga, hindi na inulit ang sinabi, e."
"Kawawa ang mga trainees na 'to kapag mainit lagi ang ulo ni Cap."
Ilan lang 'yon sa narinig ni Keisha na kalalabas lamang sa washroom kaya hindi na siya nag-aksaya ng oras. Mabibilis ang hakbang niya patungo doon at sa pagliko niya'y may nabangga siyang tao na may mga dalang papel kaya nagsiliparan it saka bumagsak sa sahig. Tinulungan niya itong pulutin iyon.
"Sorry, nagmamadali kasi ako," paghingi niya ng paumanhin.
"Okay lang, trainee ka ba?"
Tumango siya rito habang patuloy na inaabot ang mga nagkalat na papel.
"Sige na, ako na ang pupulot. Hindi maganda ang mood ni Captain baka maparusahan ka pa."
Nginitian niya lang ito saka muling nagpasalamat at umalis.
Tumutulo ang pawis na dumating at bumilang sa hanay si Keisha. May mga nakasabay pa siya sigurong dalawa na kapwa huling-huli rin sa pagdating.
"All who exceeded at the allotted time, step forward." Puno ng awtoridad ang boses ni Xyth. He's wearing his serious and icy face that made the trainees a bit uneasy.
Hindi lumampas sa sampo ang bilang ng mga nahuli at kabilang na roon si Keisha. Tuwid ang kanilang tayo maging ang kanilang tingin ay diretso lamang habang nasa harap ang kanilang Captain na seryosong nakatingin sa kanila.
"Ano'ng mahirap sa pinagawa ko?"
Walang nakasagot o tumangkang sumagot man lang sa lalaki. Kinakabahan ang mga ito na karamihan ay babae.
"I need an answer!" he exclaimed causing the trainees to jolt. "May mahirap ba sa pinagawa ko?" muli niyang tanong .
"N-None, Sir," kinakabahang sagot ng mga trainees.
"Ms. Berrenzana, may mahirap ba sa pinagawa ko?"
Natigilan siya. Gayunpaman naglakas-loob pa rin siya.
"Wala, Sir." She was thankful that she did not stutter.
"Then why are you late?"
Pakiramdam niya'y sa kanya na naman lumalapit ang buong atensyon.
"I'm sorry, I was in the washroom fixing myself after-
"Orders from your officials are your priority here, not yourself neither not making yourself pretty. Ano ang gusto mong palabasin na nasa washroom ka kaya ka nahuli?"
Pakiramdam niya'y pahiyang-pahiya siya ngayon. Hindi naman siya nagpapaganda roon. Katunayan, lipstick nga lang ang nailagay niya matapos magsipilyo. Wala na rin siyang nailagay na iba pa sa kanyang mukha.
"I was just-
"Save it," he cut her off.
Gustong maiyak ni Kesiha pero hindi iyon ang tamang lugar para sa kanya. Bakit siya lang ang pinupuntirya nito? Hindi lang naman siya ang nahuli sa kanila.
"After this, I want 20 laps of run from you in the oval. Don't disappoint me this time." Pagpapatungkol nito sa lahat ng nahuli. "All of you who came late, run with her."
Nagsimula nga ang kanilang pagsasanay at ngayon ay sisimulan naman nila iyon sa isang helicopter. Naroon na sa loob si Ms. Chavez na inihahanda na ang sarili sa pagpapalipad ng helicopter. All eyes are on her including Keisha.
"You ready?" dinig niyang tanong ni Xyth sa babae.
"Yes, of course. Don't belittle me, Captain. You know me very well, para namang hindi tayo nagsama ng ilang taon sa America."
Hindi batid ni Keisha kung sadya ba iyong papaparinig sa kanila o sa kanya lang ba ngunit hindi niya na lamang ito binigyang-pansin. Mahirap nang patulan ang babae sa harap ng madaming tao lalo na't malakas ang kapit nito sa taas.
Ano nga ba ang gagawin niya rito kung sakali mang banggain na naman siya nito?
"Tss." Xyth simply responded and walked out.
Sandaling nagtama ang tingin nila sa isa't isa pero una siyang bumitaw. Hindi niya ito makayang tingnan. Nagagalit siya. Anumang oras ay parang sasabog ang puso niya sa galit. Subalit kahit ano'ng galit niya nauuwi lamang ito sa pag-iyak.
"You just have to watch her. I want you to draw your attentions only to her. Are we clear?" tanong ng kanilang Captain.
"Yes, Sir!" the trainees shouted in unison.
Ms. Chavez begun to maneuver the helicopter and people watching her were amazed. She's great at flying helicopters and the trainees below are not experts yet on this thing. They've focused on being a pilot of an airplane since they were studying and now they have to try another which is a bit new to them.
"Helicopters are little similar to an airplane. The way you operate it, parts of the cockpit and others. The big difference to that on an aircraft, you cannot lift helicopters higher than any aircrafts. Ibig sabihin, may nararapat lang na elevation sa pagpapalipad ng helicopter. Anyway, you'll still learn a lot in the following days. We're going to have a lecture about that. For now, focus on how she's flying the helicopter properly."
Binalot sila ng katahimikan. Tanging ang tunog ng sasakyang pamhimpapawid ang naghahari sa kanila pati na rin ang ilang kalansing ng mga materyal na inaayos ng ilang kasundaluhan.
"Woah."
They were fascinated with the round trip Ms. Chavez' was doing. Later on, she landed on the ground and slowly, the engine was turned off and the propeller stopped. Bumaba sa helicopter ang babae at dumiretso ito sa kanilang kinaroroonan habang matamis na nakangiti sa bawat isa. Siguro kung walang nangyari noon sa loob ng quarter nila'y pupurihin niya pa ito sa mukhang pagiging mabait ngunit matapos ang araw na iyon, nag-iba ang pagtingin niya rito.
"Good luck trainees. I know you can do it," She smiled again.
Most of the trainees smiled but Keisha bore her 'I don't care' face.
"Ms. Berrenzana, do you wanna' try first?" Ms. Chavez was smiling at her teasingly like she's trying to test her.
"No, we haven't made the lecture yet." Xyth interrupted.
Sandaling tumingin si Ms. Chavez sa katabing lalaki ngunit mabilis din iyong bumalik sa kanya. Nginisian siya nito. "Pero nakikita ko sa mukha ni Ms. Berrenzana na parang gusto niyang subukan. She flied bigger aircrafts by now, this isn't the time to chicken."
Gusto niyang sabihin dito na hindi siya duwag pero baka saan pa umabot ang pag-uusap nila kaya naman naisip nalang niya na sabayan ito.
And the saying goes, the best way to win against your enemy is showing her your smile.
And Keisha did. Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis sa babae. Iyong tipo na naniningkit pa ang mga mata niya.
"Of course, Ms. Chavez I want to try it. Once the lecture is done, I'll go first, watch me," then she winked at her.
"Alright, sabi mo e. Tingnan nalang natin," sagot nito pabalik na parang nanghahamon pa rin.
"Those-
"By the way, Captain. I have come up to this idea," sabat ni Ms. Chavez. Ang kamay nito ay nasa baba na para bang nag-iisip.
"What is it?"
Naghintay ang mga kaharap nilang trainees na muli itong magsalita.
Ms. Chavez smiled mischievously, "I want to challenge your trainees and I want Ms. Berrenzana to go against me."
The trainees became uneasy, gusto nilang magsalita at mag-usap ngunit hindi naman nila magawa sapagkat nakatayo sila ng tuwid saka diretso lang ang kanilang mga tingin. Hindi rin nag-abalang tingnan ni Keisha ang babae dahil wala na dapat siyang ipagtaka kung siya man ang hamunin nito.
"Ano'ng gusto mong mangyari?" seryosong tanong ni Xyth dito.
"We'll ride helicopters for this challenge. You'll critique who flies best and who targets well. Ibig sabihin hindi lang kami bastang magmamaneho, gagamit din kami ng bala at ang target ay nasa lupa. Of course we have to use a wider field at hindi rito dahil mapanganib. That's why I want you to find a place for us where we can work it out."
Hindi na napigilan ng ilan na magusap-usap bagamat nasa tikas-tindig pa ang mga ito.
"Are you being serious, Ayana?"
"Yes, Captain. Kailan ba ako hindi nagseryoso sa mga sinabi ko? And for the trainees, I want you to take this seriously," baling nito sa hanay nina Keisha. "Kabilang sa training ninyo ang pagiging maalam sa pakikipaglaban. Hindi niyo kailangang literal na humawak ng baril, pero kailangan ninyong maglabas ng bala at syempre gamit ang mga fighting aircrafts natin."
Walang nagtangkang magsalita sa pagitan ng mga nagsasanay.
"Ano'ng masasabi mo, Ms. Berrenzana?" tanong pa ni Ayana.
"What will be the consequence in case one of us lose?" tanong niya kaya't muling napangiti ang babae.
"Good question." She walked smoothly towards her. "Whoever loses, will be our seniors' slave for the whole month. Sa madaling salita, an errand, pwede kang utusan sino man sa seniors natin. Kahit ano pa 'yang ipapagawa nila kailangan mong sundin."
Lihim na napairap si Keisha. Mukha ngang may punto si Dennis na may pagka-spoiled brat ang babaeng ito. Hindi lang spoiled brat pero mukhang childish pa.
"'Yun lang?" she asked expunging her smiles.
"The rumor is right, matapang ka nga... kaya subukan natin 'yan, Ms. Berrenzana." Tinalikuran siya nito saka naglakad pabalik ngunit agad ding natigil nang magsalita siya.
"I also have a challenge." Humarap sa kanya ang babae. "Hindi sa lahat ng oras nasa ere ka upang lumaban, why don't we try ground to ground combat? Whoever falls, taps, or surrender is declared a loser."
The woman stiffened on her spot. It was visible on her face that she was not expecting a challenge from Keisha.
"Stop with these shits."
Keisha arched an eyebrow and darted her eyes on the man.
"Why, Captain? Just like Ms. Chavez' words, it is part of our training and we have to take it seriously. Naiintindihan namin kung gusto mo siyang protektahan pero ikaw na rin ang may sabi, hamak na trainee lang ako," mabilis niyang sagot dito bago pumihit ang mukha kay Ayana. "Walang kailangang ikatakot," she added before looking back at Xyth. They stared at each other like a thunderstruck is between their gazes.
"You really have an unbelievable guts," Ayana mumbled. Sapat na upang umabot iyon sa tainga niya.
"Losers will receive the same punishment. Winner will have two points, meaning she have to win both of the challenges."
Ms. Chavez sighed as if she was already cornered. "Fine. I accept it."
Wala nang nagsalita sa kanila bagkus pareho pa silang napatingin kay Captain na hinihintay din nila ang pagsang-ayon. Nakapamaywang ang dalawang kamay nito habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. He seemed out of patience.
He nodded like he cannot do anything anymore with the decisions of the two women."Get ready for the 3-day lecture, then." He said before walking out.

BINABASA MO ANG
Fly High, Love Thy
ActionThe Air Force: Captain Xyth Xodriga (CAPTAIN SERIES 2) Xyth Xodriga decided to name it quits with his high school girlfriend to study abroad and train as a military air force. After years he went back to the Philippines to serve his country, until h...