CHAPTER 28

2.2K 59 2
                                    

KEISHA’S POV
 
 

 
Napaatras si Mommy nang marinig niya ang sinabi ko. Muntik pa siyang mabuwal sa kinatatayuan ngunit mabilis ko siyang nasambot. Tiningnan niya ako gamit ang mga nangungusap niyang mata at nasilayan ko ang mga nagbabadyang luha sa kaniya.
 
 

 
“Uulitin mo ba ang nakaraan ng buhay ko?” tumulo ang mga luha.
 

 
 
Sunud-sunod akong umiling. “Hindi, mommy. Maingat siya—
 
 

 
“No! Hindi mo ako naiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko! Gusto mo bang matulad sa’kin? Look at my life now.”
 
 
 

“Because you don’t know how to completely move on, mom!” Napapagod na ako sa kakapaliwanag sa kaniya. Kahit ano’ng gawin ko hindi nya magawang matanggap. She keeps bringing up dad.
 

 
Tanggap na niyang wala si Daddy pero bumalik ang mga ala-alang iyon sa kaniya ng parehong bagay ang tahakin namin. Tinulak ako ni Mommy kaya napalayo na naman ako sa kaniya.
 

“Krystal!”
 

 
 
I heard my grandfather shouted at her. Napatigil si mommy sa pag-iyak. Tumayo siya nang maayos saka tiningnan ako.
 
 
 

“Siguraduhin mong hindi ka magsisisi sa desisyon mong ‘yan dahil hindi na kita dadamayan pa sa sunod na maulit pa ang pangyayaring ‘yon. I am your mother and I can’t stand seeing my child hurt. Akala ko mapapapayag na kita ngayong umalis sa trabaho mong ‘yan pero hanggang ngayon iyan pa rin ang pinipili mo.”
 
 

 
My tears fell. May balak pa pala siyang palayuin ako sa pangarap ko. Buong akala ko makakausap ko siya ngayon nang maayos. 
 
 

 
“Stop trying to convince me, mom dahil kahit ilang ulit pa ang gawin mo, hindi na ako aalis. My decision is final and no one can make me leave my dream.”
 
 

 
Walang buhay niya akong tiningnan at kahit hindi halata, kinakabahan ako sa mga maaari niyang sabihin.
 
 

“Kung ‘yan ang desisyon mo, hindi na kita pakikialaman pa. You are free to leave my house. From now on, I’m disowning you.”
 

 
 
Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko. Kahit alam kong anumang oras mapuputol ang bawat salita ko, sinikap ko pa ring ibuka ang bibig ko. I just need to let this out.
 
 
 
 
"Akala ko ba ayaw mo akong nahihirapan, mommy? Bakit mo 'to ginagawa sa'kin?" My voice is gentle as it can be. I don't wanna raise my voice anymore. Each second, I feel tired. All of my words are useless.
 
 
 
 
“Krystal! Ano bang kabobohan ang pinagsasabi mo?!” Lolo yelled at her.
 
 

 
“Mommy…” Tinangka ko siyang lapitan ngunit tinalikuran na niya ako saka tuluyang umalis at umakyat sa taas. Hindi man lang niya ako nilingon.
 
 
 
 
Napahagulhol ako but then someone grabbed me. Xyth hugged me. I felt him kissed the top of my head as he caressed my back.
 

 
“Everything will be okay. Bigyan mo muna siya ng panahon para makapag-isip. No mother will abandon her child.”
 
 

I just nodded my head while leaning on his chest. He got a broad and well-built body that is so warm.
 
 
 
 
“Magiging maayos din ang lahat, apo.”
 
 

 
Narinig ko si lolo na nagsalita kaya naman nilingon ko siya.
 
 
 
 
I smiled and went to hug him. “I miss you, lolo. Iintindihin ko po muna ngayon si Mommy. Alam ko na hindi madali para sa kaniya ang mga nangyari kaya iintindihin ko siya.”
 
 
 
 
“Salamat dahil napakamaintindihin mo sa kanya.”
 
 
 
 
“Kesh, apo!!!”
 
 
 
Napatingin ako sa tuktok ng hagdan namin kung nasaan ang aking lola. Malawak ang ngiti sa mukha at tila sabik na sabik na makita ako dahil nagmamadali pa itong bumaba sa hagdan.
 
 
 
“Dahan-dahan lang po. Hindi pa naman ako aalis.” Lumapit ako sa bukana ng hagdan saka siya sinalubong.
 
 

Fly High, Love ThyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon