#4

22 0 0
                                    

Nichole's POV

Nandito na kami ngayon sa condo niya sa laguna in fairness ang ganda ng condo  niya, malinis din siya at simple lang konti lang din ang nakasama dahil nga sa hindi sila pinayagan ng mga magulang nila. Si Mariel naman ang nag presenta na magluto, ako naman yung taga hiwa ng mga ingredients, yung iba naman ay may mga kanya-kanya ding ginagawa sala. Maya-maya pa ay pumasok si Sir sa kusina.

“Okay lang ba kayo dito?” He asked.

“Oo naman sir don’t worry” Sagot ko.

“Nakakahiya naman ikaw pa talaga yung nagluto Mariel".

“Ano ka ba naman sir keri ko na ‘to noh” Sagot nito.

“Relax ka lang sir” Sabay ngiti ko.

“Ayyiehhh… ayaw mo na naman siyang mapagod” Pang-asar ni Jelly na kapapasok lang ng kusina. Natawa naman ang iba.

“Tumigil na nga kayo, nakakahiya kay sir oh” sabi ko.

“Totoo naman eh, ayaw mo lang talaga akong mapagod diba?” Sabay ngiti nito ng nakakaloko.

“Nako! sir tigil-tigilan mu’ko sa mga ngiti mong ‘yan pag ako talaga na fall nakooooo sinasabi ko talaga sa’yo ewan ko nalang talaga” Sabay iwas ko ng tingin sa kanya.

“Ayyiehhhhh” Tukso ng lahat.

“Okay lang na mahulog ka nandito lang ako para saluhin ka”

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Hala? Totoo ba?. “Ayyiehhhh ayann na Nich! May pag-asa ka” Kilig na kilig na sabi ni Jecel. Natahimik naman agad ako hayyy sir naman eh masyadong pa fall, saglit akong napasulyap sa kanya napapailing nalang siya sa mga kalokohan ng mga classmates ko.

Ang bilis lang ng oras gabi na pala kakatapos lang din namin kumain at nandito na kami ngayon sa sala nakapalibot kami at sinadya din nila na makaharap ko si sir. Bumili ang mga boys ng Redhorse walang kj at lahat naman ay umiinom. Nagkayayaan din ang lahat na mag spin the bottle at kung sino ang matapatan ng ulo ng bottle siya ang pipili kong truth or dare, at kahit na sino lang yung magtatanong kapag truth at iisip ng challenge kapag dare.

Ilang minuto din kaming naglaro at walang ibang maririnig na ingay kondi ang tawanan ng lahat, mga kalokohan na kami lang din mismo ang gumagawa. Pinaikot na ngayon ni Jelly ang bottle at ang natapatan ay ako. Naghiyawan naman sila dahil sa excitement.

“Truth or dare?” Asked Jelly.

“Ahmmm dare!” At dahil sa epekto ng alak lakas loob akong nag dare.

“Oh my gosh! Exciting to!” Sabi ni Rizza.

“Okay guys quiet muna” Sabi naman ni Jelly, natahimik naman ang lahat. “At dahil sa nag dare ka ito ang gagawin mo. Kiss sir Noel kailangan sa lip” Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko lang pinahalata.

Nagkagulo naman ang lahat at tuwang tuwa pa sa mga mangyayari. “Okay! Dare accepted” Sabay ngiti ko, I must say na lasing na talaga ako hindi naman ako magkakaganito kong di ako lasing. Dahan-dahan akong tumayo medyo gigiwang-giwang na din yung lakad ko. Nasa harap na niya ako titig na titig lang ako sa kanya at wala akong pakialam sa mga taong nandito. I looked him straight from the eyes, wala akong ibang naririnig kundi yung sobrang bilis na tibok ng puso ko.

Noel's POV

Nasa harap ko na siya ngayon inaamin ko kahit may tama na rin ako ng alak kinakabahan parin ako sa gagawin niya, sobrang bilis lang din ng tibok ng puso ko haystt Nichole naman bakit kasi nag dare ka pa. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya, nadadala na rin ako sa mga titig niya and the next thing I knew naglapat na ang labi naming dalawa. Naghiyawan ang lahat. In fairness ang sarap at ang lambot ng labi niya kahit lasang alak. W-wait? Masarap? Malambot? Noel naman! Estudyante mo yan! Ano ka ba. Nagtagal kami ng ilang segundo sa ganong posisyon at ako na mismo ang umiwas kaagad ngumisi din siya sakin ng nakakaloko, Nichole naman ehhhh. Pagkatapos non ay pinaikot na niya ang bottle at ako naman ang natapatan.

“Sir Noel! Sir Noel! Sir Noel!” Pag cheer ng lahat.

“Hahaha mga adik talaga kayo” Natatawa kong litanya.

“Oh guys tahimik na tayo, magsasalita na si Nichole” Sabi ni Jelly.

Natahimik naman ulit ang lahat “Truth…. Or dare” She asked.

I sigh “Truth”.

“Oh my gosh girl! Tanongin muna lahat ng gusto mong malaman, chance mo na ‘to” Natawa naman ang lahat sa sinabi ni Mariel.

“Hahahaha kayo talaga ha” Nasabi ko na lamang, pero ang totoo kinakabahan na talaga ko.

“Sir” Panimula nito.

“Yes Nichole”.

“May pag-asa ba ako sa’yo?” Nagulat ako sa tanong niya. And for the nth time naghiyawan na naman ang lahat.

“A-ah…. ‘yan na ba talaga yun?” alangan kong tanong.

“Oh sige ito na lang. May pag-asa bang maging tayo?” Napalunok naman ako. Haystt Nichole naman eh….

“Sagutin mo na Sir!” Excited na sabi ni Andrie.

“A-ahhh….” Honestly hindi ko alam ang isasagot ko ang daling sabihin na hindi pero baka masaktan ko siya, ang dali din sabihin na Oo pero baka umasa naman siya… hayyyy ano ba naman yan!.

“Nich lasing kana kong ano2x na yung lumalabas sa bibig mo” Sabi ko nalamang.

“Sir naman eh! Ang daya mo” Sabi ni Andrie.

“Anong oras na oh, mga lasing na tayo kaya mas mabuti pang matulog na tayong lahat” Tumayo naman ako medyo nahihilo na rin ako dahil sa alak, wala na silang magawa at pumayag na rin sa sinabi ko yung mga boys sa sala na natulog at yung mga girls ay sa guest room apat kasi yung kwarto dito isa yung sa kwarto ko at ang tatlo ay guest room. Malaki din kasi itong condo na binili ko. Tinulungan ko naman si Mariel na alalayan si Nichole kasi lasing na talaga ‘to.

“Sir pasensiya na po ah, antok na antok na talaga ako eh ikaw na po bahala kay Nichole  ah… Salamat sir” Sabay lakad nito patungo sa kwarto nila.

Pagkadating ko sa kwarto nila kaloka parang sardinas yung mga babae kong saan2x nakahiga hayy wala ng space si Nichole. So I decided na sa kwarto ko nalang siya patulogin, wala namang masama.

“Arghhh” Sabi niya napabuntong hininga naman ako. Hayyy Nichole payat ka nga mabigat naman. Sa sofa na sana ako matutulog ng biglang hawakan niya yung kamay ko.

“S-sir… hindi *hik* ko alam *hik* kong bakit ko yun natanong sa’yo *hik* Sorry … *hik* ‘di ko sinasadya” Napangiti na lamang ako hahaha nagsasalita siya ng nakapikit.

“It’s okay” Napakamot na lang ako ng ulo haahhaa sira ka talaga Noel kinakausap mo yung lasing. “But honestly, hindi ko alam kong bakit hindi ako sumagot ng WALANG PAG-ASA na maging tayo ang dali lang non sabihin pero ang hirap gawin, kasi baka masaktan kita. PERO Nichole sinasabi ng puso ko na MAY PAG-ASA pero sinasabi ng isip ko na hindi pwede dahil teacher ako at estudyante kita. Sa nakalipas na ilang buwan masasabi ko sa sarili ko na.

“Nagugustohan na ata kita” Napangiti naman ako sa sinabi ko. “Sleep well Nichole, dream of me” I kissed her forehead at kinomotan siya,  nagtungo na rin ako sa sofa para matulog na may ngiti sa mga labi.




A/N: Sooooo ito na naman ako hehehe Maraming salamat sa support at sa pagbabasa  I truly appreciate it lab you! 😍

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now