#29

22 0 0
                                    

Noel's POV

Sobrang bilis lang ng panahon at dalawang linggo na lang ay graduation na ng grade 12 at moving up na rin ng grade 10 students. Wala na rin silang pasok at ang tanging ginagawa na lamang nila ay ang mag practice para sa graduation, at ang guro na nag pa-practice sa kanila ay si Ms. Valdez . Kami namang mga teachers ay may mga tinatapos pa na mga paper works.

Nandito ako ngayon sa room, nag ta-type ako sa laptop ko, nakita ko naman si Nichole na pumasok ng room, kaming dalawa lang ang nandito, nagtama ang aming paningin pero umiwas kaagad ito at may kinuha lang sa bag niya at umalis. Napabuntong hininga ako at naalala ko na naman ang nangyari nong isang araw.

(Flashback)

"Good morning sir" Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Mariel at Nichole, maliban sa kanila ako pa lang ang nandito sa faculty.

"Good morning😊" Tumungo naman sila sakin, napasulyap ako kay Nichole pero hindi ito makatingin ng maayos sakin.

"Ito na po yung project ko na photo album" Panimula ni Mariel. Ngumiti naman ako sa kanya at kinuha ang inabot nitong photo album.

"I-ito rin po yung sa akin sir" Sabi ni Nichole, nasa likod ito ni Mariel. Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Okay naman kami nong senior's night ah.

"Sige salamat" Sabi ko at kinuha na rin ang project niya. Aalis na sana ang mga ito pero tinawag ko si Nichole.

"Nic, maiwan ka muna" Sabi ko. Halata naman na parang nag alangan itong magpaiwan pero ilang saglit pa at lumapit na ulit ito sa desk ko.

"Okay ka lang ba? Are you avoiding me?" Tanong ko sa kanya. Nagsalita naman ito ng nakayuko.

"Okay lang ako sir, at mas lalong hindi kita iniiwasan" Sabi nito.

"Wala dyan sa baba ang kausap mo, nandito ako sa harapan mo. Tumingin ka sakin" Dahan-dahan naman nitong inangat ang ulo niya, nagkatinginan kaming dalawa at halata sa mga mata nito na umiyak siya.

"Anong problema?" I asked her.

"Wala po" She answered.

"Come on, tell me" Wika ko pa.

"Masama lang po pakiramdam ko" Sabi nito. Bigla naman akong nag-alala. Lumapit naman ako ng tuluyan sa kanya.

"May lagnat ka ba?" Sabay dikit ng kamay ko sa noo niya, hindi naman ito mainit.

"Wala akong lagnat sir, I'm not feeling well lang po" Sabi nito.

"Sige, hatid na kita sa bahay mo" Sabi ko.

"Ha? Hindi na po sir, malapit na rin naman mag uwian eh, okay lang po".

"No, I insist. Hihintayin mo pa bang may mangyaring masama sa'yo ha? At tsaka isang oras pa bago yung uwian. Baka bigla ka na lang mahimatay dyan. Bakit ka ba kasi pumasok ha? Masama naman pala pakiramdam mo eh" Panenermon ko sa kanya.

"Sorry po" Yun na lamang ang nasabi niya. Aalis na sana kami sa faculty ng biglang may pumasok..... yun ay si Melany.

"Hi!😊" Ngiting-ngiti ito na akala mo sobrang bait niyang tao.

"What are you doing here?" I asked her, na may galit sa tono.

"Bawal na bang bisitahin yung BOYFRIEND KO?" Sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi niya, napatingin ako kay Nichole na halatang nagulat din sa sinabi ni Melany. Alam na rin ni Nichole na kapatid ko lang si Roselyn at hindi ko girlfriend kaya naman ganon na lang ang pagkagulat niya nong malaman niya yun. At ngayon ito na naman.... hayst!.

"Ahmm... Excuse me sir, maiwan ko na po kayo" Sabi nito.

"Ihahatid pa kita Nic" Sabi ko sa kanya. Tipid itong ngumiti at nagsalita.

"No need sir, I can manage po. Tsaka may bisita ka pa po" Sabi nito sabay alis. Napabuntong hininga naman ako at napa face palm na lang. Tinignan ko ng masama si Melany na ngiting-ngiti pa.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Inosente nitong sabi.

"Why did you said that?"

"Dahil dun din naman naman tayo papunta diba? Magiging boyfriend na ulit kita"

"Correction Melany, EX-boyfriend" I emphasized the word EX. Ngumiti lang naman ito na parang nang-aasar.

"Mel, ano na naman ba 'to?! Hindi ka na talaga nakakatuwa!. Txt ka ng txt sakin, tapos halos buong araw kang tumatawag sakin. Tapos pupunta ka pa dito? Melany ano ba naman yan?! baliw ka na ba talaga ha?, how many times do I have to tell you na HINDI NA KITA BABALIKAN!".

Nawala naman ang ngiti nito. Lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Noel please.... ako na lang ulit... please Noel😢 I'm begging you please.... I pomised na hindi kita lolokohin at iiwan pa, Noel..... nakikiusap ako, I still loved you. I really do" Tumulo naman ang mga luha nito.

"Mel, I'm sorry. Hindi na kita mahal. At matagal na rin akong naka move on sa'yo. I'm really sorry Melany, pero hindi ako yung lalaking para sa'yo, marami pang iba dyan na deserving sa love mo. At hindi ako yun" Bumitaw naman siya sa pagkakahawak sa kamay ko at pinahiran ang mga luha niya.

"No, Hindi ako papayag na hindi ka babalik sakin. Lahat gagawin ko Noel, bumalik ka lang sakin. Nagkamali na ako nong una dahil pinakawalan pa kita, pwes ngayon hinding-hindi ko na hahayaan na mawala ka pa. Mahal na mahal kita Noel. Mahal na mahal" Nagulat naman ako ng bigla niya akong halikan, hindi kaagad ako naka pag react.

Bigla naman akong napabalik sa ulirat ng makita ko si Nichole, nahulog ang mga dala nitong photo album, at halatang nagulat sa nakita. Napalayo ako kay Melany at ang bruha naman ay ngiting-ngiti pa.

"I-Im.... s-sorry" Sabi na lamang nito at umalis. Hinabol ko naman ito at ng maabotan ko siya, I grabbed her hand, at pinaharap sakin. Parang binasag naman ang puso ko ng makita ko siyang umiiyak. AKO na naman ang dahilan.

"Nic, it's not what you think"

"O-okay lang po sir. Wala ka po dapat na eh explain kasi estudyante mo LANG po ako. At natural lang naman sa magkasintahan na maghalikan" Pinahiran nito ang mga luha niya pero kusa parin itong tumutulo.

"Nic, hindi ko siya girlfriend. She's my EX girlfriend na gustong makipagbalikan sakin. At yung halik na yun kanina, siya yung biglang humalik sakin".

"Sir, bakit ka po nagpapaliwanag sakin? I'm just your student sir, student mo lang po ako".

"Nic,..."

"Hindi mo na po kailangan mag explain. Wala naman po akong karapatan na marinig ang explanation mo"

"Alam kung nagugulohan ka Nic, but I just want to say na..... na sasabihin ko sa'yo soon kung bakit ako ganito sa'yo.

"Ewan ko sa'yo sir, nagugulohan na talaga ako sayo" Sabi naman nito at umalis na nga ng tuluyan.


(End of flashback)

Pagkatapos non napansin ko na ang pag-iwas sakin ni Nichole at napapansin ko rin na parang palaging mugto ang mga mata niya. At alam ko na ako na naman ang may dahilan non. Hayst Nichole... wag kang mag-alala masasabi ko rin sa'yo na mahal kita, malapit na ang graduation, sana kapag nasabi ko na sayo na mahal kita, sana maniwala ka.



A/N: Hi 😊😊🤗 Pasensiya na at sabaw na sabaw talaga yung chapter na to alam kung nagugulohan na rin kayo sa mga sinusulat ko dito (ahaha ako din naman) pag pasensiyahan niyo na po, Kagagaling ko palang sa sakit kaya ganito yun mga naisulat ko hehe😄 pero babawi ako sa susunod kung update🤗 Salamat😍 love yah!💞💋

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now