#36

14 0 0
                                    

Nichole's POV

"Nichole, MAHAL NA MAHAL KITA" Napabitaw ako mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya.

"M-Martin, a-are you j-joking right?" Sabi ko sa kanya. I can't believe this.

"Hindi ako nagbibiro Nic, remember nong high school pa lang tayo, you always asking kung sino ba yung taong mahal ko. Nic, nong mga oras na yun hindi pa talaga ako handang umamin sa'yo ng totoong feelings ko. Nic, Mahal-" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Stop.... Just stop, I'm s-sorry" Yun na lamang ang nasabi ko sa kanya, dahil hindi ko alam kung ano ba ang nga tamang sasabihin ko. Hindi ko na alam nagugulohan ako. "I-I have to go" Kinuha ko na ang pouch ko sa lamesa at dali-daling umalis, lumabas ako ng resto at alam kung sinusundan ako ni Martin.

"Nic! please mag-usap tayo. Nic, please" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya, lumapit siya sakin at kitang-kita sa mga mata niya na naiiyak na ito, at nakikita ko rin na nasasaktan siya. Oh God! Hindi deserve ni Martin ang masaktan.

"Nic, I'm sorry kung naging torpe ako at hindi ko agad nasabi sa'yo na mahal kita. Dahil Nic, alam ko naman na kapag sinabi ko sa'yo may magbabago talaga sa friendship nating dalawa😢. Nichole, Mahal na mahal kita, matagal na... Mula noon na alam kung may mahal kang iba at hanggang ngayon kahit na siya parin yung mahal mo".

"I'm sorry Martin because all this time nasasaktan na pala kita, I'm sorry dahil napaka manhid ko para hindi mapansin na mahal mo pala ako. I'm really sorry Martin pero-"

"Siya pa rin ba talaga?"

"Martin..."

"Siya pa rin pala. Pero okay lang Nic, natiis ko nga na maghintay sa'yo kahit ilang taon. Alam kung makakaya ko pa rin na maghintay ulit sa'yo".

"I'm sorry Mar, 'wag mo na akong hintayin dahil alam kung mapapagod ka lang".




Nandito ako ngayon sa bahay, nakatingin lang sa kawalan habang nakahiga. Hindi pa rin ako makapaniwala na matagal na pala akong mahal ni Martin, matagal ko na pala siyang nasasaktan ng hindi ko manlang alam.

Naputol ang malalim na pag-iisip ko ng mag ring ang laptop ko senyales na may tumatawag. And it was Mariel. Pagsagot ko ng tawag lumitaw agad yung mukha niya at halatang na sa hospital pa ito ngayon.

"Hi bes!" Masigla nitong litanya.

"Hi" Tipid na sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Umamin na siya sa'yo kahapon di ba?" 

"You know?"

"Of course mag pinsan kami eh kaya alam ko. Alam ko rin na mahal ka niya"

"Bes, Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Kapag sinabi ko ba sa'yo, may magbabago ba?" Napayuko na lamang ako sa sinabi nito. "Bes, mahal na mahal ka ng pinsan ko na kahit alam niyang may mahal ka ng iba pinili niya pa rin na mahalin ka. Pinili niyang magpakatanga sa'yo dahil nagbabakasakali siya na balang araw baka sakaling masuklian mo yung love niya para sa'yo"

"Bes, I'm sorry. I'm sorry hindi ko naman alam eh"

"'Wag ka sakin humingi ng sorry bes, kundi kay Martin. Kasi alam ko na sobra siyang nasasaktan ngayon. Talk ko him again"

"Pero bes, hindi ko alam kung kaya ko bang magpakita sa kanya sa lahat ng mga nagawang kasalanan ko sa kanya, sa lahat ng sakit na naramdaman niya dahil sakin"

"Hindi mo naman sinasadya bes eh dahil hindi mo naman alam. Sige na bes, mag usap kayo ulit. Ayusin niyo yung pagkakaibigan niyong dalawa, kahit yun manlang maayos niyo"

"Salamat bes, salamat talaga"

"Asusss ikaw pa ba tsaka pinsan ko si Martin at best friend kita kaya tama lang na tulungan ko kayong dalawa"

I smiled at her "Mag-iingat ka diyan ha, I missed you"

"Ikaw din, I missed you too bes.. See you soonest😊"

"See you soon" And with that she ended the call. Pinatay ko na rin ang aking laptop at napabuntong hininga. I grabbed my phone para tawagan siya, pero I decided na lang na puntahan siya sa bahay niya.





Nandito na rin ako sa labas ng bahay nito, at kanina pa ako doorbell ng doorbell pero hindi pa rin siya lumabas ng bahay para pagbuksan ako. Kaya nag decide na lang ako na pumasok na lang since hindi naman naka kandado ang gate. Kakatok na sana ako sa pinto nito ng maramdaman ko na bukas pala ito. Unang bumungad sakin ay yung sala ng bahay kung saan ang daming nagkalat na mga bote ng beer at mga snacks, kinabahan naman ako kaya dali-dali akong pumunta ng kwarto niya kaya lang naka lock ito.

"Martin?? Martin open the door!" Patuloy ko na pagkatok sa pinto ng kwarto niya.

"Martin! Si Nichole to! just please open the door! Martin!!" Pero wala hindi niya pa rin ako pinagbuksan ng pinto. Hinanap ko na lang ang mga lagayan ng mga duplicate keys at sa wakas nahanap ko na rin ito at binuksan na ang pinto. Bumungad sakin ang amoy ng alak at kagaya ng sa baba mga bote ng beer.

"Martin..." Pumasok ako ng tuluyan sa kwarto nito at nakita ko siyang nakaupo sa isang sulok at nakapatong ang ulo nito sa mga braso niya. For the first time, ngayon ko lang nakita si Martin na ganito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, naiiyak na rin ako sa Martin na nakikita ko ngayon, he is a mess and that because of me.

Dahan-dahan kung hinawakan ang buhok nito, nag-angat naman siya ng ulo at tumingin sakin. Mugtong-mugto ang mga mata nito at halatang lasing pa ito.

"Nandito ka" Sabi niya. "Lasing na nga siguro ako, kasi nakikita kita. Lasing na nga ako" Sabi nito habang tumatawa ng peke at may tumulong luha sa mga mata nito.

"Nandito ako Martin, totoo ako" Sabi ko sa kanya, dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ko at ng mapagtanto na totoo nga ako, niyakap niya agad ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita Nichole, ako na lang pleaseeee... I'm begging you ako na lang.... Mahal na mahal kita, hindi kita iiwan... Nichole akin ka na lang" Iyak siya ng iyak habang sinasabi ang mga katagang iyon. Wala akong kahit isang salita na lumabas galing sa bibig ko, napaiyak na lamang ako dahil sa awa sa kanya. Hindi ito yung Martin na kilala ko, hindi ito yung Martin na sobrang hina. Kaya lang naman siya nagkakaganito dahil sa akin.

Naramdaman ko na parang nakatulog ito sa sobrang kalasingan at pag iyak kaya naman bumitaw ako sa yakapan naming dalawa. At tama nga ako nakatulog siya, kahit na mabigat si Martin inakay ko pa rin siya para makahiga na siya ng maayos sa kanyang kama. Pinalitan ko na rin siya ng damit pero syempre hindi ko siya pinalitan ng pants. Pero bago yun kumuha muna ako ng maligamgam na tubig at pinunasan siya. Iniligpit ko na rin ang mga kalat nito at naglinis ng kanyang bahay. I check the time and its already 5: 36 pm kaya naman I decided na mag grocery para ilagay sa ref nito at tinapon ko naman ang lahat ng mga alak na nasa ref nito.

6:45 na ako nakabalik ng bahay niya at nagpasya na rin ako na dito ako matutulog sa bahay nito at hindi muna ako papasok sa opisina bukas. Nagluto naman ako ng aking hapunan, since alam ko na bukas pa siguro magigising si Martin dahil nga sa lasing na lasing talaga ito.





A/N: Sobrang haba ng chapter na 'to kaloka😂.

ps. Don't worry guys malapit na ulit silang magkita ni Mr. Barreto at Ms. Chan😊

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now