#37

13 0 0
                                    

Author's POV

"Anak, kain ka muna" Sabi ng isang ginang, dahan-dahan bumangon ang huli at sumandal sa kanyang kama. "Pagkatapos mong kumain uminom ka na agad ng gamot ha?" Sabi pa nito. Tipid na ngiti lang naman ang isinukli ng huli sa kanyang ina.

"Alis na muna ako, just call me if you need anything anak" Hindi naman nagsalita ang huli, kaya hinayaan na lang siya ng kanyang ina at umalis. Pero bago nito isara ang pinto, napasulyap ulit siya sa kanyang anak at nakita nga niya ito na dahan-dahan na kumakain at napapatingin din sa kawalan. Bumuntong hininga ito at isinara na ng tuluyan ang pinto.

Kinuha naman nito ang kanyang cellphone at may tinawagan nito ang kanyang panganay na anak.

"Yes ma?"

"Naaawa na ako sa kapatid mo" Naluluha nitong litanya.

"Do you think kailangan na nating ipaalam ito kay Nichole?"

"Kung ako lang yung masusunod anak, pero ayaw niyang ipaalam"

"Yun na nga po eh pero ma 'wag kang mag-alala gagaling din siya. All we have to do is pray, naniniwala akong gagaling siya" Pag co-comfort nito sa ina.

"Sana nga anak... sana"


Nichole's POV

Maaga akong nagising dahil magluluto ako ng breakfast namin at naghanda rin ako ng ginger tea para naman kahit papaano ay mabawasan ang hang over nito.

Habang naghahanda ako ng breakfast namin ni Martin, maya-maya pa ay may narinig ko na may mga yabag ng paa pababa ng hagdan. At papunta na rin ito ngayon sa dining area.

"N-Nichole?"

Napatingin ako sa gawi niya at nginitian siya. " Good morning, gigisingin na sana kita. But since gising ka na, kain na tayo"

"A-ah, bakit ka nandito? I mean, kailan ka pa nandito?"

"Can we just talk later? 'Wag na nating paghintayin yung blessing😊 Let's just eat breakfast first"

"O-okay" Umupo na agad ito at nilagyan ko naman siya sa plato niya ng fried rice, bacon, egg, hot dog, at tocino. "Ah, Nic masyado ng madami 'to"

"Just eat that, 'wag ka ngang magpagutom" Sabi ko sa kanya. Dahan-dahan na lang itong tumango, bigla naman siyang napahilot sa sentido niya. Tumayo ako agad at kinuha sa kitchen ang ginawa kung ginger tea. "Hang over yan, Here ginawan kita ng ginger tea, ito rin yung iniinom ko sa tuwing may hang over ako. Pangpatanggal ng sakit ng ulo yan"

"T-thanks Nic" Ngumiti lang naman ako sa kanya, at nagsimula ng kumain. Napansin ko naman na pasulyap-sulyap ito sakin, hinayaan ko na lamang siya.


"Nic, B-Bakit ka nga pala nandito?" Nandito na kami ngayon sa sala.

"Tatawagan na sana kita kahapon para makausap ka, but then I decided na lang na puntahan kita dito sa bahay mo. Nadatnan kitang lasing na lasing sa kwarto mo, iyak ka din ng iyak habang niyayakap mu'ko. Hanggang sa nakatulog ka"

"I'm sorry, hindi mo dapat nakita ako sa ganong sitwasyon"

"Ako dapat ang humingi ng sorry sa'yo Martin, dahil sakin nasa ganong sitwasyon ka kagabi. Hindi ganon yung Martin na kilala ko, Ikaw kasi yung tipo ng tao na masayahin, masarap kausap, masayang kasama, malakas ang loob, hindi masyado umiinom. Pero yung Martin na nakita ko kagabi, mahina, mugto ang mata dahil sa kaiiyak, lasing na lasing. At dahil yun sakin, I'm really sorry Martin, hindi ko sinasadyang saktan ka, sana... sana mapatawad mo pa ako, sana hindi ka galit sakin" Umiyak na nga ako ng tuluyan, napayuko na lamang ako dahil sa pagka guilty ko sa kanya. Humikbi na rin ito, hinawakan naman nito ang kamay ko at iniangat ako ng tingin. I saw the pain in his eyes, yung mga matang yan na hindi ko akalain na iiyak ng dahil sakin.

"Nic, Kahit kailan hindi ako nagalit sa'yo, Oo nasaktan ako Nic pero hindi ko magawang magalit sa'yo dahil lang sa hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko para sa'yo. It's okay with me. Just please Nic, don't stop me of loving you because I don't know how to stop"

"But Martin masasaktan ka lang... mas lalo kang masasaktan"

"Mas masasaktan ako kapag pinigilan mo yung love ko para sa'yo, Hindi ako nanghihingi ng kapalit Nichole. All I want is hayaan mo lang akong mahalin ka" Niyakap ko sa bigla, hindi ko na rin kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Tinugonan naman nito ang yakap ko. Nagtagal kami sa ganong posisyon ng siya na mismo ang bumitaw.

She wiped my tears. "'Wag ka nag umiyak, ayukong nakikita kang umiiyak okay?" Sabi nito. Tumango naman ako at napangiti sa kanya.

"A-are will still friends?" I asked him.

"Of course! kailan ba nawala ang pagkakaibigan natin" Pareho kaming napangiti sa isa't-isa.

"Ahmf, Mar?"

"Yes?"

"Ahmf, pinakialaman ko pala yung laman ng ref mo ha, eh kasi naman puro mga junk foods, tapos mga beer. Yung mga beer tinapon ko na, tapos pinag grocery na rin kita ng mga healthy foods"

"T-totoo?"

"Ah huh" Sabi ko.

"Well, I must say hindi na talaga ako iinom😂😂 ang sakit kaya sa ulo kinaumagahan"

"😂😂😂 Okay lang naman uminom, just make sure lang na hindi masyadong marami"

"Yes ma'am!" Sabay kaming natawa.

"May dala ka bang damit Nic?"

"Ah, yeah dumaan din kasi ako sa bahay kahapon eh before I go to grocery. Why?"

"Tara, pasyal tayo"

"Ha? Where?"

"Kahit saan, tara!"

"Sige ba!"

"Sige, ganito... paunahan tayong umakyat sa hagdan ang mahuhuli siya ang manlilibre. Ano game?" Sabi nito with matching taas ng kilay pa.

"Game!"

"1... 2... 3... go!" Nag-unahan kaming dalawa sa pag akyat ng hagdan at sino pa ba ang mananalo? Edi ako!😂😂😂.
Tawang-tawa naman kaming pareho sa pinag-gagawa naming dalawa.

"Pano ba yan?" Pagmamayabang ko sa kanya.

"Oo na panalo ka na, hayst ubos na naman laman ng wallet ko nito"

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Edi withdraw ulit" Sabi ko.

"Ah ganun?" Lumapit ito sakin na parang may binabalak at alam ko na kung anong gagawin nito sakin.

"Oh my gosh, stay there! wag kang lalapit sakin" Sabi ko rito.

"Alam mo Nic, matagal na rin kitang hindi..... nakikiliti eh...." Sabay ngiti nito ng nang-aasar. Haha yes you read it right. Madalas akong kilitiin ni Martin sa tuwing malungkot ako, o di kaya trip niya lang😂😂😂.

Tumakbo ako papasok ng kwarto, at hinabol naman ako nito. Kiniliti niya ako ng kiniliti at tawa kami ng tawa sa kalokohan naming dalawa. Na miss ko 'to... sobra😊.

Sana hindi ko na makita yung Martin na mahina, sana ganito na lang siya palagi... masaya. Because Martin is a kind of person na hindi dapat sinasaktan at pinapaiyak. Kundi dapat sa kanya minamahal. Yun nga lang MAHAL ko siya bilang kaibigan

A/N: Hindi alam kung anong nagyayari sakin pero kanina pa mainit ang ulo ko, at naiiyak ako😢 hindi ko alam kung ano bang problema ko😢😭kaya nakapag update ako ngayon dahil nga itong pagsusulat lang yung stress reliever ko. Hayst... Hope you all like it.

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now