#18

14 0 0
                                    

Author's POV

Nasa iisang van lang silang lahat. Here's the arrangement.

Driver - Mrs. Marjorie
Mary - Nathan (anak nila) -Joey
Marijoy - Mich (anak nila) - Miguel
Nichole - Mr. Noel

Sila lang naman at kasyang-kasya silang lahat sa van. Tahimik lang naman ang atmosphere ng lahat habang nasa byahe, mabuti na lang at hindi gaanong traffic kaya naging tuloy-tuloy lang ang pagtakbo ng sasakyan.

.
.
.
.
Dahil sa hapon na nga sila umalis, naabotan na sila ng gabi sa daan at nagpasya ang mga ito na mag stop over na muna dahil kakain sila ng dinner. Bumaba silang lahat at pumasok sa isang restaurant, nag order ang mga ito ng pagkain at pagkaraan ng ilang minuto nagsimula na rin silang kumain.  Nang biglang napadako ang tingin ni Mary kay Nichole.

"Iha, okay ka lang ba?" Namumula kasi ang dalaga at sobrang pinagpapawisan.

"M-may....pe...pepper .... ba 'tong pag...ka...kain?" Nahihirapan na rin itong huminga, medyo nagpanic na rin sila lalo na si Mr. Noel na katabi nito. Pinaypayan naman siya nila Marijoy at Mary. Bubuhatin na sana nito si Nichole pero pinigilan siya ng dalaga at pinakuha na lang sa kanyang bag ang dala nitong gamot. Maya-maya pa ay naging maayos na ang paghinga ng dalaga at nawawala na rin ang pagkapula nito kanina.

"Okay ka na ba iha?" Tanong ng ginang.

"Medyo okay na po tita, pasensiya na po"

"Okay lang yun Nic" Sabi ni Marijoy.

"Alam mo bang pinakaba muko dun ha? Sana sinabi mo na allergy ka pala sa pepper edi sana ibang pagkain na lang yung inorder namin para sa'yo, yung pagkain na walang pepper. My gosh Nichole! hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo" Hindi naman makapag salita si Nichole sa tinuran ng guro sa kanya. Tumayo naman ito kaagad at akmang aalis.

"Noel!" Tawag ng kanyang ina. Napalingon siya sa ginang.

"Hindi ka na ba kakain?"

"Nawalan na po ako ng gana, hintayin ko na lang kayo sa labas. Sabay alis nito at lumabas na ng tuluyan sa restaurant.

Napabuntong hininga  naman ang ina nito. "Nic, pasensiya ka na kay Noel" Sabi ni Mary.

"Tama po si sir, sana po sinabi ko kaagad"

"Okay lang yun, di naman talaga natin maiiwasan na mangyari yun"  Sabi naman ni Marijoy.

Tumayo naman ang dalaga "Excuse lang po kakausapin ko lang po si sir" Tumango naman sila kay Nichole at lumabas na nga  ito.

Pumunta ito ng van, pagbukas niya dun wala ang guro. Nagpalinga-linga naman nito para hanapin ang huli. Sa di kalayuan nakita na rin niya ito na nakaupo, agad niya itong nilapitan.

"Sir" Pagtawag nito, pero hindi siya tinapunan ng tingin ng huli. Umupo naman ito sa tabi niya. "Sir.... sorry na po, hindi ko naman po akalain na may pepper yung pagkain eh"

"Kahit na Nichole, dapat sinabi mo kaagad. Nagpanic tuloy kami.... lalo na ako"

"Kaya nga po nag so-sorry na ako eh... Sorry na po sir"

"Next time kasi magsabi ka" Panenermon pa nito.

"Mawalang galang na po sir ha, nag so-sorry na po ako sa'yo eh. Bakit po ba galit na galit ka dyan, sinadya ko ba na magka allergy? sinadya ko ba yung kanina? hindi naman ah! 'wag ka ngang OA dyan sir" Tumayo na ito at akmang aalis, pero pinigilan siya ng huli, at muli silanh nagkaharap dalawa.

"Kasi natatakot ako... natatakot ako na baka hindi kita naagapan kanina, natatakot akong may mangyaring masama sa'yo at wala manlang akong ginawa"

"Bakit?"

"Dahil..... dahil estudyante kita... Dahil responsibilidad kita kasi ako ang may dala sa'yo sa sitwasyong 'to"

"Sir wala ka naman dapat na ikatakot eh, alam ko naman na responsibilidad mu'ko ngayon pero sir kaya ko naman po yung sarili ko. Dala-dala ko palagi yung gamot ko"

"Kahit na Nic, paano kung nakalimutan mong dalhin? paano kung di ka nakainom kaagad? Nic, di ko alam ang gagawin ko kapag nangyari yun"

"Sir bakit ka ba ganyan maka-asta?"

"Hindi pa ba obvious sa lahat ng ginagawa ko sa'yo? Nichole espesyal ka sakin! sobrang espesyal mo sa buhay ko"

"S-special ako sayo?"

"Oo.... Special ka sakin Nichole. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo.. hindi ko alam kung makakaya ko"  Napatulo na lang ang luha ni Nichole dahil sa sinabi ng guro nito sa kanya.




Present




Nichole's POV

Naalala ko na naman yung tagpong yun. Yung mga sinabi sakin ni sir, hindi ko expected yun, although hindi niya naman sinabi niya mahal niya din ako pero sapat na sakin malaman na special pala ako sa kanya.

Pagkatapos ng gabing yun nagpaalam ako sa kanila ni tita na hindi na ako sasama sa kanila sa province. Buti na lang at dadaan kami sa Laguna kaya naihatid na rin nila ako sa bahay. Hindi pa sana papayag sila tita na umuwi na ako pero dahil sa mapilit ako napapayag ko na rin sila. Yung sa amin naman ni sir, hindi na niya ako kinausap hanggang sa nakauwi ako sa bahay. Hindi ko alam kung bakit nag desisyon na akong umuwi matapos malaman na espesyal pala ako sa buhay ni sir, pero kasi parang naninibago pa ako sa sinabi niya at ang tanging gusto ko lang ay mapag-isa muna.

Pasokan na naman ulit at tapos na rin ang bakasyon, maaga akong nagising at pumunta na ng banyo to do my daily routines.
.
.
.
.
.
.
.
Nandito na ako ngayon sa school and as usual wala pa gaanong students. Pagpasok ko sa room nagkatinginan kami ni sir pero umiwas naman siya kaagad ng tingin sakin. AWKWARD hayst.

Kami pa lang dalawa dito at may kanya-kanya kaming ginagawa. Busy ako ngayon sa pag lilinis ng room. At tahimik lang naman kaming dalawa at walang gustong magsalita, ewan ko ba nakasanayan na talaga namin 'to yung maging tahimik na lang kapag kami lang dalawa.

Pagkaraan ng ilang minuto unti-unti ng nagsidatingan ang mga classmates ko at maya-maya pa ay dumating na rin ang best friend ko at kasama nito si Martin.

"Bessss!!! kaloka ka girl ilang weeks din tayong nagkita" Sabay yakap nito sakin. Nakipagyakapan din si Martin samin.

"Aray naman Martin! makayakap ka samin ah" Pagtataray nito sa pinsan niya.

"Si Nichole lang kaya niyakap ko, napasali ka nga lang" Pagdadahilan nito. Natawa naman ako sa dalawang 'to.

"Tumigil nga kayong dalawa diyan. Musta na?" tanong ko.

"Ito maganda parin haha tapos masaya.... ikaw? kamusta ka na bes? hayst ano na? chika naman diyan wala ka bang kasama mag new year?" Tanong ni Mariel.

"Pumasok na kayo" Napatingin kami sa nagsalita, si sir Noel pala. Napatingin siya sakin pero hindi naman ako makatingin sa kanya, pumasok na lang kami ng room at nagsimula na naman ang klase.





A/N: Hi!!!! 😊 pasensiya na at medyo sabaw ngayon yung chapter na to... Hahha honestly wala talaga akong maisip sa chapter na to pero dahil gusto ko ng maka update kaagad, kara-karaka ko itong sinulat😊 Sana nagustohan niyo😍 I love yah💋

ps: namimiss ko na si sir😢 yung crush kung guro. hayst (mjb)

skl.😂

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now