#42

13 0 0
                                    

Author's POV

Nasa kwarto silang lahat habang hinihintay na magising si Noel. Pinapanalangin nila na kapag nagising na ito ay hindi magkatotoo ang sinabi ng doktor na hindi na sila makikita pa ni Noel.

Nasa bed side naman si Nichole habang hawak2x ang kamay ng kasintahan at tinititigan lamang ito at hinahaplos-haplos ang mukha ng huli.




Kinagabihan, umuwi na muna ang mga kapatid ni Noel at ang mga asawa nito. Magpapaiwan na sana ang ina nito para bantayan ang anak pero sinabi ni Nichole na siya na lang ang magbabantay kay Noel at tatawagan na lamang sila nito kapag nagising na ito.

Mag-isang nagbabantay si Nichole kay Noel. At hawak-hawak pa rin nito ang kamay ng huli na para bang hindi na nito kayang bitawan.

"Mahal... alam mo ba, nong una tayong nagkita nong first day mo magturo sa school iba na yung pakiramdam ko para sa'yo. Akala ko nga non crush lang eh, pero habang tumatagal nagugustohan na kita until the time has come na MINAHAL na nga kita. Simula nong minahal kita pinangarap ko ng maging akin ka. Even though nasaktan mu'ko, at ang daming beses mo akong pinaiyak. Never nawala yung love ko para sa'yo. Mas lalo kitang minahal, kahit na sinaktan muko ng paulit-ulit. But still ikaw pa rin talaga" Tumulo na ng tuluyan ang luha nito. "Mahal, please wake up, ang tagal kung hinintay na maging akin ka, na mahalin mu'ko, wag mo naman akong iwan ng ganun2x lang. Mahal na mahal kita, hindi pa ako handang mawala ka. Please mahal...." Iyak ito ng iyak. Yumuko ito habang humihikbi

until....... 


















"Ni...Nichole???" Napaangat ito ng ulo at labis na kasiyahan ang naramdaman ni Nichole sa pagkagising ni Noel. Hanggang sa nangyari nga ang kinakatakutan nila.

"H-Hindi kita makita.... Bakit ganun?? Nakapatay ba yung ilaw? B-bakit ang dilim?" Halos bagsakan ng langit at lupa ni Nichole dahil tuluyan na nga itong nabulag. Medyo nagwawala na rin ito kaya tinawag na kaagad ni Nichole ang doktor.

Dumating naman kaagad ang mga ito at chineck na nila si Noel. Nakatayo lamang sa kanilang likod si Nichole at walang humpay sa pagtulo ang luha. Nagpasya na muna itong lumabas, sakto naman ito dahil dumating ang ina at kapatid ni Noel.

"How...How is he?" Tanong ng ginang.

"He can't see anymore tita" Napaiyak ang mga ito sa narinig. Hindi nila akalain na aabot pa sa puntong mabubulag ng tuluyan si Noel.

Pagkaraan ng ilang minuto napatayo silang lahat sa pagbukas ng pinto at lumabas dun di Dok.

"I'm sorry to say this pero tuluyan ng nabulag ang si Mr. Baretto. I injected him ng pangpakalma dahil hindi pa nito tuluyang natanggap na wala na itong makita..."

"P-pwede po ba siyang operahan?" Ate Marijoy asked.

"Based on his condition, hindi na kakayanin ng katawan nito ang operation. Ang tanging magagawa na lang natin ngayon ay ipagdasal ang kalagayan niya at sana maka survive siya. Pwede niyo na siyang puntahan sa loob although medyo mahina pa ito its because sa itinurok namin sa kanyang pampakalma. Excuse po" Nagpasalamat sila sa Doktor at nagpasya na silang tumungo kay Noel. Pero nakatulala lang sa isang gilid si Nichole. Napansin naman siya ni Roselyn, kaya nagpaiwan na muna ito sa labas.



Nakaupo sa bench ang dalawa sa di kalayuan sa kwarto ni Noel. Tahimik lamang silang dalawa. Until Roselyn broke the silence.

"How are you?"

"I don't know.... hindi ko alam kung okay ba ako... I'm hurt not because broken ako. pero nasasaktan ako dahil nasasaktan akong nahihirapan yung taong mahal ko💔. It really hurts ate..."
Naawa naman ang huli at niyakap si Nichole na umiiyak na naman. Pagkaraan ng ilang minuto si Nichole na mismo ang kumalas sa yakap at pinahiran na ang mga luha nito.

"S-salamat" Sabi nito.

"Alam mo Nic, nong nalaman ko na In love siya sa estudyante niya, sabi ko sa sarili ko na sana yung estudyante niyang yun mahal din siya. Dahil ayuko na siyang masaktan pa ulit dahil sa babae. And then nalaman ko na ikaw pala yun.... I've heard so many good things about you na sinabi nila mama ate at syempre ni kuya. Nong unang beses tayong nag met non, I can see through your eyes na mahal na mahal mo yung kuya ko." Naiyak na rin ito. Habang si Nichole naman ay nakikinig lamang sa kanya.

"Mahal na mahal mo yung kuya ko kahit ilang beses na niyang nasaktan yung damdamin mo, kahit ilang beses kana niyang pinalayo sa kanya. Never nawala yung love mo para sa kanya. Ilang taon man yung lumipas na hindi kayo nagkita but still you loved him even more. At ngayon na kahit gustong-gusto ng sumuko ng kuya ko never mo siyang sinukuan at never mo siyang iniwan. Ramdam ko yung love mo para sa kanya, ramdam ko yung sincerity. Kaya Nichole, I should be the one saying this to you. Thank you so much for being there para kay kuya. Thank you for not giving up, thank you for loving him even though nasasaktan kana" Nag-iiyak na sila ngayong dalawa . Nichole held her hand at nagsalita.

"Siguro nga tama yung sabi nila, na kahit ilang beses ka pang masaktan kahit ilang beses ka pang umiyak dahil sa isang tao. Siya pa rin yung isisigaw ng puso mo. Siya pa rin yung tanging mag papatibok nito. I really loved him kahit sinasabi nila sakin dati na sobrang tanga ko pagdating sa kanya. Tanga- na kung tanga pero mahal ko siya eh. Mahal na mahal."

"Nic, I know na nahihirapan kana rin at alam ko rin na ayaw mo siyang mawala but he need to rest..... for good" Natigilan si Nichole. Walang humpay na naman sa pagbagsak ang mga luha nito.

"H-hindi ko alam kung kaya ko, sobrang sakit.... Ayuko pa ate, I can't live without him. Hindi ko ata kakayanin yun"

"If you really loved him, bigyan mo siya ng kalayaang magpahinga. Kasi kahit masakit samin tanggapin ang lahat, mas gugustohin na lang namin na mag rest na siya kaysa mahirapan pa siya ng sobra. Alam mo ba kung bakita di pa siya bumibitaw?" Napa iling naman ito.

"Because he doesn't want to leave you.  Kahit na nahihirapan na siya, kinakaya niya dahil pinanghahawakan niya yung sinabi niya sayo na hindi ka niya iiwan"
Mas lalo itong umiyak sa sinabi ni Roselyn. Niyakap na naman siya ng huli.







"Should I let him go?" 








I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now