#38

15 0 0
                                    

Author's POV














Flashback


















"I'm sorry but you have stage 2 brain cancer, at kapag kumalat pa lalo ito sa utak mo, maaari kang mabulag.... at mamatay"

Parang binagsakan ng langit at lupa si Mr. Barreto ng ma hospital ito dahil sa sobrang sakit ng ulo na para bang mabibiyak na ito sa sobrang sakit. Hindi niya akalain na magkakaroon siya ng ganitong sakit, hindi niya ito inaasahan at hindi niya ito kayang tanggapin.




End of Flashback







Noel's POV

Naalala ko na naman yung pangyayaring yun 3 years ago, Isang napakalaking bangungot ng buhay ko 'tong sakit ko.

Nong nag desisyon akong umalis at magpakalayo-layo, pumunta kami ng pamilya ko sa Canada. Ako lang sana non ang aalis kaya lang gusto akong samahan ni mama kaya pumayag na rin ako. Nagtrabaho ako sa Canada bilang English Teacher, nong mga ilang taon  pa lang ako sa Canada hindi ko pa nahahalata sa sarili ko na parang may kakaiba, at first simpleng sakit ng ulo lang, hangang sa makalipas pa ang ilang buwan dun na mas tumindi ang sakit ng ulo na nararamdaman ko. One day isinugod na nga ako ng tuluyan sa hospital dahil nahimatay na lang ako sa sobrang sakit ng ulo na nararamdaman ko, at parang pakiramdam ko nanlalabo yung mga mata ko na hindi ko maintindihan.

Ilang araw pagkatapos kung ma admit lumabas na rin ang resulta ng lab test ko at confirm may brain cancer na nga ako stage 2. Iyak ng Iyak yung nanay ko at mga kapatid ko hindi nila matanggap yung sakit ko. At ako? hindi ko rin tanggap, marami pa akong plano sa buhay, balak ko pang maging girlfriend si Nichole at maging asawa ito. Pero hindi ko na ata magagawa yun dahil sa sakit kung 'to.

As the year pass by mas lalong nagiging malala yung sakit ko, I take medication pero parang hindi na nakakaya ng katawan ko yung mga iniinom kung mga gamot palagi kaya imbes na gumaling ako mas lalong nanghina yung katawan ko. And the next thing I knew nasa stage 4 na ang cancer ko. Nagpasya na rin kami na umuwi na dito sa Pilipinas dahil dito ko gustong mamatay

And this time.... tanggap ko na, tanggap ko na sa sarili ko na mamamatay ako. Tanggap ko na, na hindi ko na makikita si Nichole kapag tuluyan na akong nabulag. Tanggap ko na, na hindi ko na siya makakasama habang buhay.

Sabi sakin nila mama I should tell her about my condition, but I said no. Para ano pa? Para kaawaan niya ako? No way... Ayukong makita niya ako na nasa ganitong sitwasyon... ayuko. Mamamatay rin lang naman ako, hindi na niya dapat malaman yung condition ko. Ayuko.... ayuko....

Pero Sa anim na taon aaminin ko sa sarili kung miss na miss ko na siya, ang until now siya pa rin yung taong mahal na mahal ko, ESTUDYANTE ko na sobrang mahal ko. Hayst ito na naman tumutulo na naman yung luha ko.... kailan ba ako titigil sa kakaiyak???

Titigil lang siguro 'to kapag

NAMATAY NA AKO😢

Nichole's POV

As usual nandito lang ako ngayon sa office, maya-maya din kasi ay may meeting ako. Habang nag la-laptop ako bigla naman may nag pop-up sa email address ko senyales na may message ako. I open my email account, bigla akong kinabahan sa pangalan na aking nakita.

From: roselyn_baretto1986importa@gmail.com

Hindi ko ba alam kung babasahin ko yung email, kinakabahan ako. Umayos ka nga Nichole! message lang yan ano ka ba naman!. Hayst.

I click her name at lumabas na nga ang message nito para sakin. Habang binabasa ko 'to napakunot na lamang ako ng noo.

Hi Nichole I tried to message you in facebook pero naka private na yung account mo, Buti na lang friend kana dun ng kaibigan ko at nakita niya yung email address mo. Kaya dito na  lang kita minessage.

Nic, nakauwi na kami ng Pilipinas. Pwede ka bang pumunta sa bahay? My mother wants to talk to you. 'Wag kang mag-alala yung dating bahay namin dun pa rin kami nakatira. I hope you can come. He needs you.

Biglang napatulo na lang ang luha ko. N-nandito na siya.... and he needs me. Wait? Bakit niya ako kailangan? Bakit?

Wala naman na ako masyadong gagawin sa office kaya nag decide na lang muna ako na umuwi. Kararating ko lang ngayon dito sa bahay, umakyat na ako papunta ng kwarto ko. Pagbukad ko ng pinto agad ko din itong sinarado. Dahan-dahan akong naupo sa kama at para bang wala sa sarili na tumulo ang aking luha.

After 6 years, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng balita sa kanya.

Umupo naman ako sa sahig at kinuha sa ilalalim ng aking kama ang isang medyo may kalakihan na Box. Sa ilang taon kung itinago 'to ngayon ko na lang ulit makikita ang laman nito, binuksan ko na ang box at nakita ang mga bagay na may kinalaman kay SIR NOEL.

Una, Yung first pictures namin nong birthday ko. Pinadevelop ko 'to kasi kahit na ramdam kung iniiwasan ako at nilalayuan ni sir masaya pa rin ako dahil nakasama ko siya sa mismong kaarawan ko. Meron din kaming picture dito na stolen shot nong siya yung last dance ko, pareho kaming nakatitig sa isa't-isa.

Naalala ko na naman yung araw na yun, the happiest birthday of my life; kung pwede ko lang sana balikan yung araw na yun pero hindi na pwede parti na lang siya ngayon ng nakaraan ko😢.

Pangalawa, Mini guitar (A/N: Yung parang pang souvenir), Card na may picture niya at may naka lagay na quotes about birthday (A/N: Tama ba?😂), T-shirt na kulay Yellow na may nakalagay na B.E.L.I.E.V.E, isang mini teddy bear na may heart na hawak, at baso na may design na parang puso. Ito yung gift niya sakin nong Christmas Party dahil nga ako ang monita niya non.

Sunod kung kinuha sa box na ito ay ang gown na binili niya para sa debut ko, regalo na rin niya 'to sakin, at ang isa pang regalo nito ay ang sandals na kulay brown. Actually itong sandals na 'to hindi ko pa siya na susuot, sabi ko kasi sa sarili ko na kapag susuotin ko man ito gusto ko kasama ko siya.

Ang sumunod ko naman kinuha ay ang mga isang album, pagbuklat ko ng album na ito tumambad sakin ang lahat ng pictures namin noong new year, Meron kaming picture dito na naka-akbay siya sakin at pareho kaming nakangiti. Picture with his family, at iba pang mga picture namin nong new year. Sobrang saya ko nong araw na 'to, sobra.

And the last one ay yung Necklace, or I must say couple necklace. Ito yung binili ko non sa mall kasi sobrang nagandahan ako, hindi ko alam non na si sir Noel rin pala yung nakabili ng kapartner nitong necklace na nabili ko. Ito rin yung necklace na suot ko nong Seniors Night.

Hindi ko na naman mapigilan na umiyak sa mga alaala ko tungkol kay sir Noel.  I really missed him, so much.





A/N: Oh ayan! malapit na silang magkita 😊☺ Ihanda niyo na ang inyong panyo sa kanilang muling pagtatagpo😊, baka maiyak kayo sa kanilang pagkikitang muli😊.

See you all on my next update💕 Love yah😗

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now