#31

17 0 0
                                    

Author's POV

Naging matagumpay na natapos ang graduation ceremony. Nagkaroon naman ng pictorial ang lahat ng mga teachers, guests, at principals. At syempre hindi din mawawala ang last pictorial ng Grade 12- F. May wacky pose, finger heart. At serious face. Tuwang-tuwa ang lahat dahil nga graduate na rin sila, but at the same time nalulungkot dahil ma-mimiss nila ang iba nilang classmates at syempre ang kanilang mga guro. Nagkaroon din ng picture si Nichole at Mr. Barreto, kahit na nag-alinlangan man si Nichole na tumabi kay Mr. Barreto ginawa niya na lamang dahil nga sa mga classmates nito na panay na naman ang tukso sa kanila.

Someone's POV

"Nakahanda na po ang lahat ma'am"

"Good, make sure na hindi kayo papalpak"

"Yes ma'am" Sabay alis nito.

Napangiti naman ako at uminom ng wine bago mag salita "Bago ka man makaamin sa Nichole na 'yan sisiguradohin ko na mawawala na siya. Sa buhay mo, sa atin, sa mundong 'to. Ngayon pa lang magsaya na kayo, dahil ito na ang huling araw na magkasama kayong dalawa. Hindi ako papayag na makaamin ka sa kanya. Hindi ako papayag na makuha ka niya. Dahil akin ka lang. AKIN KA NOEL".

Noel's POV

Masaya akong pinagmamasdan ang aking mga graduate students, lalo na ang advisory ko, sobrang ma-mimiss ko sila. Nakita ko naman si Nichole, kaya nagpasya na akong lumapit sa kanya.

"Nic, pwede ba tayong mag-usap?" I asked her, napatingin naman siya sa kanila ni Mariel at Martin na para bang humihingi ng permeso. Kalaunan tumango na rin ito. I decided na dalhin siya sa Senior high building since walang gaanong mga students dito.

"Ano po ang pag-uusapan natin?" Sabi nito.

"Before that, congratulations😊 graduate ka na" Sabay ngiti ko sa kanya.

"Salamat po sir😊" Napangiti na rin ito sakin.

"Pwede ba tayong lumabas mamaya?" Tanong ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"H-Ha? Lumabas? Bakit po?" Natawa naman ako sa ka cutetan nito.

"Hmmm, may sasabihin kasi ako sa'yo. At tsaka sasamahan kitang mag celebrate dahil graduate ka na"

"Hindi naman na po kailangan sir, sa kanila ako ni Mariel mag ce-celebrate"

"Sige na Nic, minsan lang akong mag-aya. Sige ka magtatampo ako. Tsaka importante 'tong sasabihin ko sa'yo".

"Sir, pwede naman po na ngayon mo na sabihin"

"Gusto ko mamaya. Magpahinga ka muna. Kita tayo sa park, 7pm sharp. Maghihintay ako"

"Pero-" Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at naglakad, narinig ko pa na tinawag nito ang pangalan ko.

"Sir Noel!" Lumingon naman ako saglit at nagsalita.

"See you there!" Sabi ko. At hindi na siya nilingon pa.

Nandito na ako ngayon sa park nakahanda na rin ang lahat. May table na may nakalagay na mga pagkain, may flowers, at syempre dalawang upuan, may juice. Ayuko kasi ng wine baka malasing pa siya haha. Tapos may pa fireworks display din akong hinanda para sa kanya. I checked the time and its already 6: 15. Huminga ako ng malalim dahil nga sa kinakabahan ako.

6:30

6:35

6:45

6:50

7:00

7:10

7:30

Wala pa rin siya. Kanina ko pa din siya tinatawagan pero hindi ko siya ma contact. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at sobra na rin akong kinakabahan dahil baka may nangyari sa kanyang masama. No... Hindi pwede, don't be negative Noel. Ayos lang siya.
.
.
.
Ilang minuto pa akong naghintay ng biglang may tumawag sakin and it was her. Napahinga naman ako ng maluwag ng makita kung siya ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now