#14

13 0 0
                                    

Author's POV

Tanghali na nagising si Nichole dahil nga sa umaga na rin sila naka tulog ni Martin. Paggising niya pumunta agad siya sa banyo to do her daily routines. Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na ito at nagtungo sa kusina at nakita niya dun na may nakahanda ng pagkain; ang adobo na natira kahapon at may note na nakalagay sa gilid.

"Call me kung gising ka na" Galing ito kay Martin. Tinawagan niya agad ang huli at ilang ring pa sinagot na agad nito.

"Hi Nichole! Good noon" Sabi nito sa kabilang linya.

"Good noon Martin. Kanina ka pa umalis?"

"Oo, pasensiya ka na kung di na ako nakapag paalam sa'yo ang himbing kasi ng tulog mo eh. May hinanda pala akong pagkain diyan ininit ko yung adobo, kumain ka na".

"Nako okay lang, tamang-tama nagugutom na rin ako salamat 😂. Pero bakit ang aga mo naman umalis?"

"Tumawag kasi si lola nanay ni mama miss na miss na raw niya ako kaya gusto niya akong makita. Nandito na nga ako ngayon sa kanila, pasensiya kana ha di na kita masasamahan diyan. Hanggang new year din kasi ako dito eh" May bahid na lungkot na sabi ng binata.

"It's okay Martin, spend your time with your lola. Okay lang ako dito"

"Sure ka? dapat pala sinama na kita dito"

"Hahaha okay lang nga ako Martin. Sige na kain lang ako ha, I'm already starving".

"Sige eat well see you soon. And ingat ka".

"Sige, ikaw rin" She ended the call. Napabuntong hininga muna siya.

"Hayst ako na naman mag-isa dito sa bahay....Makakain na nga lang" Sabi na lamang niya at kumain na lang mag-isa.

Sa kabilang dako....

Nasa sofa ngayon si Mr. Noel at nanonood sa tv. Naupo naman ang kanyang ina sa tabi niya.

"Anak" Panimula nito, tumingin naman siya sa ginang.

"Po?"

"Hindi na kita na kamusta kahapon dahil busy tayo sa pag hahanda ng Christmas eve. Kamusta ka na?"

"Okay naman ako ma" Simpleng tugon nito.

"Yung trabaho mo, kamusta naman?"

"Okay din naman ma, nakaka stress pero masaya naman po ako"

"Alam mo anak, you can tell me everything naman di ba?"

"Oo naman ma, alam ko naman po yun" Sabay ngiti nito.

"So bakit di mo sinabi sakin na may mahal ka na" Nagulat naman ito sa sinabi ng ginang. At napailing na lang sa kadaldalan ng kapatid nitong si Rose.

"Ahmmm, sorry po ma"

"Okay lang anak, So? kailan mo siya ipapakilala sa amin?"

"Hindi ko po ata siya mapapakilala sa inyo, She's.... She's my student po" Napayuko naman ito.

Inangat ng Ina nito ang kanyang ulo at tiningnan nito ang anak "Mahal mo ba talaga?"

"Opo ma.... pero alam naman po natin di ba na hindi kami pwede"

"Maaring hindi kayo pwede ngayon dahil estudyante mo nga siya, just wait for the right time na pwede na"

"Matagal-tagal rin po akong maghihintay"

"Walang masama sa paghihintay lalo na kapag alam mo na may hinihintay ka. Mahal ka rin ba niya?" Tumango naman ang binata at nagsimulang mapaluha. "Yun naman pala eh, mahal niyo ang isa't-isa, tamang panahon na lang ang kailangan para makasama niyo na ang isa't-isa. The question is... Handa ka bang hintayin siya?"

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now