#7

20 0 0
                                    

Noel's POV

Magang-maga ang mata ko nong pumasok ako dito sa school at kanina pa nga tanong ng tanong ang mga co-teacher's ko kong anong nangyari sakin, kong okay lang ba ako. Isang pekeng ngiti lang naman ang isinukli ko sa kanila. Wala akong maayos na tulog kagabi dahil sa pag-iisip sa nangyari kahapon sa mini garden, sobrang gago ko dahil pinagsalitaan ko siya ng masasakit na salita, dahil siguro sa selos na nararamdaman ko kaya ko nasabi ang mga bagay na yun.

Pumasok na ako dito sa room at napatingin ang lahat sa akin maliban sa kanya.

"Sir ano pong nangyari sa mga mata niyo?" Andrie asked.

"Wala, sa puyat lang" I plainly said.

"Sure ka po sir? Mugtong-mugto mata niyo eh" Sabi pa ni Rizza.

"Okay lang ako. Sige na mag start na tayo ng meeting for our Christmas party" Nasabi ko na lamang.

Nag co-cooperate ang lahat maliban sa kanya, hindi siya makatingin sakin ng maayos at tahimik lang siya sa buong meeting. Nagsimula na akong magpa bunot para sa aming monito/monita. Turn na niya ngayon na bumunot, dire-diretso lang siyang pumunta sa harap ko at bumunot ng papel at bumalik agad sa upuan. Tinutokso kami ng iba but still wala siyang pakialam at nakipag usap na lang kay Mariel. Lastly, ako na ang bubunot unti-unti kong sinilip ang papel at biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa pangalan ng nabunot ko. Well sino pa ba? 😊 di ko na kailangan sabihin alam niyo na yun hehe.

"Sir sinong nabunot mo?" Jelly asked.

"Secret" Sabay ngisi ko ng nakakaloko.

Hindi na rin nila ako kinulit pa. Bago ako lumabas ng room napatingin ako sa kanya, sakto naman na napatingin rin siya sakin at nagtama ang mga paningin namin pero siya na mismo yung umiwas.

.
.
.
.
.
.
Papunta ako ngayon ng canteen para bumili ng makakain ng mapadako ang tingin ko sa isang table. Napakunot ang noo ko, magkasama sila Martin at Nichole. Oo nagseselos ako pero wala akong karapatan na makaramdam ng ganito dahil estudyante ko siya at wala kaming relasyon. Umupo ako sa kabilang side ng table, alam ko rin na napansin niya ako.

"Hahahaha sira ka talaga!" Rinig na rinig ko ang tawa niya. Hayyy sana ako na lang yung nagpapatawa sa kanya ng ganyan.

"Hahahhaaha 😂😂😂 Oh my gosh kaloka ka!!" Pinag titinginan na ng ibang estudyante ang table nila pero parang wala silang pakealam lalo na siya. Tawa lang siya ng tawa. Hanggang sa di ko na mapigilan magsalita.

"Ms. Chan, please slow down your voice, nakakaabala.ka sa ibang students" I said.

"Sorry SIR" She said. "Tara na Martin puntahan na natin si Mariel siguro naiinip na yun sa room". Tumayo siya agad at hinawakan ang kamay ni Martin para umalis. Napabuntong hininga naman ako dahil sa inis na nararamdaman ko.

Kung pwede ko lang sana ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita pero hindi pwede dahil hindi tayo ang itinadhana para sa isa't-isa.

Nichole's POV

"Iniiwasan mo na siya?" Martin asked.

"Yun yung gusto niya eh. Edi go! mabuti na rin yun para makalimutan ko na rin yung feeling ko para sa kanya".

"Sa tingin mo ba e-epekto yang pag iwas mo?".

"I think so. Bahala na, nakakapagod din kasi minsan yung magpapansin sa kanya, humabol2x sa kanya, magmukhang tanga, mag effort. Napapagod na ako".

"Napapagod ka rin pala?"

"Oo naman tao rin ako noh? napapagod din. Any way ikaw ha ang dami ko ng na ku-kwento sa'yo tapos ikaw wala. Sabihin mo na kasi sakin kong sino yang taong mahal mo para matulongan kita".

"😂 Wag na ayuko pang malaman niya eh at tska baka layuan lang ako non".

"Ha? bakit close kayo?"

"Medyo? ewan kong kaibigan na ba talaga yung turing niya sakin".

"🤔 Kaloka ano ba naman yan! medyo nagugulohan ako ha" Ginulo niya naman saglit yung buhok ko.

"😂😂 Ikaw talaga kapag ready na ako sasabihin ko sa'yo"

"Sige hehe tara na! kanina pa naghihintay si Mariel baka mabagot na naman yun" Tumango naman siya at dali-dali na kaming nagtungo sa room.

.
.
.
.
.
.
.
.
*18th birthday of Nichole and Christmas party*

Author's POV

Sari-saring togtog ang umalingaw-ngaw sa buong campus. May sound system sa stage, at may mga kanya-kanyang sound system ang bawat classroom.  Abala naman ang lahat sa mga kanya-kanyang pakulo sa kanilang  section, at ganon din ang Section F. At dahil ngayon din mismo ang debut ni Nichole napagpasyahan ng buong klase na eh surprise siya. Merong 18 treasures, 18 candles, 18 roses, 18 gifts.  18 message.

Samantala, nasa bahay parin ngayon si Nichole habang nag-aayos. Naka Red off shoulder dress siya with pink doll shoes at naglagay ng simpleng make up at nilugay lang ang straight na mahaba nitong buhok. Aalis na sana ito ng biglang bumukas ang pintoan ng kanyang kwarto at pumasok dun si Mariel.

"What was that?" Sabay tingin nito sa suot ng kaibigan.

"Malamang damit ano ba naman bes!" Walang gana nitong litanya.

"Debut mo, tapos ganyan lang yung susuotin mo?"

"Eh anong gusto mong suotin ko? mag gown ako? Nakakahiya naman kapag pumasok ako sa gate ng naka gown ano ako artista? tsk! at tsaka di ba sabi ko sa'yo nong nakaraan na ililibre ko na lang ang buong klase okay na yun!".

"Kung para sa'yo okay lang, pero sakin hindi!. Here!" Sabay abot ng malaking paper bag na dala nito.

"Ano to?" Napairap naman ang huli.

"Malamang damit! hay nako dali na pumunta kana ng banyo at suotin mo yan".

Kinuha naman ni Nichole ang nasa loob ng malaking paper bag at nagulat ito sa laman. Isang napaka gandang tube red gown na sobrang ganda ng design. at pang debut talaga ito.

"No.... no way ito isusuot ko?" Hindi makapaniwalang litanya nito.

"Yhup!" Sabay ngiti ni Mariel sa kaibigan.

"Pero bakit? I mean bakit ito? hindi ba pwedeng itong suot ko nalang?"

"Although maganda rin siya bes pero, yan dapat na gown yung isuot mo. No buts go na!" Magsasalita pa sana ito pero tinulak na siya ng kaibigan sa banyo, wala na rin naman magawa ang huli.

Nasa sasakyan na sila ngayon at papasok na ito sa gate. Halo-halong emosyon yung nararamdaman niya ngayon, excited, kinakabahan, nahihiya. Pagbukas ng pintoan ng kotse lahat ng atensiyon ng mga estudyante ay nasa kanya.

"Besy ano ba naman kasi tong suot ko bakit ganito kaloka ka talaga" Nahihiya nitong litanya at pilit ngumingiti sa mga taong nakatingin sa kanya.

"Hahahaha bes relax okay? Chill ka lang". Huminga na lamang ito ng malalim, Inaalalayan naman siya ni Martin at Mariel paakyat sa room nila. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto.

"HAPPY 18TH BIRTHDAY NICHOLE!!!!" At kasabay non ay ang pag putok ng mga confetti. Nagiging emosyol na siya ngayon dahil sa hindi inaasahang sorpresa ng kanyang mga kaklase. At kasabay rin non ay ang pag labas ni sir Noel sa likod na may dalang cake at malapad ang ngiti na naka tingin sa kanya.


A/N: ❤❤❤ I love yah readers!!!



I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now