#16

22 0 0
                                    

Author's POV

Naalimpungatan si Nichole dahil sa mga katok na kanyang narinig.

"Pasok" Walang gana nitong litanya. Pumasok naman agad ang huli.

"Mukhang napasarap tulog mo ah. It's already 4:00 pm, tara meryenda tayo" Sabay ngiti nito.

"Sige mag-aayos lang ako, susunod na po ako sir"

"Okay, hintayin na lang kita" Sabi nito at lumabas na ng kwarto. Pumunta muna siya sa banyo para mag half bath at makapag bihis. Makalipas ang ilang minuto, bumaba na ito at pumunta ng dining area naabotan niya dun ang guro at sabay na silang kumain ng meryenda. Tahimik lang naman ang dalawa. Pagkaraan ng ilang minuto niyaya nito si Nichole na pumunta ng garden, nandoon na din ang mga kapatid nito at ang sarili nitong mga pamilya, nais nito na ipakilala sa kanila si Nichole. Pagkarating nila sa garden napunta ang atensiyon sa kanilang dalawa except sa tatlong pamangkin nito na naglalaro.

"Everyone this is Nichole Chan"Sabay ngiti nito.

"Hello po" Nahihiyang litanya ng dalaga.

"Nic, siya si Mary panganay namin at yan si kuya Joel asawa niya at yung batang lalaki naman ay anak nila" Bumati ang dalawa sa kanya at nakipag beso pa ang kapatid nito kay Nichole.

"Nice to meet you iha" Sabi nito.

"Nice to meet you din po" Sabay ngiti.

"Siya naman si Marijoy yung pangatlo samin, asawa niya si kuya Miguel at yung batang babae anak nila" Nakipag kamay si Miguel sa dalaga at bumeso naman sa kanya si Marijoy.

"Hi, nice to meet you Nichole, what a beautiful name" Bumeso rin siya rito.

"Kinagagalak ko po na makilala kayong lahat" Ngumiti ang lahat sa kanya. Di niya namalayan na nilapitan pala siya ng isang cute na cute na batang babae.

"Hi po" Sabi ng cute na bata. Lumuhod naman ito para makapantay niya ito.

"Hi baby girl, what's your  name?"

"My name is Mich po"

"Ang ganda naman ng pangalan mo kasing ganda mo"

"Salamag po...Ikaw po?"

"Ako si ate Nichole"

"Ganda rin po pangalan mo"

"Salamat😊"

"Tara po play tayo"

"Ha? sige ba... tara" Masaya siyang hinila ng bata at masaya rin siyang nakipaglaro sa dalawang bata.

Napatingin naman silang magkapatid kay Mr. Noel na nakangiting pinagmamasdan ang mga pamangkin at si Nichole.

"Noel, anong ngiti yan?"

"Oh my gosh kuya, is she your girlfriend?"

"Not yet, but soon"

"Nililigawan mo?" Tanong ng ate nito.

"Nope... soon"

"Puro ka soon kuya eh ano ba talaga?" nagugulohan na litanya ni Marijoy.

"Eh kasi estudyante niya" Sabat ng kanilang ina.

"What? Sabay na gulat ng dalawa.

"Noel, kung estudyante mo siya, bakit mo siya dinala dito? 'wag sabihin na tinanan mo yan?"

"Sira! hindi noh. Wala kasi siyang kasama sa bahay nila, hindi umuwi yung parents niya ayuko naman na mag isang mag bagong taon yung tao. Ayuko siyang maging malungkot"

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now