#9

15 0 0
                                    

Author's POV

Patuloy na nagkasiyahan ang lahat at syempre hindi mawawala ang picture2x. Meron nga din sila picture ni Nichole at Mr. Baretto, kung di lang teacher ang huli bagay na bagay silang dalawa. Meron nga din silang stolen shot dalawa nong nagsayaw sila, Yung picture na nagtama ang mga tingin nilang dalawa.

"Okayyy guys, our first game is tomato dance" Na excite ang lahat sa tinuran ng kanilang guro.

"Sir sali ka din ha" Sabi ni Jecel.

"Oo nga sir dapat sumali ka" Sabat naman ng iba.

"Tapos yung partner mo po si Nichole" Masayang litanya ni Rizza na sinang-ayunan din ng lahat. 

"Ha? Hmmmm may partner na ata siya eh... si Martin" Alangan nitong sabi sabay sulyap kay Nichole.

Hinila naman ni Jelly si Martin at binulongan ng "'Wag ka ng dumaot"  ngumiti na lamang si Martin.

"If okay lang kay Nichole" Ngumiti na lang ang huli at nagsimula na rin ang tomato dance (Song: Perfect by Ed Sheeran) hindi naman nila sineseryoso ang palaro at nagkakatuwaan pa habang nakatingin sa dalawa na tahimik lang na sumasayaw habang may kamatis sa noo. Hindi maiwasan ni Nichole na mapatingin sa labi ng guro para bang inaakit siya nito (A/N: Kinilig akoooo  hahaha😄😅😍) kaya itinuon na lang nito ang pansin sa ibang direksyon. Maya-maya pa ay nagsimulang bumaba ang kamatis at dikit na dikit na ang dalawa para maiwasan na mahulog ito. Ngayon ay nasa bandang ilong na nila ngayon ang kamatis at amoy na nila ang hininga ng isa't-isa (A/N: 😄😅 Mabango hininga nila ah) Biglang hinawakan ni Mr. Baretto ang kamay nito, nabigla naman ang huli at napatingin sila sa isa't-isa at sobrang bilis ng tibok ng puso nilang dalawa.

"Kailan pa ba matatapos 'to? parang sasabog na yung puso ko dahil sa sobrang bilis ng pag tibok nito".

"Sana ganito na lang siya palagi kalapit sakin, parang ayuko na siyang bitawan".

Napatigil naman ang dalawa sa pagsasayaw ng biglang sumigaw si Jelly. "Wala na finish na, may nanalo na!" Natawa naman ang lahat sa tinuran nito at sabay na nag iwas ng tingin ang dalawa.

"🎶Pasulyap-sulyap pa kunwari, patingin-tingin sa akin di ma intindihan ang ibig mong sabihin, kung mayro'ng pag ibig ay ipagtapat mo na sa akin agad naman kitang sasagutin🎶" Pagkanta ni Rizza na sinabayan din naman ng lahat.

"😅 Ewan ko sa inyo" Sabi ni Nichole.

"Ayyiehhhh" Tukso ng lahat. Hindi na lamang pinansin ng dalawa ang panunukso nila. At sympre ang nanalo ay ang ating dalawang bida (A/N: Sino pa ba? alangan naman ako di ba? 😅😆 Charrr). Hinila naman saglit ni Mariel ang kaibigan.

"Bakit bes?" kunot noo nitong litanya".

"Anong tingin yun ha?" Taas kilay na sabi nito.

"Ha? anong tingin?" Pagkukunwari pa nito.

"Yung tingin mo sa kanya parang in love na in love ka talaga kay sir. Tapos yung wish mo pa kanina, ano yun? hayst bessy sinasaktan mo lang yung sarili mo"

"Bes, please birthday ko ngayon kaya sana pagbigyan mo naman ako" Napa look down ito na parang maiiyak.

"Tsk! fine. Pero pagkatapos nito please lang Nichole layuan mo na si sir Noel and please wag ka ng magtangka na gumawa ng effort para mapansin ka niya, ayukong mag mukha kang tanga at ayuko ng makita kang umiiyak ng dahil sa TEACHER natin. Okay? " Sabi nito.

Nag angat naman ito ng ulo at tumango na lang sa kaibigan.

Nagpatuloy ang kasiyahan ng lahat. At ang ikalawang laro ay paper dance, kung saan kailangan walang kahit na anong parte ng katawan nila ang nakasayad sa lupa at kailangan pag stop ng music ay parehong naka tungtong ang dalawa sa manila paper.

"Sir kayo ulit ni Nichole ang magka partner" Sabi ni Andrie.

"Kayo ha nahahalata ko na kayo. Pilit niyo kaming pina partner dalawa" Sabi ng guro.

"Si Martin na lang partner ko" Biglang sabi ni Nichole.

"Ha?" Siniko naman ni Nichole si Martin na katabi lang naman nito at tumango na lamang ang huli.

"Sayang!" Sabi naman ni Rizza.

"Emcee na lang ako😊 Sige na punta na kayo sa mga pwesto niyo at magsisimula na ang game" Sabi na lamang ng guro, nag iba ang mode nito sa sinabi ni Nichole. "Tsk. Ako mahal niya pero si Martin ang gustong maka partner. Edi kayo na lang tsk!☹" Sabi niya sa sarili niya.

Nagsimula na nga ang paper dance (Song: Señorita) Paghinto ng music ay nagsiapak na sila sa manila paper, hanggang sa paliit ng paliit na lang ang papel na kanilang tinatapakan. Hindi naman makatingin masyado si Mr. Baretto sa kanila ni Martin at Nichole. Hanggang sa umabot na nga sa apat na lang ang kalahok. Si Martin/Nichole at si Rizza/Andrie. Sumayaw-suyaw naman silang apat at pagka hinto ng sayaw ay biglang binuhat ni Martin si Nichole yung pang bagong kasal na buhat. Naghiyawan naman ang lahat dahil kinikilig sila sa dalawa, hindi naman alam ni Mr. Baretto ang kanyang eh re-react dahil siya mismo ay nagulat. Pagkaraan ng ilang minuto hindi na nakayanan ni Martin si Nichole kaya naman hindi sila ang nanalo sa palaro. Napangisi naman si Mr. Baretto ng palihim. "Buti nga sa inyo, Kung ako lang yung naka partner mo edi sana panalo ka tsk

Madami pang laro ang ginawa nila at sobrang saya ng lahat. Hanggang sa dumating na nga ang oras para sa monito/monita. Nakaupo ang lahat sa gilid at nakatayo sa gitna si Mr. Baretto.

"It's time for monito and monita😊 bago natin ibigay yung regalo sa monito or monita natin, we have to describe him/her at kailangan natin silang eh kiss sa noo" Nag react naman ang iba but at the same time ay na e-excite din.

Nagsimula na nga ang monito at monita, hanggang sa si sir Baretto na ang magbibigay ng regalo.

"She is beautiful, lalo na kapag ngumingiti. Naka red siya ngayon at siya ang star of this Christmas party, the birthday princess. My monita is Nichole" Naghiyawan naman ang lahat at nagkakagulo ang room dahil sa kilig at hindi nila expected na si Nichole pa talaga ang mabubunot niya. Dahan-Dahang lumapit si Mr. Baretto sa kanya at inabot nito ang kanyang regalo, Pinuwesto nila si Nichole sa gitna at nagsikuha ng mga cellphone para ma kuhanan nila ng litrato ang dalawa. Pumikit si Mr. Baretto at hinalikan na sa noo ang dalaga.

Sobrang saya yung nararamdaman ngayon ni Nichole hindi niya expected ang lahat ng nangyayari ngayon akala niya magiging simple lang ang kaarawan niya, pero nagkamali siya. Ang daming moments nila ng teacher niya at sobrang kontento na siya dun.

Pero ngayon lang 'to dahil after nito ay tuluyan na niyang lalayuan si Mr. Baretto at pilit na kakalimutan ang pagmamahal na nararamdaman sa guro.



A/N: Habang ini-imagine ko 'tong mga sinusulat ko napapangiti na lang ako at kinikilig😍😊 ano kaya ang pakiramdam kapag naranasan mo yung ganito noh? hehehe Sobra sigurong memorable😊. So by the way thank you guys sa mga nagbabasa nito😊 I love youuuuu

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now