#25

16 0 0
                                    

Nichole's POV

Nakauwi na ako dito sa bahay at pasalampak akong nahiga sa kama. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko yung tungkol kanina at para bang masamang musika ang mga salita na sinabi nong Rosalyn na yun.

"I'm he's girlfriend

"girlfriend"

"girlfriend"

Arghhhh!!!! Tama na!! OO na GIRLFRIEND kana niya!. Ayuko ng maalala yung kanina, nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko na may girlfriend na pala siya💔😢. Sobrang sakit malaman na yung taong mahal mo ay may girlfriend na, yung taong pinapangarap ko may nakahawak ng iba😭. Tumulo naman ang mga luha ko.

Nagising na lang ako ng makaramdam ako ng gutom. I checked the time at 9:16 na pala. Hala? ganon ba talaga ako katagal natulog? Mga 6 kami kanina nakauwi ni Mariel eh dahil nga sa pagod ako at medyo nawala ako sa mood kanina.... ayuko ng eh kwento ulit masyadong masakit😂😂 ewan!!. So any ways, nagpasya na akong bumaba para makakain na muna ako ng hapunan. Pagbaba ko nakita ko si Manang Pilar na nakatulog na ata sa sofa.

"Manang....Manang.... gising po" Naalimpungatan naman ito at kukusot-kusot pa ng mata. "Bakit po dito kayo natulog?" I asked her.

"Good evening po ma'am, hinintay ko po kasi na magising ka, hindi pa po kasi kayo kumakain ng dinner" Sabi nito.

"Pwede mo naman po akong gisingin" Sabi ko naman.

"Ginising po kita ma'am kaya lang napasarap po ata yung tulog mo kaya hinayaan ko na po na makapaghinga ka. Hinintay na lang po kita kaya lang nakatulog po ako dito sa sofa. Pasensiya na ma'am" Mahabang litanya nito.

"Nako okay lang po manang, sige na po matulog na po kayo dun sa kwarto mo. Ako ng bahala dito". Sabi ko naman.

"Sure ka po ma'am? Paghahain po muna kita".

"Oo manang sure ako, sige na po sleep na po kayo" Tumango na lamang ito at nagtungo na sa kwarto niya. Pumunta naman ako sa kusina, ininit ko muna yung ulam at naghain na sa hapag-kainan. Nagsimula na rin akong kumain.

Ilang minuto ang nakalipas natapos na rin akong kumain, medyo napadami naman yung kain ko. Hinugasan ko naman kaagad ang aking pinagkainan at umakyat na sa kwarto. Nandito ako ngayon sa may terrace, nakaupo lang habang nakatanaw sa langit. Maya-maya pa ay tumunog ang aking cellphone, I checked the caller and it was Martin. Sinagot ko naman ito kaagad.

"Yes Mar?" Panimula ko.

"Sinabi ni Mariel sakin yung kanina. Okay ka lang ba?"

"Oo naman noh? Ako pa ba? Sanay na akong masaktan" Sabi ko.

"Sabi ko naman sa'yo diba? Hindi porket sinabi ni sir na special ka sa buhay niya ay may pag-asa na kayo. Kita mo ngayon, may girlfriend na siya"

"Yeah right.... Hindi dapat ako umasa, 😂😢 Di hamak na estudyante lang niya ako. Hanggang dun na lang yun".

"Alam mo Nic, buksan mo kasi yung puso mo sa iba. Hindi yung palagi ka nalang naka focus sa nararamdaman mo kay sir, kaya ka nasasaktan ng ganyan".

"Siguro nga tama ka, kaya ako nasasaktan kasi patuloy akong umaasa kay sir. Hayst.... siguro.... pipilitin ko yung puso ko na magka-gusto sa iba, pero sa ngayon ituon ko na lang muna yung atensyon ko sa pag-aaral, ga-graduate na rin kasi tayo"

"Ayan, dapat ganyan nga, focus muna sa pag-aaral.... Hindi yung kay teacher ka naka focus" Narinig ko naman ang tawa nito.

"😂😂😂Ewan ko sa'yo"

"Maiba ako, Bakit di ka pa natutulog? Anong oras na oh".

"Eh kasi naman kanina lang ako nagising mga 9 tapos di pa ako kumakain kaya ayon kumain ako, katatapos ko nga lang kumain eh, nandito ako ngayon sa terrace nagpapalipas ng oras" Mahaba kung litanya sa kanya.

"Ah ganon ba, gusto mo pumunta ako dyan samahan kita?"

"😅Ano ka ba naman Mar, okay lang ako noh.. 'Wag mo akong intindihan, sige na matulog ka na dyan"

"Oh sige, sabi mo eh. Linggo pala bukas, simba tayo"

"Sige ba, Ilang linggo na rin kasi akong hindi nakakapag simba"

"Sige ha, sunduin kita bukas"

"Okay sige😊"

"See you tomorrow, good night. Sleep well Nic"

"See yah! Same to you" Pagkatapos non ay binaba ko na kaagad ang tawag.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nagpasya na akong matulog ulit.

Sunday Morning
6:00 am

Author's POV

Maagang nagising si Nichole dahil nga sa may usapan sila ni Martin na magkasama silang magsisimba. Ginawa na niya ang kanyang mga daily routines tuwing umaga, pagkatapos nito ay pumunta na siya sa kanyang walk'n closet, nagsuot ito ng sky blue dress, at blue sandals.

Hinihintay nalang niya ngayon si Martin sa sala. At pagkaraan ng ilang minuto may narinig na siyang nagbusina sa labas senyales na dumating na nga ang huli. Dali-dali na siyang lumabas ng kanyang bahay.

"Good morning Nic" Sabay ngiti nito. Lalabas na sana siya sa kotse at pagbuksan si Nichole, pero di na pumayag ang huli. Si Martin ay 19 years old na at may student license na ito.

"Good morning" Ngumiti siya pabalik at sumakay na ng kotse nito. Halos 30 minutes ang nakalipas nakarating na rin sila ng simbahan. Nagpasya silang sa unahan na umupo since may bakante pa naman doon, sakto naman ang pagdating nito dahil kakasimula pa lang ng mass. Taimtim silang nakikinig sa pari ng biglang mapasulyap si Nichole sa may bandang gilid nito sa di kalayuan, nakita niya ang kanyang guro. Si Mr. Barreto. Sadyang mapagbiro ang tadhana dahil napasulyap rin ang guro nito sa direksyon niya, agad naman itong umiwas ng tingin at itinuon na lang ang atensyon sa pari.

.
.
.

Halos isang oras ang nagdaan natapos na rin ang mass at lumabas na nga ang mga ito sa simbahan. Nagpasya naman ang mga ito na pumunta ng park para makapag liwaliw muna bago umuwi.

Tahimik lamang ang dalawa habang nakaupo sa bench at natatanaw ang mga bata na naglalaro.

Nang basagin ni Martin ang katahimikan.

"Nandon kanina si sir diba?" Panimula nito.

"Ah... Oo akala ko di mo napansin" Sabi nalang nito habang nakatingin parin sa mga bata.

"Sadyang mapagbiro talaga yung tadhana at kahit saan pinagtatagpo talaga kayong dalawa" Tahimik parin ang huli. "Ang swerte niya kasi may isang babae na nagmamahal sa kanya... ang swerte niya kasi mahal mo siya" Pagpapatuloy pa nito.

"You know what? Pwede bang 'wag na muna natin siyang pag-usapan? At kung pwede sana ayuko ng pag-usapan pa siya. May girlfriend na yung tao ayuko ng ipagsiksikan yung sarili ko sa kanya" Mabaha nitong litanya.

"Okay sige, sabi mo eh" Sabay tayo nito at kiniliti si Nichole sabay takbo.

"Oh my gosh! What was that Martin?" Nagulat rin kasi ito sa ginawa ng huli.

"Ikaw taya! Habulin mu'ko!!" Sabi nito na parang bata.

"Ahh ganon??? gusto mo talaga ah" Tinanggal naman nito ang kanyang doll shoes at tinali ang kanyang buhok. Tinggal rin ni Martin ang kanyang sapatos. Biglang tumakbo si Nichole kay Martin pero hindi niya ito inabotan, takbo ito ng takbo habang tawa sila ng tawang dalawa. Hanggang sa naabotan na nga niya sa Martin at ang huli naman ang naging taya.

Hinabol siya ng hinabol ni Martin.... hanggang sa nahuli na nga niya ito at kiniliti ng kiniliti habang tawa sila ng tawa.

Sobrang saya ng dalawa habang sa di kalayuan may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa kanila at nakangiti ng mapait.

"Sana balang araw mapatawa kita ng ganyan, sana balang araw ako naman ang kasama mo at hindi siya" Umalis na lamang ito sa park at umuwi na lamang.

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now