#40

14 0 0
                                    

3 days after

Author's POV

Nasa balcony ngayon ang dalawa habang nakatingin sa papalubog na araw. Tahimik lamang ang dalawa habang magkahawak ang mga kamay at ninamnam ang bawat minuto na sila ay magkasama.

"Ang ganda" Panimula ni Noel.

"Ou nga, Araw-araw nating gawin to ha?" Sabi nito, Nagkatinginan naman ang dalawa at napangiti sa isat-isa. Bumawi agad si Nichole ng tingin at ibinaling ulit ang atensiyon sa papalubog na araw. Ngunit nakatingin parin si Noel sa kanya.

"Matunaw ako" Sabi ni Nichole. Natawa naman si Noel sa tinuran nito.

"I can't help it na pagmasdan ka"

"Asuss, nangbola pa"

"I'm serious Nichole, hindi ko mapigilan na pagmasdan ka. Dahil baka ito na yung huli na makikita kita" Napatingin naman ang huli at pareho na silang nakatingin sa isa't-isa. Hinawakan ni Nichole ang kamay nito.

"No... 'Wag mong sabihin yan... Makikita mo pa ako, hindi ka mabubulag at mas lalong hindi ka mawawala" Naiiyak na rin ito.

"Nic, We have to face the reality na kahit anong gawin natin, hindi na magbabago ang katotohanan na malapit na akong mamatay. Nic, Every day I get weaker and weaker"

"Magpapagamot pa tayo, Sir Noel wag ka naman sumuko oh, Kami nga hindi ka sinusukuan tapos ikaw bibitaw na kana lang? Pano naman kami/ako.... kapag nawala ka" Tuluyan ng bumagsak ang luha nito.

Pinahiran naman nito ang luha ng huli "There is no chance na makaka survive pa ako Nic"

"There's still a chance Sir Noel, Kakayanin natin ito, Kakayanin mo 'to"

Niyakap na lamang ni Noel si Nichole, mahigpit silang nagyakapan at pagkaraan ng ilang minuto si Noel na mismo ang bumitaw sa pagkakayakap nilang dalawa.

"Nic, diba mahal kita at mahal mo rin ako" Sabi nito, napakunot naman ang noo ni Nichole at napatango na lang.

"So stop calling me Sir, di na kita estudyante eh" Natawa naman si Nichole.

"Okay si- I mean Noel hehe"

"😅Can I ask you something Nic?"

"Sure, What is it?"

"Can I court you?"

"Hay! Finally! tinanong mo rin sakin yan, tagal kung hinintay yan ah" Natawa naman sila pareho. "Hindi mo na ako kailangan ligawan, dahil ngayon pa lang sinasagot na kita😊"

"Patay na patay ka talaga sakin noh?"

"😅😂 Di ah! slight lang😂😂"

"I love you mahal" Biglang sabi ni Noel, this time seryoso na itong nakatingin kay Nichole. She smiled widely and said.

"I love you too😊"

Their lips met

And that was there 1st kiss as a couple😊



October 5

Nichole's POV

Today is Noel's Birthday! At syempre hindi mawawala ang pa surprise na hinanda ko para sa kanya. May hinanda din akong song para mamaya, Ito yung song na ginawa ko just for him.

Kanina nong pumunta ako dito hindi ko talaga siya binati, Bigla naman siyang nagsalita "Mahal, may naalala ka ba ngayon?" He asked. Shit! kinikilig talaga ako every time na tinatawag niya akong mahal😂 naninibago pa talaga ako ngayon😍.

"Wala naman Mahal. Why?" Nakita ko sa mukha niya na parang na disappoint siya sa sinabi ko. "Wala, magpapahinga lang ako" Sabi nito at humiga na sa kanyang kama, sabay talukbong ng kumot. Napangiti ako ng palihim 😊 Ang cute magtampo😍.

"Mahal, Alis lang muna ako ha, punta lang akong office,  I'll be back later pahinga ka lang diyan. I love you" Ngunit wala akong narinig na salita galing sa kanya. Confirmed! nagtatampo nga. Kundi lang ako may surprise sa kanya ngayon sinuyo ko na 'to, kaya lang kailangan ko 'tong panindigan, para ma surprise talaga siya mamaya.... Wahhhh so excited!!.

Medyo natagalan ako sa pag pe-prepare ng surprise birthday para sa kanya. Actually dito na lang namin sa kanilang magandang pool area naisipan na ganapin ang kanyang simple birthday party. Kami2x lang naman ng pamilya niya at yung mga kasamahan niya rin sa pagtuturo ang nandito kaya medyo simpleng celebration lang ito para sa kanya.

Wala siyang ka ideya-ideya na may pa ganap kami today, hindi naman kasi siya lumalabas ng kwarto niya, ayaw rin kasi namin siyang mapagod kaya dun na lang siya sa kwarto niya kaya nga madali lang samin na mag decorate ng kanilang pool area.

I check the time and its already 6:05 pm. Kaloka!, kaya pala kanina pa nag vi-vibrate yung cp ko eh panay na text at tawag yung natanggap ko galing sa kanya. Hayst! ang tigas ng ulo sabi ng wag ng mag cellphone eh.

"Ready na ang lahat" Napalingon ako sa nagsalita and it was Ate Marjorie. Napabuntong hininga ako sa sinabi nito. " Thank you for loving my brother Nic, you did'nt leave him kahit na ilang ulit ka na niyang sinaktan dati"

"I love him so much that's why I'm still staying😊" Sabi ko. Ngumiti kami pareho.

"Tawagin mo na yung birthday boy/baby boy mo, siya na lang ang kulang" Tumango na ako sa kanya at nagpa-alam na muna.

Nandito na din ako sa harap ng kwarto niya, Pinihit ko ang siradora at pumasok na ng kwarto niya. I saw him laying on his bed habang nanonood ng Tv.

"How many times do I have to tell you na bawal kang manood ng tv" Kinuha ko ang remote at pinatay ito. "At mas lalong bawal kang mag babad sa cellphone. Alam mo bang makakaapekto yan sa mata mo"

"Hindi mo na nga ako binati nanermon ka pa. " Mahina nitong sabi ngunit narinig ko naman. "Kanina ka pa umalis diba, eh bakit ngayon ka lang?" Sabi pa ulit nito.

"Here suotin mo 'to" Sabay abot sa  kanya ng damit na binili ko kanina sa mall. Kahit nagtataka sinuot na lang niya ito, tinulongan ko naman ito pero syempre walang malisya dahil ilang beses ko na rin siyang tinutulongan na mag bihis. Nang makapagbihis na ito, kinuha ko ang wheel chair nito at tinulungan siyang makaupo doon. Once's again ayaw namin siyang mapagod at tsaka mahina na rin itong maglakad.

"Saan ba tayo pupunta mahal?"

"Basta, Do you trust me naman diba?"

"Ou naman mahal ikaw pa ba"

Nakaabang naman sila kuya sa may hagdanan para tulungan akong alalayan si Noel. Halata naman sa kanya na nagtataka ito ngunit hindi na lang siya umimik.






Malapit na kami sa pool area...






Hanggang sa.....







"SURPRISE!!! HAPPY BIRTHDAY NOEL!!!"







A/N: Hey you all readers!!!Salamat sa inyo❤❤❤

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now