#13

14 0 0
                                    

Noel's POV

Nakahilata lang ako ngayon dito sa kama, mamayang hapon pa ako aalis para umuwi sa Quezon City doon kasi ako mag ce-celebrate ng Christmas kasama ng family ko. I sigh, ito na naman ako iniisip yung mga nangyari kahapon, hinayaan ko namang tumulo ang mga luha ko. Nagsinungaling na naman ako sa kanya, imbis na umamin ako ng totoo kung feelings sa kanya mas lalo ko pa siyang sinaktan. Ewan ko ba kapag kaharap ko na siya sobrang na to-torpe ako and at the same time natatakot. Hindi totoong hindi ko siya mahal dahil ang totoo sobrang mahal ko siya pero natatakot ako, natatakot akong umamin sa kanya dahil mas lalo siyang mag e-expect sakin. Teacher pa naman niya ako at estudyante ko siya, basi kasi sa rules hindi pwedeng magkaroon ng teacher-student relationship. Ayuko rin ng tagong relasyon gusto ko yung alam ng lahat, dahil gusto ko siyang ipagmalaki. Pero hindi ko yun magagawa dahil baka tanggalin nila ako sa trabaho at baka makasohan pa ako dahil pumatol ako sa aking estudyante. Siguro maghihintay na lang ako ng tamang panahon para maka amin sa kanya. Maghihintay ako hanggang sa maka graduate na siya at hindi ko na siya estudyante, at sa pagdating ng panahon na yun hindi na ako matatakot na umamin sa kanya ng totoo kung nararamdaman, sana hindi mawala yung love niya para sakin, sana sa panahong yun ako pa rin😢.

Nichole's POV

Nakahiga lang ako dito sa kama at para bang wala akong balak na bumangon. Tumulo na naman ang mga luha ko dahil sa nangyari kahapon. Hayst Nichole move on kahit anong gawin mo walang patutungohan yung pagmamahal mo para sa kanya.

Natigil ang pag-iisip ko ng biglang may kumatok.

"Nic?, Gising ka na ba? breakfast is ready" Si Martin pala, he insisted na samahan akong matulog dito sa bahay. Syempre sa guest room siya natulog noh, alangan naman dito sa kwarto ko😆.

"Sige, sandali lang. I'll just take a bath bababa na ako agad".

"Okay" Sabi niya lang at umalis. Nagpasya na akong pumunta muna ng banyo at ginawa ang aking mga daily routines every morning. Pagkaraan ng ilang minuto bumaba na ako at naabutan ko siya sa kusina na nakaupo at hinihintay na lang ako.

"Good morning" He greeted me with a smile.

"Morning" I greeted him back at umupo. Kumuha na ako ng fried rice, sausage, at tocino, tahimik lang naman akong kumakain.

"Umiyak ka noh?" Napatingin naman ako sa kanya at umiwas ng tingin.

"Dahil na naman sa kanya" Pagpapatuloy niya pa.

"Hindi ko naman maiiwasan na isipin yung nangyari kagabi at hindi ko maiwasang umiyak" Simpleng tugon ko. "By the way salamat nga pala sa kahapon sobrang nag enjoy ako, at salamat din dahil sinamahan mu'ko dito sa bahay" Pag-iiba ko ng topic. Ayuko na kasing pag usapan pa yung about samin ni sir Noel nasasaktan pa rin kasi ako.

"Ano ka ba wala yun noh, at tsaka binilin ka sakin ng kaibigan mo at hindi ko naman hahayaan na mag-isa ka lang matutulog sa bahay na 'to. Baka pasukan ka pa ng magnanakaw noh mahirap na" Sabi niya natawa naman ako sa kanya.

"After this breakfast pwede ka ng umuwi sinamahan mo na ako kahapon buong araw kaya okay na yun"

"Eh sino kasama mo dito mamayang Christmas eve?"

"Well, sarili ko na lang muna kasama ko"

"Nope! hindi ako papayag na mag-isa ka lang mag ce-celebrate ng Christmas sasamahan kita dito, whether you like it or not" Pag kontra niya sakin.

"Martin...."

"No buts Nichole😊. Pagkatapos kung kumain uuwi ako para makapagpalit ako ng damit at para maka dala na rin ako ng damit para mamaya😊. At magluluto tayo ng handa for tonight😊" I sigh at hindi na kumontra pa sa kanya at nagpatuloy na kami sa pagkain. 

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now