Nichole's POV
*Recess Time*
Nandito kami ngayon sa oval at kumakain ng snacks, naisipan ko na rin na sabihin na sa kanilang dalawa ang mga naging ganap ko nong nakaraang linggo.
"Ah... Martin, bes. May sasabihin sana ako sa inyo"
"Tungkol saan naman bes?" Tanong ni Mariel, nakatingin lang naman sakin si Martin na parang naghihintay ng sasabihin ko.
"Ang totoo kasi niyan hindi.... hindi ako ng celebrate ng bagong taon ng mag-isa, sinundo niya ako sa bahay at dinala sa bahay niya para dun ako sumalubong ng bagong taon with he's family" Napakunot noo naman ang dalawa at halatang nalilito sa pinagsasabi ko.
"Sino sumundo sa'yo? Manliligaw mo ba yan ha?" Tanong ni Martin.
"Manliligaw? Teka wala ka naman kinukwento sakin na may manliligaw ka ah" Sabi naman ni Mariel.
"Wala akong manliligaw! ano ba naman kayong dalawa tss"
"Sino nga ang lalaking kasama mo?" Tanong naman ni Martin.
"Si... si.... sir Noel" Napapikit na lang ako ng mata at hinihintay ang panenermon nila sakin pero.... napadilat ako ng marinig ko silang tumatawa.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Taas kilay kong tanong sa kanila.
"😂😂😂 Si sir?😂😂😂 bes ha, lately nag eh imagine ka ng mga ganyan di yan maganda"
"Paano ka naman susunduin non eh, nilalayuan at iniiwasan ka na nga nong tao, katulad ngayon parang di ka niya pinapansin" Tawa sila ng tawa with matching hampasan pa. Bwesit talaga 'tong magpinsan na 'to.
"Here" Sabay abot ko sa kanila ng cellphone ko at ipinakita ang mga pictures na kasama ko ang family ni sir. Hindi ko na yun inupload dahil baka pag-usapan kaming dalawa dito sa school. Nagulat ang dalawa sa mga pictures na pinakita ko.
"T-totoo 'to?" Hindi makapaniwalang sabi ni Martin. Marahan akong tumango.
"S-seryoso talaga 'to?" Sabi naman ni Mariel.
"Oo" Simpleng sagot ko.
"Akala ko ba tuluyan mo na siyang lalayuan?" Mariel said.
"Oo nga naman Nic, Ano na naman 'to?" Sabi naman ni Martin.
"Wala na akong magawa, sinundo niya kasi ako sa bahay, nakakahiya naman kung papauwiin ko, teacher ko yun eh".
"Ang sabihin mo gustong-gusto mo din... Hay nako bes! patuloy kang masasaktan sa ginagawa mo eh. Kita mo ngayon iniiwasan ka na naman ni sir" Panenermon sakin ni Mariel.
"Hindi naman siguro, busy din naman kasi si sir... Kitang-kita naman kanina eh, madami siyang ginagawa" Pagdepensa ko, hindi ko alam kung busy ba talaga siya, pero yun na lang yung tanging pinaniniwalaan ko na kaya niya ako hindi pinapansin ay dahil sa busy siya.
"So anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Martin. Kinuwento ko naman sa dalawa ang mga nangyari at halata sa mga reaction nila na hindi makapaniwala. Eh sino ba naman kasi ang teacher na susunduin ang estudyante niya sa bahay nito at dadalhin sa house niya para ipakilala sa family nito at mag celebrate ng new year magkasama. Parang si sir Noel lang ata yung kilala kung ganyan. Sinabi ko rin sa kanila yung nangyari sa sagotan namin ni sir.
"Sinabi niya talaga yun?" Di makapaniwalang litanya ni Martin.
"Oo sinabi niya, maski ako nga rin eh nagulat.... Espesyal pala ako sa buhay niya"
"Pero bes 'wag kang basta-basta magpapaniwala kay sir ha, teacher mo parin yun at alam natin na masasaktan ka lang sa huli"
"Oo naman bes" Sabi ko. Maya-maya pa ay nag ring na ang bell senyales na tapos na nga ang recess, bumalik naman kami sa room at maya-maya pa ay dumating na si Ma'am Valdez upang eh check ang aming research na ginawa. Oh my gosh! nakalimutan kung gawin yung Chapter 3 ng research wahhhhh lagot!!.