•2 months later
Nichole's POV
Sobrang bilis lang talaga ng panahon 2 months na ang nakaraan nong naging crush ko siya OO NA inaamin ko na CRUSH ko na nga siya. Sa loob ng 2 months medyo naging kilala ko na siya. Minsan may pagka moody, minsan medyo makulit at mapang-asar at simple, yun yung pagkilala ko sa kanya. So any way nandito kami ngayon sa room hinihintay si sir Noel para masimulan na ang klase. Maya-maya pa ay dumating na nga siya.
“Hi sir good morning” I smile at him, and he smiled back.
“Good morning Nichole”.
“Asuss yun lang yung sinabi kinilig ka naman” Pang-aasar ni Mariel. “Ayiehh kilig na kilig kana naman” Panunukso nito.
“Shhhh ano ka ba naman baka marinig ni sir”.
“Okay lang naman kahit marinig niya o marinig ng buong klase eh alam na kaya nilang lahat na crush mo siya” Mahabang litanya ni Mariel. OO alam na nilang lahat lalo na SIYA eh kasi naman sobrang daldal ng kaibigan ko nahalata tuloy nila na crush ko si sir kaloka naman kasi ‘tong kaibigan ko eh halos ipagsigawan na nila sa buong campus na crush ko siya sobrang NAKAKAHIYA talaga. But at the same time okay na rin yun na malaman niya at least aware siye hehhe harot2x!.
Simula nong malaman ng buong klase na crush ko siya walang humpay na tuksohan ang inabot namin sa kanila lalo na ako. At itong si sir naman tuwang-tuwa pa at sinasakyan lahat ng trip ng mga kaklase ko. Kunwari pa talaga ako eh hahaha kinikilig naman.
Nagsimula na nga ang klase at nakikinig ang lahat kay sir Noel after a few minutes of discussion nagpa test si sir samin. Habang busy ako sa pagsusulat kinalabit naman ako ni Mariel.
“Bes”
“Oh?” Nasa papel parin yung atensiyon ko.
“Bes” Pag-ulit pa nito.
“Bes naman eh, mamaya kana komopya” Busy parin ako kakasagot.
“Baliw, tapos na kaya ako” May pagmamalaki nitong sabi.
“Oh edi ikaw na yung magaling”
“Bes” Nangalabit ulit siya.
"Ms. Mariel Serene ano ba kasi yun?” This time tumingin na ako sa kanya.
“Hehehe bes, napansin ko lang panay sulyap sa’yo si sir”.
“Talaga? Napansin mo rin yun?” Sabat naman ni Jecel ang katabi namin ni Mariel. “Pansin ko rin” Pagsang-ayon pa nito.
“Ano ba naman kayo ang dami niyong napapansin. Mag focus nga kayo sa test” Pag-iiba ko ng topic pero sa loob2x ko kinikilig ako.
“Asuss wala daw pakealam pero kinikilig naman” Pang-asar ni Mariel .
“Oo na kinikilig na ako ano happy? Sige na dami ko pang sasagotan eh”
“Hahha okayyy” Sabay nilang sabi.
Napatingin naman ako sa direksyon ni Sir nagtama ang aming paningin pero siya na mismo yung umiwas at tumalikod, napabuntong hininga na lamang ako. At ibinalik nalang ang atensyon sa ginagawa ko.
Noel's POV
2 months na ang nakalipas nong nagturo ako sa school na ‘to, ilang linggo na rin ang nakalipas nong nalaman ko na crush pala ako ni Nichole. Nong nalaman ko yun binalewala ko lang yun crush lang naman eh wala namang masama sa bagay na yun. Pero ang hindi ko lang maipaliwanag kong bakit nag eenjoy ako sa tuwing tinutokso nila kaming dalawa.
Nagpa test ako ngayon sa kanila at nandito ako sa labas ng room nakatayo habang hinihintay ang lahat na matapos. Hindi ko naman maiwasan na hindi sulyapan si Nichole at ito na naman yung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. The way she think her answers, sa bawat pag kunot noo niya at pag ngiti niya hindi ko na alam kong ano ang nangyayari sakin. Nagkakagusto na ba ako sa kanya? No…. no way hindi pwede.. hindi dapat. Noel, nadadala ka lang sa mga tukso nila sa inyong dalawa. Yun lang yun. Napatingin naman siya sa direksyon ko at nagtama ang mga tingin namin pero ako na mismo yung umiwas agad ng tingin at tumalikod. I sigh.
Author's POV
The next day. Habang wala pa ang next subject nila sa hapon at sakto naman na walang klase si Mr. Barreto nagpasya itong makipagkulitan sa mga estudyante niya sa Section F. Nagkukwentohan sila ng mga iba’t-ibang mga kalokohang kwento at nagtatawanan. Maya-maya ay pumasok ang dalawa galing canteen bigla naman nagsalita si Andrie.
Nichole's POV
“Nichole, wala kana raw pag-asa kay sir” Natawa naman ang lahat. Napabuntong hininga naman ako ayannn na naman po sila. Napatingin naman ako kay sir at nakita ko siyang natatawa.
“Hindi naman ako umaasa, sadyang crush ko lang talaga siya” Naghiyawan naman silang lahat napangisi naman ako hahaha wala namang masama kapag makisabay ka rin minsan sa trip nila haha.
“Ayiiehhh sir oh crush ka daw” Tukso naman ni Jelly.
“Oo nga sir ayyiehhh”. Sabi naman ni Rizza na para bang kinikilig.
“Hahaha wala namang masama sa paghanga diba Sir?” Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.
“A-ah… yhup walang masama sa crush” Sabay ngiti rin nito.
Hanggang sa natapos ang klase sa huling subject namin ngayong hapon, patuloy parin nila kaming tinutuksong dalawa. Walang humpay na tawanan, asaran, kulitan, at tuksohan ang maririnig sa hallway. Sobrang saya lang talaga ng araw na ito.Mariel's POV
Sabado ngayon at nandito ako sa bahay ni Nichole maliban sa dalawang katulong niya siya lang ang mag-isa dito sa bahay. Nasa ibang bansa kasi ang pamilya nito. We decided na mag overnight dito sa bahay niya sense linggo naman bukas. Nanonood kami ng It’s Showtime ngayon habang kumakain ng snacks. Napatingin naman ako kay Nichole na busy sa kanyang cellphone. Binalewala ko na lamang ito dahil baka may ginagawa siyang importante.
"Bes! yung mga idol mo oh (yesss naman vicerylle😂)" Pero sa cp parin yung atensyon niya. Kaya naman di na ako nag dalawang isip na hablutin sa kanya ang cellphone.
"Hey!" Halatang nagulat naman ito sa ginawa ko. "Mariel akin na nga yan! Give me back my phone". Naiinis nitong litanya at pilit na kinukuha sakin ang cp niya.
“Hoy! Babae bakit ka chat mo si sir?” Taas kilay kong tanong sa kanya.
“About lang dun sa group project natanong ulit ako dahil may part akong hindi maintindihan”.
"Asusss... yun lang ba talaga? o baka naman dumadamoves ka lang sa crush mo?"
"Tsk! hindi noh! akin na nga" Hindi na ako komontra pa at binigay na sa kanya ang cp niya pero hindi ko parin maalis ang tingin ko sa kanya.
"What?" She asked.
"Kung may hindi ka maintindihan edi sana tinanong mo sakin para maipaliwanag ko sa'yo, tayo kaya yung magka grupo" Sabay irap ko sa kanya. “Ang sabihin mo gus-“ Pinutol niya ang dapat ko sanang sasabihin.
“Hep! Tama na okay fine! Itatago ko na ‘tong cellphone ko, kaya tara na manood na tayo ng TV It’s Showtime na pala di mo naman sinabi agad sakin”.
“Kasalanan ko pa?” Taas kilay kong litanya.
“Oh chill lang… wait lang magtitimpla muna ako ng juice ng mahimasmasan ka masyado kang hot eh hehe” Sabay punta nito sa kusina. Napailing na lamang ako at pumunta na sa pwesto ko kanina.
A/N: Hi!!!! I'm back 😊 sorry for the short update at medyo sabaw yung story ko pasensiya na po bago lang ako sa larangan ng pelikula 😂😂 ay mali ! iba pala yun hahaha sa larangan ng pagsusulat pala😊🤗. Thank you so much po sa mga nagbabasa.
Any suggestion feel free to comment below👇 at kong nagustohan niyo please vote my story and share to all your friends salamat❤
