#34

15 0 0
                                    















6 years later....

Nichole's POV

3 years pa lang ang nakalipas nong mawala ang mga magulang ko dahil sa car accident, dahil sa pag-aalala nila sakin kaya sila nawala pareho. Nong nagising ako non sa hospital, hindi na sila bumalik ng states dahil gusto nilang alagaan ako, gusto nilang iparamdam sakin yung love na matagal ko ng gustong maramdaman galing sa kanila. Pero dahil sa akin kaya sila nawala.

After ng mga ilang buwan ng tuluyan na nga akong gumaling hinanap ko si sir Noel. Yes, you read it right I searched him pero hindi ko siya mahanap. Pumunta ako sa bahay nila non pero wala akong SIR NOEL na nadatnan even his family wala na din doon, at tanging caretaker ng bahay na lang ang naiwan. Nong tinanong ko ang caretaker hindi din daw nagsabi kung saan sila pupunta basta na lang daw binilin sa kanya ang bahay.

Pumunta rin ako sa dati kung school sa Philippine National High School, pero nag resign na raw ito. Kahit saan hinanap ko siya, pati sa social media pero nag de-active na siya ng accounts niya. Sobrang lungkot ko non halos gabi2x umiiyak ako dahil gustong-gusto ko siyang makita at makausap. Ang dami kung tanong na siya lang yung tanging makakasagot, pero wala nga siya naglaho na lang siya ng parang bula. Nong nagising ako non sa hospital hinanap ko siya kaagad, pero sabi ni Mariel after niyang malaman na nagising na ako bigla na lang itong umalis, at hindi niya alam kung saan ito pumunta.

Isang araw, sobrang lungkot ko non. Down na down na talaga ako dahil sobrang miss na miss ko na siya. Umiinom at iyak lang ako ng iyak sa bar, lasing na lasing na rin ako non. Ang hindi ko alam hinanap pala ako ng mga magulang ko, dahil sobra silang nag-aalala sakin. Pero dahil sa paghahanap nila sakin nawalan sila ng preno at sumalpok sa isang truck na kasalubong nila. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nong malaman ko ang nangyari sa magulang ko, nawala bigla yung kalasingan ko dahil sa nalaman kung balita. Iyak ako ng iyak non at sobrang nagsisisi ako dahil nagpaka baliw ako sa isang taong hindi ko naman alam kung mahal ba talaga ako, pati mga magulang ko pinabayaan ko dahil sa kanya kaya sila nawala😭💔. Sobrang sakit sakin ng mga pangyayaring yun, na depress ako sa mga pangyayari at hindi ako iniwan ni Martin at Mariel. Araw-Araw pinapaalala nila sakin na I should moved on. Dahil hindi magtatapos ang lahat dahil lang sa nawala ang mga magulang ko pati si sir Noel.

Kaya heto ako ngayon sobsob sa trabaho at parang walang balak na magpahinga. Ako na kasi ngayon ang nagma-may ari ng business namin na iniwan sakin ng mga magulang ko. Nagamit ko rin dito yung pinag-aralan ko sa College na Bachelor of Science in Business Administration major in Financial. Ang pangalan ng business namin ay Chan Corporation. Ang pamilya namin ang may-ari ng mga malalaking malls sa states and even here in the Philippines. Our mall is called, The Chan's Mall (A/N: Wala akong maisip na name nakakaloka😅). Ako na ngayon ang namamahala nito at ilang years na rin akong subsob sa trabaho. Ito na lang yung kailangan kung gawin para naman mawala yung lungkot na nararamdaman ko.

Habang busy ako dito sa office may bigla namang kumatok. "Come in" Sabi ko at hindi manlang tinitingnan kung sino ang papasok. Narinig ko naman na bumukas ang pinto at sumara ulit, nagbabasa lang naman ako ng mga files.

"Busing-busy ah, nakakaistorbo ba ako?" Napakunot naman ako ng noo at parang familiar yung boses nito. Napa-angat naman ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko sa taong nasa harapan ko ngayon, nakatayo at nakangiti.


















"Martin?!!"

"😊Ako nga" Nakangiti nitong litanya. Wala sa sariling napatayo ako at lumapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Oh my gosh I really missed this guy. Itong si Martin kasi pumunta ng Thailand dahil dun siya nagkaroon ng opportunity para mag trabaho, kahit naman may kaya siya sa buhay kailangan parin niyang mag-ipon para sa sarili niya at sa magiging pamilya niya in the future. Nagtrabaho siya dun bilang engineer at kalaunan naging successful ito sa kanyang trabaho. It's almost 3 years na kaming hindi nagkita ng lalaking 'to. Si Mariel naman nandun sa France, isa ng professional Doktor, namimiss ko na rin yung loka-loka kung kaibigan😅😂.

"Kamusta ka na? Kailan ka pa umuwi ng Pilipinas?" Tanong ko sa kanya. Nagtungo naman kami dito sa may sofa  sa office ko at umupo.

"I'm fine Nic, sobrang masaya dahil naabot ko yung mga pangarap ko sa buhay😊, kanina lang ako dumating pero dahil miss na miss na kita, kahit may jetlag pa ako pumunta ako agad dito😊 How about you Nic? Kamusta ka na?"

"Aww ang sweet naman nitong kaibigan ko. Well Masaya ako para sa'yo, sa pagiging successful mo😊. Hmmf ako? Okay naman ako kahit pagod sa trabaho masaya naman" Sabay ngiti ko sa kanya. "Teka lang kuha lang ako ng juice" Tatayo na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko.

"It's Okay Nic, 'wag ka ng mag-abala" Tumango na lamang ako at umupo ulit. Binitawan naman na nito ang kamay ko.

"Kamusta ka na?" Pag-uulit nito sa tanong niya kanina. Natawa naman ako. "As I said okay la-" Pinutol nito ang sasabihin ko.

"No, you're not. Nic, kitang-kita sa mga mata mo na hindi ka totoong masaya. Nic, 6 years na ang nakalipas hindi ka parin ba nakaka move on sa kanya?"

"Mar, ano bang pinagsasabi mo? Of course! I totally moved on. Sino ba naman ang hindi makakamove on sa taong hindi mo na nakikita ng 6 years diba? Tsaka ano ka ba naman Martin, puyat lang ako kaya akala mo malungkot ako" Sabay ngiti ko sa kanya. Tinignan niya lang ako sa mga mata, umiwas naman ako ng tingin sa kanya at napa buntong-hininga.

"By the way, Bakit ka nga pala napauwi dito sa Pilipinas?" Pag-iiba ko ng topic.

"Hmm... nag extend kasi yung company ko sa engineering at itong Pilipinas ang pinili kong bansa para sa extension. At tsaka gusto ko din kasing makasama ka eh" Ngumiti naman ito sakin. Medyo nailang naman ako sa tingin niyang yun.

"Ah... hehe congrats!" Sabi ko.

"Salamat😊".

"So? dito ka na ba for good? o babalik ka pa ng Thailand?"

"Dito na lang ako, total meron naman akong taong pinagkakatiwalaan sa Thailand kaya siya na bahala dun" Sabi nito.

"Ahh okay😊" Yun na lamang ang nasabi ko.

"Nag lunch ka na ba?" Tanong nito.

"H-hindi pa eh"

Tiningnan naman nito ang relo niya para eh check ang time. "Nichole Chan, it's already 1: 30 tapos hindi ka pa kumakain ng lunch? Magpapakamatay ka ba sa gutom ha?" Ito na naman po siya. Hayst kung si Mariel strict din sakin itong si Martin sobrang strict naman.

"Magpapakamatay talaga? Busy lang kasi ako" Napakamot naman ako ng ulo.

"Tsk! Inuuna mo pa yan kaysa kumain. Tara na nga, kumain na tayo" Sabay tayo nito at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kamay niya na hawak-hawak ang kamay ko na para bang ayaw na nitong bitawan. Lumabas kami ng office ko na magka holding hands. Pinagtitinginan naman kami ng mga empleyado ko, pero dahil boss ako dito wala silang pakialam😂😅 charrott lang. Hinayaan ko lang siyang humawak sa kamay ko at sumunod na lang kung saan niya ako dadalhin na kainan😄

Author's POV





Samantala....

May dalawang pares lang ng mga mata ang nakatingin sa kawalan habang tumutulo ang kanyang luha.





I really missed you😭😢



A/N: Hey guys! It's me again your very corny author😂 kaloka mga 1 week na pala akong hindi nakaka pag-update. This past few days kasi inaatake ako ng anxiety ko at hindi ako nakakapag isip ng mga isusulat ko. At dahil ngayon na okay na okay na ako, back to writing na naman akesh😄😂. So any way salamat po sa lahat💕

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now