#10

23 0 0
                                    

Nichole's POV

Yesssss!!!! Bakasyon naaaaaa ibig sabihin makaka pag relax na rin ako sa wakas😆😅 nakaka stress din kaya minsan sa school lalo na kapag yung taong mahal mo hindi ka naman gusto☹ hayst ito na naman ako kaloka!😆. So any ways nandito ako ngayon sa bahay saan pa ba ako pupunta? malapit na pala yung Christmas and as usual ako lang mag isa dito sa bahay. Pinag day off ko sila manang at manong para naman maka bonding sila ng kanilang pamilya until christmas. Nandito lang naman ako sa sala nanonood ng Alvin and the chipmunk's. 2 days na ang nakalipas nong birthday ko at Christmas party namin sobrang saya lang talaga ng araw na yun, that's the most memorable moment na hinding-hindi ko makakalimutan. I sigh, kamusta na kaya siya? Hayyy Nichole naman eh iniisip mo na naman siya tumigil ka nga dyan. Maya-maya pa bigla akong nagulat dahil biglang bumukas ang pinto at pumasok dun si Mariel.

"Nako naman bes! nakaka gulat ka ha" Sabay hampas ko sa kanya, mahina lang naman😄.

"✌ Serry nemen 😃" Sabi nito at naupo sa tabi ko sabay kuha ng chips na kinakain ko, napatingin lang naman ako sa kanya. Kaloka 'tong babaeng to feel at home ha.

"Wow naman bes! May bahay ka tapos pupunta ka dito para makikain? iba din eh"

"Ahahaha Ay oo nga pala! May sasabihin pala ako sayo"

"Ano naman yun? Nako! sinasabi ko sa'yo ha siguradohin mo lang maganda yung sasabihin mo"

"Ma e-excite ka kaya dito!"

"Oh eh ano nga yan?" Curious kong tanong.

"Punta tayo sa boracay. Alam ko naman na ikaw lang mag isa dito sa bahay mo. Tapos sa bahay ka na lang namin mag celebrate ng Christmas" Napangiti naman siya sakin.

"Ano naman gagawin natin sa boracay? Besy tinatamad ako eh next time na lang. Tska ano ka ba naman sanay na ako na ako lang mag-isa dito sa bahay"

"Besy! ang ganda kaya ng boracay. Sige na pleaseeee"

"I'm sorry bessy pero wala talaga ako sa mode na mamasyal. Next time na lang okay?"

"Hayst ano pa bang magagawa ko besy? Okay fine! pero dun ka na lang sa bahay naman mag Christmas sige naaaa" Pamimilit naman nito ulit.

"Bes, Okay lang ako dito. At tsaka spend your time with your family"

"A-are you sure?"

"Yes of course! Don't worry about me"

"Hayst sige na nga. Sayang naman yung pag punta ko dito kung di ka rin naman sasama sakin" Nag pout naman ito napatawa na lang ako.

"😅😂 'Wag kang mag pout di bagay sa'yo"

"Ah talaga ba?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Charrrr😂😃 ikaw naman di mabiro😄"

"Oh siya! uwi na ako, ngayon kasi kami pupunta nila mama sa boracay" Tumayo ito at ganun din ako, hinatid ko naman siya sa labas.

"Sige bes, mag-iingat kayo"

"Ikaw din ha. Mag-iingat ka dito, Eh lock mo yung bahay mo para walang may maka pasok ha. sure ka ba talaga na di ka sasama?"

"Opo😊 Sure ako bes. Sige na baka hinihintay ka na ng family mo".

"Sige bes. Basta ha tawagan mu'ko agad kapag may problema okay?"

"Yes besssyyy" Nagyakapan naman kaming dalawa at pumasok na ito sa kotse niya. I waved my hand and her driver start the engine at umalis na nga sila, pumasok naman agad ako sa bahay at ni lock ang pinto. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng bahay, tanging ang tv lang naman ang maririnig dito sa bahay. Napabuntong hininga na lamang ako, at pumunta na ng sala para maipag patuloy ang aking panonood mag-isa.

Mariel's POV

Hayyyy akala ko pa naman mapipilit ko siyang sumama samin, kaloka din yung babaeng yun eh mag-isa na nga sa bahay nila ayaw pang gumala kasama ko. Honestly, naaawa ako kay Nichole sa buong buhay niya minsan lang niya makasama ang pamilya niya. Her parents ay nasa states at busy sa company nila dun. Nag-iisa lang siyang anak ng pamilya pero di manlang siya magawang pag tuunan ng pansin ng kanyang mga magulang. Well, sabi sakin ni mama na kaibigan ni tita, una pa lang daw ayaw na niyang magbuntis dahil nakakaabala lang daw ito sa trabaho niya at ganon din si tito ayaw mabuntis si tita dahil subsob rin ito sa trabaho kaya ganyan, binibigay nila lahat tita at tito ang mga luho ni Nichole at binigyan pa ng sariling bahay dito sa Pilipinas pero sila tito at tita ay dun na mismo nakatira sa states.  Sabi pa sakin ni Nichole na minsan raw kapag tumatawag siya sa mga magulang niya hindi daw siya nito nabibigay ng oras para makausap siya ng matagal at maririnig na lang ni Nichole na nag aayaw ang mga magulang niya. Haysstt ang hirap din ng sitwasyon ng kaibigan kong yun palagi na lang nasasaktan, nakadagdag pa si sir Baretto hayst.

At dahil hindi talaga ako mapakali na mag-isa lang sa bahay si Nichole, nagpasya akong tawagan yung taong mapapagkatiwalaan ko. Yung pinsan ko si Martin.

Calling: My cousin, Martin

Ilang ring pa at sinagot na niya rin ito.

"Oh, Mariel napatawag ka?"

"Saan ka ngayon?"

"Dito lang sa bahay, bakit?"

"Puntahan mo si Nichole sa bahay niya siya lang kasi mag-isa dun eh"

"Ha? Hindi umuwi parents niya?"

"As usual, So any way samahan mo naman siya oh. Alam kong di mo siya matitiis"

"Botong-boto ka talaga sakin noh?" Sabay tawa nito sa kabilang linya.

"Sira! Sige na ha, samahan mo siya dun hindi kasi talaga ako mapakali kapag na iisip ko na siya lang mag isa dun. Ikaw pinsan ha! umayos ka dun"

"Oo naman pinsan good boy kaya ako. Sige ha bihis lang ako at pupunta na ako dun sa kanila"

"Sige, bye!" Pinatay ko naman kaagad ang tawag at naka hinga ng maluwag, at least safe na siya dun dahil sasamahan siya ni Martin.

Speaking of Martin, Yes you read it right pinsan ko siya sa labas. Anak siya ni tito kapatid ni papa sa ibang babae. Maaga ring pumanaw ang mama niya nong pinanganak siya kaya si tito ang nag alaga sa kanya at tinanggap naman siya ng buong puso ni tita asawa ni tito. Wala kasi silang anak kaya siya na yung tinuring na anak ni tita. Pero sa kasamaang palad namatay sila pareho dahil sa car accident kaya si Martin na lang ang mag-isa sa buhay. Alam na rin ni Nichole na pinsan ko siya. At matagal ko ng alam na MAHAL ng pinsan ko si Nichole. Shhhhhhh quiet lang kayo ha hehehe. So any ways ang dami ko ng na kwento sa inyo 😂 madaldal kasi ako eh😄😂. Sige alis muna ako tawag kasi ako ni mama hehehe😄😅😆




A/N: Kayo na bahalang mag intindi sa chapter na to 😂😂 Medyo wala akong gana mag sulat ngayon dahil yung bf  ko na betle ay may sakit😢 so any ways see you in my next update.... I love yahhhh

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now