Nichole's POV
Nandito kami ngayon ni Martin sa room at dito kami nagpasyang kumain ng lunch, kami lang dalawa dito dahil yung iba ay nasa canteen, at si Mariel naman ay umuwi dahil nakalimutan niya yung panghapon niyang mga notebooks.
Habang kumakain kami ni Martin, hindi naman namin maiwasan na hindi mgakwentohan ng ilang mga bagay. Marami na rin akong nalaman tungkol sa buhay niya at naging open rin ako sa kanya tungkol sa buhay ko. Ang tanging hindi ko nalang alam tungkol sa kanya ay kung sino yung babaeng MAHAL niya, ewan ko ba na co-curious lang talaga ako. So any ways natigil ang aming pag kukwentohan ng marinig namin ang pagbagsak o para bang SINADYANG ibagsak sa lamesa ang mga libro, napatingin kami sa likod at nakita namin si sir Noel na mukhang bad mood ata, di rin namin napansin na pumasok na pala siya sa room busy kasi kaming nag kukwentohan ni Martin.
After ng mahaba-habang kainan, dito naman kami sa may labas ng room nakaupo lang habang nagpapahangin.
"Nic, ang ganda pala ng boses mo noh? Bakit di ka sumali sa mga pa contest dito sa school, o di kaya sa mga programs na ginaganap natin dito. Tapos nong nakaraan may performance tayo sa Music in MAPeH di ka rin nag presenta na ikaw yung kakanta. Bakit mo tinatago yung talentong yan?" Mabang litanya sakin ni Martin.
"Ayaw kasi nila mama at papa na kumakanta ako, ang gusto nila mag focus lang ako sa pag-aaral para daw marami akong matututunan at tsaka wala naman daw akong mararating sa pagkanta ko. Ang atupagin ko yung pag-aaral ko dahil sa huli ako ang magmamana ng business namin. Kahit sobsob sa trabaho yung mga yun, kahit wala silang time na asikasohin ako, may concern rin sila sakin"
"Sayang naman Nic, ganda kaya ng boses mo, at tsaka hindi mo naman gagawing pang hanap-buhay ang pagkanta eh, gagamitin mo lang yung talents mo dito sa school. Sayang rin kaya yung high grades na makukuha mo kapag nag pa-participate ka sa mga ganap dito sa paaralan. Alam mo Nic, malapit na kayang mag Valentines at sigurado ako may pa program ang mga MAPeH teachers, hindi ko nga lang alam kung ano, pero baka may singing contest... Sali ka kaya"
Natawa naman ako sa kanya 😂😂 next month pa naman yung Valentines eh pinapangunahan niya na kaagad😆 "Next month pa naman yun.... Well see😊"
"Sali ka ha.. Dahil kapag sumali ka alam kung susuportahan ka ng mga classmates natin. Tsaka hindi rin naman malalaman ng mga magulang mo eh, nasa states kaya sila"
"😂😂 Oo na! hintayin na lang natin next month kung anong pa ganap"
"Sige!" Nag ngitian kaming dalawa. At ang kwentohan pa ng ilang mga bagay.
Noel's POV
Nasa faculty ako ngayon at katabi ko sa aking desk ang matalik kung kaibigan since high school at ang co- teacher ko ngayon na si Mark. Napatingin naman ako sa ginagawa niya at nakita kung nagpa-plano na siya for the Valentines program next month, isa kasi itong MAPeH teacher.
"Nasa plano mo na ba yung magpa singing contest sa mga students?" I asked him.
"Oo naman, alam ko kasing mag e-enjoy yung mga students. May suggestion ka ba?"
"Ah, wala naman" Sabi ko nalang at napangiti ng palihim.
Sana sumali si Nich, Gusto ko siyang marinig kumanta. Sabi ko na lang sa aking sarili at napangiti ng palihim, hindi ko naman na pansin na nakatingin sakin si Mark.
"What's with that smile?"
"Nothing" Hindi ko parin mapigilan ang pag ngiti.
"Are you in love?" He asked. "Don't bother to answer pala, it's obvious naman"