#28

18 0 0
                                    

Nichole's POV

"At syempre kung may King meron din dapat na  Queen..... Ito ay si *drum roll* .....
.
.
.
.
.
.

"Nichole Chan!!!" Nagulat naman ako sa sinabi ni ma'am Cruz, teka? seryoso ba talaga to?.

"Oh my gosh bes! Ang taray Queen ka!" Napatingin naman ako kay Mariel na todo ngiti. "Congrats bes!" Sabi pa nito.

"Congrats Nic" Sabi naman ni Martin. Tumingin ako sa paligid at halatang sang-ayon silang lahat na ako ang maging Queen sa gabing ito. Hindi ko naman namalayan na nasa harapan ko na ngayon si Chad, nilahad nito ang kamay sakin senyales na tumayo ako. Tumayo naman ako at nagpalakpakan na naman ang lahat. Pagkatapos non nag tungo na kami sa stage.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nandito kami ngayon sa dance floor at kanya-kanyang sayaw naman ang mga estudyante. Pasado alas 10 na ng matapos ang lahat ng mga activity namin at ngayon nag pa-party na lamang kami.

After in a while nagsimulang tumugtog ang love song, (Song: Ikaw at ako by Moira) Nagsipuntahan naman kami sa mga upuan namin, at ang iba naman ay nasa gitna habang may mga kapartner ito sa pagsasayaw.

"Nic, pwede ba kitang maisayaw?" Napatingin naman ako kay Martin at tumango. Si Mariel naman ay nasa gitna na habang kasayaw nito ang crush niya, SANA ALL diba? 😂

Nagtungo naman na kami sa gitna, nilagay ko ang aking dalawang kamay sa braso niya at yung dalawang kamay nito ay nasa bewang ko.

"Ang ganda mo talaga Nic" Panimula nito. Napangiti ako sa kanya.

"😊Salamat, ikaw nga din eh ang gwapo mo, naging best in suit ka nga eh" Sabi ko naman.

"Haha oo nga, hindi nga din ako makapaniwala eh"

"Pwes ngayon maniwala ka na 😊 kasi bukod sa gwapo ka maganda rin ng suit mo kaya deserve mo yan" Ngumiti naman ito.

"Maniniwala na talaga ako ikaw nagsabi eh😄, salamat"

"Always welcome"

Noel's POV

Nandito lang ako sa table namin at umiinom ako ngayon ng wine, nakita ko naman sila ni Nichole at Martin sa gitna habang nagsasayaw ng sweet.

Niyaya naman isang estudyanteng lalaki si ma'am Orille na sumayaw, pumayag din naman ang huli. Hmmmm ayain ko kaya si Nichole? Wala namang masama siguro.

Tumayo naman ako at nagtungo sa direksyon nila.

"Pwede ba kitang masayaw Nichole?" Napatingin naman ang dalawa sakin.

"S-sige po sir" Sabi nito. Umalis naman kaagad si Martin. Hinawakan ko siya sa bewang at humawak din naman siya sa balikat ko. Umiwas naman siya ng tingin sakin at tumingin sa ibang direksyon.

"You look so pretty tonight" Hindi ko mapigilan yung sarili ko na hindi sabihin sa kanya ang mga katagang ito. Napatingin naman siya sakin at tipid na ngumiti. Umiwas naman ito kaagad ng tingin.

(Song: Bakit ba ikaw by Michael Pangilinan)

"Bakit ka ba iwas ng iwas ng tingin sakin?" Di ko mapigilang itanong ito sa kanya.

"Hindi lang po ako sanay na.... na... kasayaw ka" Sabi nito ng di manlang tumitingin sakin.

"Look at me" Utos ko sa kanya, pero hindi niya manlang ako sinunod. "Look at me Nichole" Sabi ko ulit sa kanya. Nang di parin siya tumingin sakin hinawakan ko na ang chin nito at dahan-dahan kung hinarap yung mukha niya sakin, nagtama ang aming paningin at nakita ko sa mga mata niya na mangiyak-ngiyak na.

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now