Nichole's POV
Matapos ang araw na yun napapansin ko na parang unti-unting dumidistansiya sakin si sir. Ikaw naman kasi Nichole eh! teacher mo yun tapos tatanungin mo ng "May pag-asa bang maging tayo" at umamin ka pa talaga ng totoo mong nararamdaman ah hayyy nako naman! kaya lumayo sa'yo yung tao eh. Hanggang ngayon naalala ko na naman yung araw na umamin ako sa kanya ng totoo kong nararamdaman.
(flashback)
Pagkatapos ng over night namin sa condo niya medyo naging close na kami ni sir mas lalo akong napapalapit sa kanya at mas lalong guma grabe yung nararamdaman ko sa kanya. And I admit it I love him not as my teacher but as a person. Ilang araw ko na rin na pag isip-isip na siguro nga umamin na ako sa kanya wala naman sigurong mawawala di ba?. Alam na rin ni Mariel na mahal ko si sir at tutol siya sa pagmamahal ko dito at ang desisyon na umamin sa kanya. Nandito kami ngayon sa hallway nag kukwentohan.
"Bes bakit ang bilis naman yata?" Napa buntong hininga na lamang ako dahil maski ako sa sarili ko hindi ko rin alam kong bakit ako nahulog ng tuluyan sa kanya. "Baka naman nadadala ka lang sa tukso namin sa inyo kaya siguro na feel mo na mahal mo siya" Pagpapatuloy pa nito.
"Hindi ko alam bes, pero para sakin mahal ko talaga siya eh. Palagi ko siyang naiisip kapag hindi ko siya nakikita palagi ko siyang hinahanap alam mo yan. Tapos sa tuwing may kasama siyang mga babae na ka edad niya nag seselos ako at nasasaktan. Love to eh"
"Sorry to say this Nichole ah pero mali yan eh, mali yang nararamdaman mo for him. He's our teacher and your just a student. Malabo yan eh".
" Alam ko naman yun eh pero bes hindi ko naman sinasadya na mahulog sa kanya ng tuluyan, pinigilan ko eh pero sadyang mahirap pigilan kong totoo yung nararamdaman. Bes I think, I must confess to him" Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"What?! No way!" Napatingin naman ang ilang mag estudyante sa amin dahil sa pag sigaw niya. "Shhhh besy naman eh ang ingay mo" Sabi ko sa kanya.
"Nichole Chan nasisiraan ka na ba talaga ha? Mag co-confess ka sa teacher mo na mahal mo siya? Are you out of your mind?"
"Wala naman mawawala di ba?"
"Meron. Lalayo siya sa'yo"
"Bes hindi mangyayari 'yan estudyante niya ako kaya hindi mangyayari yun"
"Best friend kita at concern ako sa'yo at alam kong masasaktan ka lang so please 'wag ka ng mag balak pa na umamin sa kanya"
"Ikaw na nga ang nagsabi, Your my best friend kaya dapat you will support me"
She sigh "Hindi ka na ba talaga mapipigilan?" Bahid ang pag-aalala sa tono niya.
I hold her hand and smile "Bes, alam ko na sa kabila ng feelings ko sa kanya kaakibat nito ay masasaktan lang ako at tanggap ko yun. Bahala na si batman kong anong mangyari sa confession ko sa kanya and importante makaamin ako ng totoo kong nararamdaman. Ayukong itago to" Ngumiti naman siya sakin at niyakap ako, and I can feel her support through that.
Cleaner's ko ngayong hapon kaya ito rin yung araw na aamin na ako sa kanya. Hinintay naman ako ni Mariel sa gate. After 10 minutes ng paglilinis sakto naman na umuwi na kaagad yung mga kasama kong maglinis at kami na lang ngayon ni sir ang nandito sa room nag-aayos na siya ng mga gamit niya para umuwi. Nagpalinga-linga ako, at wala na ngang mga estudyante I walked towards him and clear my throat.
"Ahmmf sir?" Napatingin siya sakin.
"Yes Nichole?" He asked.
"M-may sasabihin po sana ako" Oh my gosh! kinakabahan ako kaloka! Pero wala ng atrasan to bahala na.