Nichole's POV
Nandito ako ngayon sa health center sa lugar namin, dito kasi ako dineploy ni Ma'am Merlies dahil pinili ko mag social workers. 3 weeks din ako dito, at 3 weeks ko din hindi makakasama at makikita ang magpinsan.
Ang ginagawa ko dito ay nag o-observe sa mga ginagawa nila dito at ang mga na o-observe ko ay kailangan kung isulat sa booklet at papapirmahan ko sa kanila, kumukuha rin ako ng litrato para sa aking portfolio. Every day kailangan kung matapos ang 8 hours, apat sa umaga at apat rin sa hapon. Sobrang bait nila sakin dito, binibigyan nila ako snacks, tapos tinuturoan din nila akong gumamit ng weighting scale at mag blood pressure.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hay! sa wakas!!! after 3 weeks na immersion naka pasok na ako ulit dito sa school at kanina ko lang pinasa kay sir Noel ang booklet at sa susunod na linggo ko pa ipapasa ang aking portfolio. Yung iba naman ay nag eh immersion pa dahil medyo late na silang na deploy ganon rin sila Martin at Mariel, kaya naman konti pa lang kaming pumasok ngayon yung iba naman ay absent. Hayst! ang boring naman, wala kaming masyadong klase dahil busy yung mga teachers at mamaya may meeting din sila. Hayst! ano ba naman yan! wala manlang akong makausap.*Recess time*
Nagpagpasyahan ko kaninang umaga na magbaon na lang ng snacks lalo na at wala sila Martin at Mariel wala akong kasamang bibili sa canteen, nakakatamad kaya pumunta ng canteen ng mag-isa.
Pagkatapos kung kumain ng snacks, napatingin naman ako sa likod at nakita ko si sir na nakaupo sa table niya at busy sa pagla-laptop, umiwas na lang ako ng tingin at sinuot na lang ang earphone para makinig ng music at nagpasyang umidlip na muna dito sa desk.
.
.
.
.
.
.
.
.
Author's POVFor the past weeks walang pahinga ang mga graduating students sa dami ng kanilang ginagawa. Naging maayos naman ang lahat at syempre naging busy ang lahat para sa pag-aaral.
*fast forward*
Month of February
Habang may mga kanya-kanyang ginagawa ang lahat pumasok naman ng room si Mr. Aberco ang kanilang MAPeH teacher.
"Good morning students" Mr. Aberco greeted them.
"Good morning sir Aberco" They greeted him back.
"Sino ang gustong sumali para sa singing contest? Ang contest na ito ay gaganapin sa 14, Valentines day.
"Nic, sali ka" Sabi ni Jelly.
"Ha? bakit ako?" Sabi nito.
"Don't worry bes! support ka namin, ganda kaya ng boses mo" Sabi ng kaibigan nito.
"Oo nga Nic, sali ka na" Sabi naman ni Martin.
"Okay.... I try. Sali ako sir" Sabi nito at pinalista na ang kanyang pangalan. Nagpasalamat naman ang huli at umalis na ng kanilang room.
"Hala bes! kinakabahan ako" Sabi nito.
"Ano ka ba naman bes, kaya mo yan noh" Sabi naman nito kay Nichole.
"Oo nga naman Nic, kami na ang nagsasabi sayo na kaya mo yan!" Sabay ngiti nito sa huli.
"Thanks Guys" Nichole said.
.
.
.
.
.
Halos 2 weeks na pinaghandaan ni Nichole ang February 14....At ito na nga ang araw na yun.... Ang araw ng mga puso.
.
.
.
.
.
Nicholes's POVMaaga akong nagising for the final rehearsal para mamaya. Today is hearts day at masasabi ko na lang na SANA ALL MAY JOWA 😂 😂 mapapa sana all ka nalang talaga sa mga mag jowa mamaya. So any ways I decided na mag suot ng White off shoulder na may nakalagay na BE BRAVE at high waist na pants at sneakers na white din. At dahil Valentines ngayon naka civilian kaming lahat at ang mga damit namin na susuotin ay basi sa color coding.