#12

16 0 0
                                    

Noel's POV

Napatingin naman ako sa tumawag sakin. Napatayo naman ako agad, thank God! she's here. Pero biglang kumunot ang noo ko dahil may kasama siya, si Martin. Napadako naman ang tingin ko sa magka hawak kamay nila. Agad namana napabitaw si Nichole sa kanya.

"Nichole.... Martin nandito kayo?"

"Ah opo sir, kanina pa po kami nandito" Sagot ni Martin. Teka? nabasa niya kaya yung chat ko sa kanya? pero kung nabasa niya bakit kasama niya si Martin? Hay nako naman.

"Ahh...." Tanging nasabi ko na lamang. Ano pa bang sasabihin ko? tsk.

"Ah sir, bakit ka po pala nandito? May hinihintay ka po ba?" She asked. Oo ikaw, sabi ng isip ko.

"Ah.... wala.... wala, malapit kasi dito yung condo ko kaya nag pasya akong pumunta dito at mag relax. Saan pala kayo pupunta? Uuwi na ba kayo?".

"Ah mag di-dinner lang po kami sir, tapos mamaya sasakay kami ng ferris wheel" Sagot ni Martin.

"Kung gusto mo po sumama kayo samin" Sabi ni Nichole.

"Ahmmmm pwede ba?".

"Oo naman sir noh" Sabay ngiti nito... Ayan na naman yung ngiti niya.. hayy nako Nichole. Tumayo naman ako agad at pumunta na kami sa restaurant. Magkatabi sila at ako naman yung nasa harapan nila, nag-order na kami ng pagkain at syempre may konting kwentohan. Honestly, parang sila lang yung nag ku-kwentohan na O-OP na nga ako sa dalawang to eh. Hello!!! Nandito pa ako oh baka naman pwede niyo kong pansinin😒.

"Ah sir, Nichole excuse me lang po punta lang ako sa comfort room" Sabi nito at tumayo. Naiwan naman kaming dalawa dito ni Nichole. Binasag ko naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Nic, dala mo ba phone mo?" I asked.

"Hindi sir eh, sinadya ko pong iwan yun para makapag enjoy ako. Bakit po?". Sabi na nga ba eh di niya nabasa.

"Ah... Nothing natanong ko lang naman. Nag-enjoy ka nga ba?"

"Oo naman sir! Ngayon lang po kasi ako naka punta ng amusement park. Sobra po siyang nakaka enjoy, at first nakakatakot sumakay sa mga rides pero kalaunan nag enjoy naman po ako😊". Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan. Sayang! naunahan a pala ako, napangiti na lang ako sa kanya at maya-maya pa ay bumalik na si Martin at sila na naman ang nag kwentohan.

Nichole's POV

"Nic, sakay na tayo sa ferris wheel every 10: 00 pm may pa fireworks display sila dito. Saktong-sakto malapit na mag 10".

"Hala talaga? Sige!" Na excite naman ako dahil sa sinabi nito. Napatingin naman ako kay sir Noel.

"Sir sama ka" Sabi ko.

"Ha? ahmmm sige bili lang ako ng ticket" Sabi niya at umalis naman saglit.

"Ikaw ha para-paraan kana naman. Sabi mo lalayuan mo na siya di ba? So ano tong ginagawa mo?"

"Oo nga alam ko naman yun kaya lang.... kaya lang gusto ko din siyang makasama kahit ngayon lang. At tsaka paano niya ma e-enjoy ang amusement park na to kung nandiyan lang siya sa isang sulok naka tanaw sa mga rides".

Napakamot naman ito ng ulo "Hay nako Nichole"

"Ahmm Martin pwede makahingi ng favor?"

"Alam ko na yang sasabihin mo, gusto mo siyang makasama sa rides... Oo na sige na"

"Oh my gosh! thanks Martin! 'wag mong sasabihin kay Mariel ha magagalit na naman sakin yun".

"Oo na.. ikaw pa ba". Napayakap naman ako sa kanya.

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now