#33

14 0 0
                                    

Noel's POV

3 months later

3 months  na ang nakalipas but still she's in a coma. Nakabantay naman kami sa kanya, lalo na ang best friend nito na si Mariel at syempre si Martin. Ako naman ay madalas na lang dahil nga sa may trabaho rin ako na kailangan asikasohin. Madami pa nga akong paper works na hindi natapos pero mas pinili ko na pumunta dito at dalawin si Nichole.

Ngayon naman ay kasama ko ang mama nito, kami lang dalawa ang nakabantay kay Nichole. Tahimik lamang ako dito at pinagmamasdan ang mahimbing na tulog nito.

"Teacher ka niya diba?" Napatingin naman ako sa ginang.

"Opo" Magalang kung sabi.

"Do you love her? As a person?" Lumapit ako dito at umupo naman ako sa kabilang side ni Nichole.

"O-opo, I really love her" Sabay tingin ko kay Nichole. Ito na naman naluluha na naman ako. "I'm sorry po ma'am, dahil ako yung dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ngayon si Nichole. She's still young para maranasan 'to. And it's my fault" Tuluyan na nga akong naluha. Inabot nito ang kamay ko at hinawakan.

"Yung Melany na yun ang may kasalanan ng lahat hindi ikaw, kaya iho 'wag mo ng sisihin yung sarili mo because it's NOT your fault"

"H-hindi po kayo galit sakin?"

"Hindi... hindi ako galit sa'yo. Instead, I want to thank you because you loved my daughter. Nangyari na yung nangyari at hindi na natin maibabalik pa yun. All we could do now is wait until she got conscious" Sabay ngiti nito sakin. Napangiti na lang din ako sa kanya at pinunasan na ang luha ko.

"You know what, nong nalaman ko yung nangyari sa kanya iyak ako ng iyak because I just realize na I really love my daughter, and she's very important to my life. Sobra kaming nagsisi ng papa niya dahil inuna namin yung trabaho kaysa sa alagaan siya" This time ito na naman ang umiyak. "Hindi ko alam kung mapapatawad pa kami ng anak namin. Binalewala namin siya, hindi namin siya pinag tuonan ng pansin. Tapos kung kailan may nangyari sa kanyang masama tsaka namin na realize ang lahat"

"Ma'am, kung nagigising na po ngayon si Nichole, alam ko po na sobrang saya non kasi nandito kayo para alagaan siya. Mabait po si Nichole, at alam ko po na naiiintindihan niya po kayo. Mahal na mahal po niya kayo" Pag co-comfort ko dito.

"S-salamat iho, salamat" Sabi nito.

Maya-maya pa ay biglang nag collapse si  Nichole, nagpanic naman kami dahil dun at dali-dali akong tumawag ng doktor.

Nandito lang kami ngayon sa labas. Iyak ng iyak naman ang mama nito at nakayakap lamang sa asawa niya. Habang sila Mariel naman ay umiiyak na din.

Hanggang sa hindi ko na nakayanan at nagpasya muna akong umalis dun at dinala ako ng mga paa ko dito sa chapel ng hospital.

Umupo ako sa unahan at nagsimulang magsalita habang tumutulo na ang aking mga luha.

"Alam ko po na ang dami ko ng nagawang kasalanan sa'yo, pero panginoon dinggin niyo sana ang panalangin ko na sana maging ligtas siya"

"Nakikiusap po ako, iligtas niyo po yung taong mahal ko, Ako po yung may kasalanan ng lahat ako na lang po yung parusahan mo 'wag lang po siya. Hindi ko po kaya na mawala siya, hindi ko kakayanin yun".

"Gagawin ko po ang lahat maging maayos lang po yung kalagayan niya, Panginoon ikaw na po ang bahala sa kanya, nakikiusap po ako, tulungan mo po siya sa kalagayan niya ngayon" Iyak lang ako dito ng iyak. Hindi ko na alam yung gagawin ko.

"Lalayo po ako sa kanya, gagawin ko po yun para maging maayos na siya. Yun na lang po yung tanging naiisip ko para maging ligtas lang po siya. Kung yun po yung gusto niyo gagawin ko po. Lalayo ako at hindi na magpapakita sa kanya. Total naman ako yung may dahilan ng lahat ng ito. Kaya dapat lang siguro na ako yung lalayo". Tama, yun na lang siguro yung gagawin ko.

"Maraming salamat po panginoon, maraming salamat po" Pagsabi ko non, pinahiran ko na ang aking luha at nanatili muna dito sa chapel.

Author's POV

Pagbalik niya dun wala ng tao sa labas ng kwarto ni Nichole, Pinihit niya ng mahina ang sirado at sumilip sa loob. Nakita niyang sobrang saya nila dahil sa gumising na ang huli. Tumulo ang kanyang luha at napangiti na lang. Dahan-dahan niyang sinarado ang pinto ay napaupo sa labas.

"Thank you po, sobrang salamat" Sabi nito. Habang lumuluha na nagpapasalamat sa Diyos.

Tumayo naman ito, aalis na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at lumabas dun si Mariel.

"S-sir" Sabi nito. "Aalis ka po?" Tanong nito.

"Ah... gising na siya?" Tanong ko pabalik dito at hindi sinagot ang tanong niya.

"O-opo sir" Hindi ito makatingin sakin ng maayos.

"S-sige" Aalis na sana siya ng biglang  nagsalita si Mariel.

"Sir sorry po" Napalingon naman siya sa gawi ng huli at halatang naiiyak na ito.
"Sorry po sir, sa loob po ng dalawang buwan pinaramdam ko po sa'yo na ikaw yung may kasalanan ng lahat. Sorry sir Noel, hindi manlang po kita nirespeto bilang guro ko" Tumulo na ng tuluyan ang luha nito. Lumapit naman si Mr. Barreto.

"Mar, Hindi mo na kailangan humingi ng sorry sakin. Dahil kasalanan ko naman talaga ang lahat. I'm sorry dahil sakin kaya nasasaktan ang kaibigan mo, at napahamak pa siya dahil sakin. Sige na Mariel, mauna na ako" Ngumiti siya kay Mariel at tumalikod, aalis na sana ang huli ng magsalita ito ulit.

"Hindi mo manlang po ba siya kakausapin? H-hindi ka manlang po ba magpapakita sa kanya?"

Napalingon siya dito at nagsalita "Hindi na kailangan, sapat na  sakin malaman na gising na siya. Masaya na ako dun, Alam kung mas magiging masaya na si Nichole kapag hindi na ako nagpakita sa kanya, at alam kung magiging safe siya kapag tuluyan ko na siyang layuan".

"A-alis ka po? Ibig sabihin lilipat ka ng ibang school? Saan ka po pupunta?"

"Parang ganon na nga Mariel, bahala na. Basta malayo sa kanya.  Sige na alis na ako, alagaan mo yung best friend mo ha" Sabay ngiti nito sa kanya at tuluyan ng umalis.




A/N: Hi 😊 Sorry ngayon lang ako nakapag update, eh kasi naman medyo busy lang ako😊, See you all on my next update 😍😚

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now