#39

14 0 0
                                    

Nichole's POV

Time Check: 10: 15 am

Kagigising ko palang ngayon nagpasya na rin akong hindi pumasok ng opisina ngayong araw na 'to. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi sapagkat iniisip ko kung ano bang maaaring mangyari kapag nagkita kami ni sir Noel. Sa loob kasi ng mahabang panahon ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng balita sa kanya, at hindi ko rin akalain na sa hinaba-haba ng panahon magkikita kami ulit. Actually kagabi ko pa pinag-isipan kung pupunta ba ako sa bahay niya o hindi. Iniisip ko na para ano pa? para saktan lang yung sarili ko? pero naisip ko rin na hindi naman masamang makita siya ulit. At tsaka base sa minessage sakin ng kapatid niya he needs me. Ano kaya ang ibig nitong sabihin?.


Ang bilis lang ng oras nandito na ako ngayon sa labas ng bahay ni sir Noel, actually ilang minuto na ako dito pero parang hindi ko parin magawang mag doorbell at pumasok. Parang... parang hindi ko pa kayang makita siya. Nakapagpasya na ako siguro hindi pa ito yung tamang panahon para magkita kami, tatalikod na sana ako ng may tumawag sakin.

"Nichole?" Dahan-dahan akong lumingon and I saw tita Marijoy. "Iha" Sabi nito at lumapit sakin sabay yakap. "I'm glad you came, let's go inside" Sabi nito. Ngumiti na lamang ako sa kanya at wala ng nagawa kundi pumasok ng kanilang bahay. Umupo kami sa kanilang sofa.

"What do you want? Juice, Coffee or just water?"

"No, thanks tita" Sabay ngiti ko, ganun din siya sakin.

"Masaya ako dahil sa maraming taon nandito ka ulit sa bahay, you look so very pretty iha"

"Salamat po tita, kayo din po you still look young"

"😊 Thank you iha, that's why I like you for my son, because honest ka" Sabay ngiti nito.

"Ahmf, tita. Bakit po ako pinapunta ni ate Roselyn dito? At ano po yung sinasabi niya na sir Noel needs me?"

Ngumiti ito ng mapait bago nagsalita "Iha, my son have a stage 4 brain cancer"

Nanlambot ako sa sinabi ni tita at parang natameme ako sa narinig ko mula sa kanya. Biglang tumulo ang luha ko.

"... No... N-no" Ang tanging nasambit ko. Patuloy lang naman sa pagtulo ang mga luha ko.

She hold my hand habang mangiyak-ngiyak na rin "Iha, I think you are the only one who can help him. Nawawalan na siya ng pag-asang gumaling"

Tanging iyak lang ang naitugon ko kay tita sobrang n speechless ako sa nalaman ko tungkol sa kanya.

"Do you still love him?" She asked me.

"S.... sobra" Sagot ko sa kanya.

"Thank you for always loving my son Nichole" Sabi nito.

"W-where is he now tita?"

"He's upstair, come on ihahatid kita sa kwarto niya" Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya.

Nandito na kami ngayon sa labas ng kwarto nito, Naunang pumasok si tita.

"Anak, may bisita ka" Rinig kung sabi ni tita mula sa loob.

"Who?" For the past 6 years. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses nito. O God I really missed him so much!.

"Iha" Sabi ni tita, huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok ng kwarto nito.

"Maiwan ko na kayo"Tumango ako kay tita at lumisan na rin ito.

"Ni....Nichole?" Sabi nito.

I looked at him, he's very different now. Hindi ito yung sir Noel na nakilala ko dati, his very weak, nakabonnet na rin ito dahil siguro nalagas na yung buhok niya, meron din oxygen na nakakabit sa kanya, maputla siy at halata sa mga mata niya na pagod na nga ito. Bakit si sir Noel pa? 😭, tuloy-tuloy lang ako sa pagluha, awang-awa ako kay sir, hindi ito yung sir Noel na inaasahan kung makita.

"S....sir" Halos pabulong kung litanya. Umiwas ito ng tingin sakin at nagsalita na hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.

"Why are you here?" Cold nitong litanya, pero mababanaag sa boses nito na mahina na siya.

"Ate Roselyn message me, she... she tell me that you need me sir Noel" Pinipigilan ko na lang na humikbi, para makapagsalita ako ng maayos.

Tumingin ito sakin "She's wrong, I don't need you, just leave" Sabi nito, napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi nito, lumapit ako ng konti sa kanya, at umiwas na naman ito ng tingin sakin.

"Bakit ka ba ganyan sakin sir?"

"Just leave" Sabi pa nito, hindi manlang ito tumingin sakin at sa ibang direksyon ito nakatingin.

"No.... hindi ako aalis" Pagmamatigas ko.

"Nichole please! Umalis ka na, I don't need you here!, Hindi kita kailangan Nic! hindi!, kaya please umalis kana!" This time tumaas na nga ang boses nito at pareho na kami ngayong nagkatinginan sa isa't-isa, naluluha na rin ito.

"Bakit di mo sakin sinabi na may sakit ka?" Binalewala ko ang sinabi nito at ito na lang ang tinanong ko sa kanya.

"For what?, your just my student dati, kaya wala ka ng karapatan na malaman pa" Halos madurog ang puso ko sa sinabi nito, at ito na naman ang mga luha ko nagsitulo na naman ito.

"Oo estudyante mo lang ako sir Noel, kahit yun lang yung pagtingin mo sakin, minahal pa rin kita at patuloy kitang mamahalin kahit ano pang sabihin mo" 

"Hindi pagmamahal yang nararamdaman mo sakin.... kondi pagkaawa sa kondisyon ko ngayon, kaya ka nga nandito diba? Kasi naaawa ka sakin"

"I care for you sir Noel, I care for you because I still love you at sobrang miss na miss na kita" Halos pabulong ko na lang nasabi ang mga huling salita.

"Leave" Sabi na naman nito.

"Ayuko" Pagmamatigas ko.

"Just leave!!! Umalis ka -" Pinutol ko ang sinabi nito.

"Ayuko sir Noel!!! at kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan hinding-hindi ako aalis, hindi kita iiwan. Dahil mahal na mahal kita, at ang tagal kug hinintay yung pagkakataon na ito. Ang tagal kung pinagdasal na sana makita na ulit kita dahil sobrang miss na miss na kita, sana naman sir Noel wag mo na akong ipagtabuyan kagaya ng dati. Please let me stay" Mahabang litanya ko sa kanya, pareho na kami ngayong umiiyak.

"I'm sorry.... I'm really sorry Nic" Wika nito habang umiiyak. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nito malapad naman ang kama niya kaya kasya lang kaming dalawa. Dahan-dahan kung inabot ang kamay nito, at nang mahawakan ko ito I hold his hand tightly na para bang ayaw ko ng bitawan ito.

"Mahal mo parin ako?" Tanong nito.

"Higit pa sa salitang sobra" Sagot ko.






"Mahal din kita Nichole, Mula noon hanggang ngayon"










A/N: Hi guys! Sensiya na at sobrang tagal akong hindi nakapag update, this past few weeks kasi ang dami kung ginawa kaya medyo busy din ako at wala akong time makapagsulat. So any ways maraming-marqaming salamat sa lahat ng readers ko❤ I love yah guys😄😘😍 I hope you like this chapter🤗 Ilang chapters na lang at matatapos na rin ito kaya sana suportahan niyo pa rin ako. That's all salamat😊😘

I fell In love with my teacherWhere stories live. Discover now