Chapter 1

326 16 3
                                    


AFTER three and a half years ...

"Good morning po Ma'am !" Sabay-sabay na bati ng mga estudyante ko ng makapasok ako sa loob ng silid-aralan .

"Good morning class . Take out your notes and we will start our class . Lindsey , come here and lead the prayer ." Sumunod ang mga ito at saka nabalot ng katahimikan ang buong kwarto ng magsimula ng magdasal si Lindsey para sa pagbubukas ng klase namin ngayong araw .

After three years , everything changed . I finally stopped myself from crying and make my heart feel nothing . I walked out my room with pride and held my chin held up high .

Wala ng lugar ang mga lalaki sa buhay ko . No one , except my family and my students .

Kada papasok ako sa eskwelahan para magturo sa mga ito , lahat ay nagbabago . Lahat ng sakit at pait ng nakaraan ko ay kusang naglalaho at napapalitan iyon ng saya at galak dahil sa mga batang nasa harapan ko ngayon .

"Oh s'ya anong tinalakay natin nu'ng nakaraan , kung nakikinig nga kayo ?" Panghahamon ko sa mga estudyante ko , and as expected , lahat ay nagtataasan na nang kamay .

"Ako Ma'am !" "Ma'am ako !!" "Ma'am !" Natawa ako ng mahina dahil para itong maaagawan sa pagsagot .

"Quiet . Diyos ko po , one at a time lang class , mahina ang kalaban ." Biro ko sa kanila kaya naman tumawa sila .

"Paano po kasi Ma'am , ang sabi mo gusto mo malaman kung sino nakikinig sa inyo kaya nagtaasan kami ng kamay ." Pagrarason ni Pedro .

"Pedro , kabata-bata mo pa lamang mahilig ka ng magrason ." Lumapit ako dito at saka umupo sa mesa ng kanilang upuan . "Ano bang pangarap mong maging trabaho sa hinaharap ?" Tanong ko dito kaya napa-isip ito .

"Sapat na sa akin ang maging tulad n'yo Ma'am . 'Yung magtuturo sa ibang bata kahit hindi iniisip ang kikitaing salapi ." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Pedro .

I can say that my class is way too advance thinkers at ang sagot ni Pedro , ang hindi ko inaasahan . Kadalasan kasi students wants to be a professionals like doctor , nurse , lawyer and police to help others and because of it's high salary pero ang klaseng ito , kakaiba sila , they aren't like others na simple lang mag-isip at pera agad ang maiisip dahil sa hirap ng buhay .

"Nice , pero kahit maganda ang sagot mo , wala akong ibibigay na bonus o plus points sa dadating na final exam ." Nakangisi kong untag kaya nagtawanan ang buong klase while Pedro is laughing with them .

Kids are all so precious . Kids are innocent . Kids are lovable . These thought that me and my best friend Angelica shared for years .

"Oh s'ya , magsimula na tayo . Ano ulit ang itinuro ko sa in'yo sa last meeting natin ?" Tanong ko sa mga ito at sa muli , nagtaasan ang mga kamay nito , I smiled because I know , the future will be holding by this little hands in front of me .

"Tiffany ." Tawag ko sa estudyante na katabi ni Pedro . Tumayo ito at saka sumagot .

"Kung paano po mag multiply ." Sagot nito .

"Good . You can sit down ." Utos ko dito at saka minarkahan ang espasyo sa tapat ng pangalan nito .

I am doing this para sa magiging reward nila sa akin sa nalalapit nilang recognition . Hindi lahat ng estudyante ko ay kayang maging katulad ng mga top students ko na nakakakuha ng matataas na grado dahil sa projects at exams kaya naman , binibigyan ko ng t'yansa ang mga hindi makasabay sa kanila by doing this tally .

"Who can recite the multiplication table of 7 ?" Nagtaasan muli sila ng kamay kaya muli akong nagtawag . "Sandro ." Tumayo ang bata at saka nag-recite .

"7 , 14 , 21 , 28 , 35 , 42 , 49 , 56 , 63 , 70 ." Anito kaya another strike na naman .

"Good , who can recite the multiplication table of 8 ?" Nagtaasan silang muli at muli akong nagtawag . "Lyka ." Tumayo ito at nag-recite na halata ang kaba .

"8 , 16 , 24 , 32 , 40 , 48 ... Uhmm .." Tumigil ito na parang nag-iisip . Everyone is chatting behind her and it is making her conscious .

"Go on . Kaya mo 'yan ." Pagpapalakas ko ng loob dito kaya huminga ito ng malalim at saka ito nagbilang sa daliri .

"8, 16 , 24 , 32 , 40 , 48 , 56 , 64 , 72 , 80 ." Anito kaya pumalakpak ako na sinabayan ng iba . Lyka smiled and heaved a sigh bago ito umupo sa kan'yang upuan .

"Recitation lang tayo ngayon at bukas , maglo-long quiz tayo sa mga napag-aralan n'yo ngayong grading na ito . At sa makalawa naman ay magpe-pre-test tayo sa mga posibleng kakaharapin n'yong katanungan sa darating na finals n'yo . Nagkakaintindihan ba tayo ?" Litanya ko at sabay-sabay silang tumango at sumagot .

"Opo ."

I grabbed the chalk and write the questions they need to answer . Everyone participated , kaya naman tuwang-tuwa ako nang sa araw na iyon ay halos hindi na ako magkanda-ugaga sa paggawa ng tally sa kanila . Until I declared na recess na .

Everyone came out the room except Pedro and Lyka na nakayukyok lang sa kanilang lamesa . Nangunot ang noo ko at saka ito nilapitan .

"May problema ba ?" Tanong ko sa mga ito pero mukhang nahihiya itong magsabi sa akin .

"Ano po kasi eh .. Ahmmm ." Si Lyka .

"W-wala po kasi kaming baon ." Si Pedro .

Tinitigan ko ang dalawa . This case always exists at hindi ko maiwasang kaawaan sila . Pero hindi ko pinahalatang naaawa ako dahil ang tulad nila Lyka at Pedro na sobrang matured mag-isip among their classmates , they don't like being sympathize and pitied .

"Oh sige , ganito ha ? Tig-bente kayo . Pag hindi kasya , sabihan n'yo ako.  H'wag kayong magpapagutom at h'wag kayong mahihiya sa akin , okay ? Ako ang nanay n'yo sa kwartong ito kaya kung maaari , h'wag kayong maglilihim sa akin , okay ?" Sabi ko sa mga ito kasabay ng pagbigay sa kanila ng forty pesos mula sa wallet ko , pagkatanggap ay saka ako nito niyakap ng mahigpit .

"Salamat teacher . Salamat po talaga ." Naluluhang sabi ng dalawang bata kaya niyakap ko na din sila at marahang hinaplos ang mga likod nila .

Pagkaalis nila ay umupo ako sa upuan ko when someone knocked at the door . I looked at it at ang saya na nararamdaman ko ay biglang naglaho at napalitan ng inis ng makita ang dumating na asungot .

"Naomi ." Tawag sa akin nito .

"Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko sa kan'ya habang nakatitig sa mga mata nito .

Akalain mong nakakatagal ka sa pagtingin sa mata ko ? Tss siraulo ka talaga .

"I love --"

"-- Ma'am !!" In an instant nawala ang inis ko at tumingin sa mga estudyante ko na may dalang tig-iisang tangkay ng sunflower . Lumapit sila sa akin at saka inabot ang mga bulaklak .

"Sinong --"

"-- may Manong po na nagbigay n'yan sa amin para ibigay sa inyo . Ang gwapo po nu'ng lalaki ." Sagot ni Shiela na mukhang kinikilig pa .

"Naku , pumasok na kayo at may klase pa tayo , okay ?" Sabi ko sa mga ito na agad din naman nilang sinunod .

Humarap ako kay Billy na mukhang hindi inaasahan ang mga pangyayari . Ngumiti ako at saka nagpaalam dito .

"I need to go . My students are way too important than your sweet talks . Thank you for visiting me here . Bye ." Paalam ko dito at saka pumasok sa loob ng silid-aralan .

Inilagay ko sa isang tabi ang mga sunflower , napangiti ako habang nakatingin doon . I took a bite with my sandwich while thinking who is the man behind it .

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon