Chapter 5

219 15 7
                                    


"ONE banana biscotti with capuccino for me please ." Sabi ni Leonard na prenteng naka-upo lamang sa kan'yang upuan . Habang ako ay hawak ang menu book at naghahanap ng makapaglalaway sa akin .

"Carbonara and orange juice for me please ." Order ko bago ibigay ang menu book sa waiter na yumukod muna bago umalis .

Sumandal ito sa kan'yang upuan habang ako naman ay nakamasid lang sa kawalan . Ang daming nangyari kahapon , I can't call Angelica dahil alam ko na abala ito lalo na at kumukuha ito ng pediatrician course . Kaya wala akong nagawa kundi sarilinin ang lahat ng problema ko .

"What's your plan after this ?" Leonard asked but my thoughts is still flying elsewhere .

Nakakalutang pala 'yung ganito ? 'Yung makakita ka ng pagtataksil ng sarili mong ama sa ina mo na hindi pa ata nalulusaw ang katawang-lupa sa ilalim ng lupa .

"Naomi to Earth ." Kumurap-kurap ako at tiningnan si Leonard na mukhang naiirita na hindi maintindihan .

"I want to go to my best friend's house ." I said then I realized , why did I said that ?

"Where ?" Tanong ni Leonard .

"Colmenar Viejo . Teka , bakit ba tanong ka ng tanong ? Hindi ako pumayag sa pagkikita nating ito para makipagkwentuhan sa'yo , Mr. Reyes ." Mataray kong litanya dito .

"Colmenar Viejo ? Meron akong kakilala roon ." He said but I don't care about it .

Dumating ang orders namin at kumain kami ng tahimik . Hindi ko na sana papansinin ang paglinga-linga nito sa paligid pero nayayamot ako sa ginagawa nito . Kriminal ba ito ? O may malaking atraso ?

"Ano bang meron at naka-shades ka pa ? At saka para kang kriminal na parang may nagawa dahil sa paglinga-linga mo d'yan ." Litanya ko pero mukhang hindi ako nito pansin kaya naman nanahimik na lang ako .

Mukhang wala na rin akong mapapala sa lalaking ito kaya naman tumayo na ako at binitbit ang bag ko . Nakita ko ang pagtataka sa mga mata n'ya pero naglakad na ako paalis ng lugar na iyon . He hurriedly asked for the bills pero hindi ko na ulit nilingon ito ng mabangga ako ng kung sino .

"Aray ! Ano ba't --"

"Naomi ?" Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses nito . Pero tumayo ako mag-isa at binalewala ang kamay na nilahad n'ya .

"Wow , what a small world . Ang ex na hampaslupa , kumakain sa mga five-star restaurant na tulad nito ?" Mapang-asar na bungad ni Carrie pero sino ba s'ya para magpadaig ang isang Naomi Hail Kendrick ? No way , not in my gorgeous sexy body .

"Wow , what a small world . Ang present ng pinagsawaan ko , kung makapagmayabang akala mo kung sinong birhen at masikip ." Pang-aasar ko dito at kita ko ang paglaki ng mata nito . Akma ako nitong sasampalin ng may kamay na pumigil dito .

"Don't you dare to lay your finger to her ." Napalingon ako kay Leonard na halata ang pagtiim-bagang nito . Naka-shades pa rin ito pero kita ko ang matalim n'yang tingin kay Carrie .

"Bitiwan mo ako !" Carrie shouted kaya naman habang nagwawala ito ay binitawan ni Leonard ang kamay nito kaya ito nasubsob sa sahig .

"What the ?!" Billy is about to complain ng bigla itong matigilan . Sinundan ko ang tingin nito at nakita ko si Cairo na matalim ang tingin sa kan'ya habang naglalakad palapit sa amin .

"Hey Cai , my man !" Nag-fist bump sina Leonard at Cairo na nagpaawang ng labi ko .

"Magkakilala kayo ?" Tanong ko at saka tinanggal ni Leonard ang shades n'ya at kinindatan ako . Cairo covered his eyes by his hands at pina-atras si Leonard na tumatawa-tawa na .

Loving A Psycho (Cross Enterprise Series #3) | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon